Lucy's POV
Andito kami ngayun sa room nagkwekwentuhan at nagbibiruan.Sobra ko talaga silang namiss sana ganito na lang lagi.
"Lucy anong ginawa mo nung bakasyon?" tanong ni Liezel
"Oo nga ano ba ginagawa mo? di ka na namin natatawagan o nachachat"sabat ni Kaye
"Ehh, wala naman akong ginawa noong bakasyon..Nasa bahay lang ako tumulong kay Lola at syempre alam nyo naman,ito naghanap na naman ng mapagkikitaan" sabi ko
"Ehh ikaw Kaye ano ginawa mo doon sa US?" tanong ko
"Nagbakasyon ako doon.Pumunta ako kung saan saan,masaya naman" sabi ni Kaye
"Pero mas masaya dito kase kasama ko kayo" dagdag pa ni Kaye sabay ngiti
"Yiieee namiss nya kami" sabi ni Liezel
"Syempre naman"tipid na sabi ni Kaye
Sabay niyakap namin nang mahigpit ang isa't isa at bumitaw na rin.
"Ehhh ikaw naman anong nangyari sayu?"tanong ko kay Liezel
"Nagbakasyon lang kami sa batangas" tipid na sabi ni Liezel
"Ehhh anong nangyari sa siko mo bakit may pasa?" tanong ko
"Natalisod kase ako" nahihiya nyang sabi sabay kamot ulo
"Lampa kase" asar ni Kaye.Tapos nagtawan kaming dalawa
"Sinong lampa!?"sigaw na sabi ni Liezel
" Ikaw"asar pa ni Kaye
Nagtawanan na lang kami dahil asar na asar si Liezel na parang umuusok ung ilong.Wahahahhaha!!!
Maya maya napuno ng katahimikan ang buong room nang may dumating at pumasok na mga lalaki.
"Ang popogi" bulong nung isa sa kasama nya
"Ang swerte naman natin"sagot pa ng isa habang nagbubulungan
Ang totoo pogi naman talaga sila.Kaso lang nainis ako nung makita ko yung lalaki kanina.Sya ba yun?Bakit yan andito?Wag mo sabihing?-
Umupo sila sa likod habang lahat kami ay tahimik lang..
Sa sobrang inis ko sa lalaking yun nilagay ko ung kaliwa kong paa kung saan dadaan ung mayabang na lalaking yun kaya paglakad nya bigla syang natalisod.At ang room na kanina ay sobrang tahimik ay napuno ng ingay at tawanan.
"Ano bang problema mo!?"sigaw nya sakin
" Wala naman,may mayabang lang naman na lalaki kanina na napakagentleman!"patataray ko
"Kung indi ka kase aanga anga at kung tumingin ka sa dinadaanan mo di sana hindi nangyari yun" inis nyang sabi sakin
Aba gag* toh ahh,di ko naman sinasadya yun ahh.Suntukin ko kaya tohh
Susuntukin ko na sana ung lalaki nang biglang
"Lucy pigilan mo sarili mo" bulong sakin ni Liezel
"Di mo ba kilala yan?"tanong sakin ni Kaye habang may mahinang boses
" Hinde sino ba yang mayabang na lalaking yan?Wala naman ako paki kung sino sya"inis kong sagot
"Ako lang naman si Zayne Jake "ZJ" Lim at ako lang naman ang nag-iisang anak ng may-ari ng school na toh"sabi nya
"Wala akong paki kung sino ka?at mas lalo akong walang paki kung ikaw ang ANAK NG MAY-ARI NG SCHOOL na to" diin kong sabi
"Ahhh so di ka natatakot kung anong mangyari sayo" sabi ni Zanye
"Wa-" biglang naputol ang sasabihin ko nang biglang dumating ang aming magiging teacher
"Ok class tama na yan magsiupo na kayo sa inyong mga upuan" sabi ni maam
"Hindi pa tayu tapos" sabi ni Zanye sabay kindat sakin at may ngiting nakakabaliw.
Baliw ba yun.Parang kanina lang ang sama ng tingin sakin tapos ngayun kikindatan ako.....Baliw talagah
Nagsiupo na ang lahat at nagsimula na ang klase.
"Uyyy Lucy ok ka lang" sabi ni Kaye
"Oo naman" ngiti kong sabi
"Bat parang ang lungkot mo parang kanina lang iritang irita ka ah?"tanong ni Kaye
"Wala may naisip lang...Haayssst" tipid kong sagot habang nakapangalumbaba
Hayyssssst
To be continued...
Sana nagustuhan nyo po
-Author's POV
YOU ARE READING
First Kiss from Campus Heartthrob
Genç KurguA story of a simple girl na may mataas na pangarap at may simpleng buhay...Pagkatapos ng Junior High,Hinde nya aasahan ang mga susunod na mangyayari.At dahil dito magbabago ang lahat..... "Arayyy" "Ano ba yan first day of school may aanga-anga na" "...