Lucy's POV
Pumasok kami ngayun ni Zayne sa room.Inaalalayan nya ko papunta saking upuan.Mabait naman pala toh si Zayne di lang halata.Pero pag umiral na naman ang kayabangan di mo na sya makikilala..
"Luccccyyyy" sabi ni Liezel
"Ano yunnnnnn?" dagdag pa ni Leizel
Nagulat ako sa sinabi nya parang may pinahihiwatig."Haaaa,anong sinasabi nyo dyan?"sabi ko habang namumula
"Kayo na?" tanong ni Kaye
Nagulat ako sa tanong ni Kaye na lalo kong ikinamula."H-hindi a-a-ahhh"utal kong sabi
"But why are you blushing?"asar na tanong ni Liezel
" Haaa-ha-, i-inde kay-ya"pautal utal kong sabi
Ito talagang mga kaibigan ko mapang-asar
"Hooyy wag nyo nga kulitin si Lucy"
Gulat ako nung may nagsalita sa likod...Si Zanye"Alam nyo naman na masakit ang paa nya di ba!" ngiti nyang sabi
Ang pogii nyaaa sh***t.Bakit ganun parang hindi sya yung unang Zanye na nabunggo ko..
"Ehh sorry na" sabi ni Kaye
"Ako na lang kulitin nyo!"singit ni Carl habang nakangiti
"Hooyyy wag ka nga makisabat dyan" sabi naman ni Blake
"Kapal kase ng mukha" mahinang sabi ni Jay
Narinig ni Carl yun at pati na rin kami.Lumingon si Carl kay Jay. "Sino makapal ang mukha?ha" tanong ni Carl kay Jay habang umuusok ang ilong na parang turo
"Ikaw" tipid na sabi ni Kent
Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Kent kaya lalong nag init ang ulo ni Carl kaya hinabol nya si Kent
"Wahahahahahah" -All
Bigla akong may naalala "Oo nga pala Kaye,wala kang sinasabi samin" singit ko kaya nagsitahimikan ang lahat
"Ano naman sasabihin ko"takang sagot ni Kaye
" Kanina yung tungkol sa inyo ni Blake"tumahimik ang lahat dahil sa sinabi ko
Nagulat ako tumawa lang ang loko at tumawa rin si Blake
"Ahhh yun ba may tinanong lang ako kay Kaye, ehh ayaw naman namin sumingit sa away nyo kaya yun lumayo muna kami" tawang sabi ni Blake
"Tinanong nya lang kase kung paano daw gawin yung sa Mathematics" dagdag ni Kaye
Oo guys matalino si Kaye pero mas matalino ako noohh nag aaral kaya ako mabuti.Sa totoo lang kaming tatlo nila Kaye ay mga honor student...SKL(share ko lang)
Dahil sa sinabi ni Kaye nahiya tuloy si Blake kaya yun namula.
Nagtawanan ang lahat dahil sa expression ng mukha ni Blake
"Namumula si Blake....Namumula si Blake" asar ni Carl na parang bata"Sinong namumula" sabi ni Blake habang asar na asar kay Carl kaya hinabol nya ito
Lalo pang lumakas ang ingay sa room...Maya maya tumigil ang lahat dahil sa pagpasok ng adviser namin
"Ok class,sitdown.....I have an announcement for tomorrow" sabi ni maam
"The school have visitors so that we will have a cleaning operation tomorrow" nagulat ang lahat dahil sa announcement ni maam,paano ba naman second day pa lang may visitors na ang school.
"You can bring t-shirt or anything to keep your school uniform clean"dagdag pa ni maam
Umalis na ang aming adviser kase dumating na rin ang aming susunod na subject teacher
YOU ARE READING
First Kiss from Campus Heartthrob
Ficção AdolescenteA story of a simple girl na may mataas na pangarap at may simpleng buhay...Pagkatapos ng Junior High,Hinde nya aasahan ang mga susunod na mangyayari.At dahil dito magbabago ang lahat..... "Arayyy" "Ano ba yan first day of school may aanga-anga na" "...