CHAPTER 10 - I will protect you!

19 2 0
                                    

Lucy's POV

Papunta na ako sa room ng biglang may humila sakin at hindi ko matanggal ang mga kamay nila na tila mga halimaw.Dinala nila ako sa gilid ng isang building at tila sila ay galit na galit sa di ko malamang dahilan.

"Huyyy babae wag na wag mong lalapitan si Zanye akin lang sya"sabi sakin ng galit na galit na babae

"Di ko sya nilalapitan" sabi ko ng pataray.Palaban kaya toh

"Hindi nilalapitan? Anong sinasabi mo, lagi nga kayong magkasama" pagtataray ng tila leader sa mga babaeng yun

"Ayaw ko ng gulo!"sabay talikod sa kanila

Aalis na sana ako ng bigla akong harangan ng mga babae

" Ayaw ko nga ng gulo!"sigaw ko

Hahakbang na sana ako ng bigla akong sinampal ng babaeng nakasagutan ko.

Napayuko ako at hinawakan ang namumula kong mukha...Dahil sa galit,nilapitan ko yung babae sabay sabunot sa kanya...Wala na akong pakialam kung pagtulungan nila ako.

Gulat na gulat yung babae ng gumanti ako.Hindi nya ata akalain na hindi ako nagpapatalo at lumalaban ako lalo na pag ako ang tama.Palaban kaya toh...

Habang hawak ang aking kaliwang pisngi ay napapansin ko ang isang babae na may hawak na kutsilyo.Nakaramdam ako ng kaba kahit na sanay ako makipag away sa mga bruhang yun.

"Huyy! Subukan mo lang idampi ulit yang kamay mo sa kaibigan namin!" sabi nung babaeng may hawak na kutsilyo.

"At ano naman kung idampi ko?!" sarcastic kung sagot

"Matitikman mo to!"

Sasaksakin na sana ako nang biglang may humawak sa kamay nung babae.Si Zanyeee!!!...

"Subukan mo lang gawin yan! Ako ang makakalaban nyo"sabi ni Zanye habang nasa seryosong mukha

Nagulat yung babae at halos di maikilos ang kamay dahil ito'y pinipigilan ni Zayne.

Tinawag nya yung babae na sumampal sakin at nagwika "Casey, umalis na kayo at baka di ako makapagpigil at masaktan ko pa kayo!" sabay kuha sa kutsilyo nang isang babae at binitawan nya ito.

"Sa oras na malaman kung inulit nyo ito kay Lucy at ako mismo ang kakaladkad sa inyo paalis ng school na ito" galit na sabi ni Zayne

Tumakbo papalayo ang mga babae
"Hindi pa tayo tapos!" sabi ni Casey

Ngayon ko lang nakita na naging ganun si Zayne. Nabigla ako sa mga nangyayari pero mas lalo akong nabigla ng dahil sa kanya... Ewan ko lang pero parang ang kumportable ko sa kanya. Kahit minsan napakayabanngggg! Grrrr

Lumapit sya sakin,"OK ka lang ba!? Wala bang masakit sayo!?" pag aalalang tanong neto

Kung palagi kang ganyan sakin kakalimutan kong napakasungit mo.

"Ok lang ako"

"Sala-maat" nahihiya kong sabi habang nakayuko

Ewan ko pero feel ko ang awkward ng situation ko ngayon. Bakit yung tapang at halong takot kanina ay nawala ng bigla na lang syang dumating. Parang gusto ko na lang laging pumasok sa gulo para iligtas nya. Hayy nakuu Lucyy kung ano ano naiisip mo.

Hinawakan nya bigla ang aking kamay at hinatak ako papunta sa isang lugar kung saan hindi ko pa napupuntahan sa malaking school sa ito.

"Huy ano ba!? Anong ginagawa mo!?" sabi ko habang pilit na tinatanggal yung kamay nya

"Basta sumama ka sakin" ngiting sabi neto na para bang may balak

Naiinis na ako sa ginagawa nya. Parang kanina lang ang gaan ng loob ko pero ngayon naggigigil ako. Sarap sakalin grrrrrr! Ganto ba sya trumato ng babae HA!?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

First Kiss from Campus HeartthrobWhere stories live. Discover now