--7.) Inside the Clinic--

211 13 0
                                    

YUMI'S POV

Minulat ko ang mga mata ko at nandito ako sa school clinic ngayon

"Yumi? Okay ka na ba?"
Tanong ni MinJi.

"Gusto mo bang sabihin ko Kay Jimin ang nagyari saiyo" dagdag niya.

"Wag!" (ako)

Ayokong malaman ni Jimin ang nangyari saakin..

Bakit ba niya sasabihin Kay Jimin? Eh wala na kami diba?

"Okay. Gusto mo bang umuwi? Gusto mo ba ng pagkain? Sabihin mo lang."
(MinJi)

Base sa tono ni MinJi damang dama ko bilang kaibigan ang pagaalala niya.

"Ayos lang ako. Pahinge ng tubig"
(ako)

Binigyan naman agad ako ng tubig ni
MinJi..

Pagkatapos Kong inumin iyon agad akong tumayo at nagbabalak na akong umalis dito sa clinic dahil ayoko na dito.

Ngunit pinigilan ako ni MinJi

"Sandali lang, saan ka pupunta? Mabuti pang magpahinga ka muna."
(MinJi)

"Oo nga" tumingin ako sa likod at nakita ko si Jin, nandito pala siya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko Kay Jin

"Hindi mo ba alam na ako ang nagbuhat saiyo papunta dito, kaya imbis na itanong mo yan saakin mabuti pang magpasalamat ka nalang."

Anong sinabi niya? Wala akong naintindihan.

"Huh?" (Ako

"Wala sabi ko ang gwapo ko" (Jin)

Ang kapal ng mukha.

"Nagtanong ba ako?" (Ako)

"Hindi, Share ko lang" sagot niya.

"Okay." (Ako)

Nagkatinginan kami ng masama ni Jin

"Okay, Tama na!" (MinJi)

Pumasok ang nurse sa room kaya pinalabas niya muna sina MinJi at Jin.
Sure ako na I che-check niya kung okay lang ako.

SUNGYEON'S POV

Kasama ko ngayon si Hyara at kini-kwento niya saakin ang nangyari nung isang kagabi..

Tinulungan pala siya ni Yoongi?
Noon pa man alam ko nang may gusto si Yoongi Kay Hyara.

"Akyat na nga tayo sa classroon " Sabi ko Kay Hyara.

"Wait, di pa nga nauubos yung hot choco ko. Mainit pa kasi eh."

"Dalhin mo nalang yan sa taas." (Ako)

"Okay." (Hyara)

Malapit na kami sa room at habang naglalakad kami ni Hyara na banga niya si Jungkook.

HYARA'S POV

"Sorry" Sabi ko.

"May mata ka diba?"(Jungkook)

"Anong klasseng tanong yan? Hindi mo ba nakikita?" (Ako)

"Eh bat di mo ginagamit?"(Jungkook)

"Tama na nga yan." Inaawat na kami ni Sungyeon pero di ako magpapaawat kung si Jungkook ang kaharap ko.

"Hindi mo rin naman ginagamit yung mata mo ah, Dapat umiwas ka."
(ako)

Nasaharap kami ng pintuan at nagaaway kami ni Jungkook.

"Ikaw naman yung may ha-"
(Jungkook)

Hindi na natapos ni Jungkook ang sasabihin niya kasi...

"Hindi mo ba ako papadaanin?" tanong ni Eunbi.

Bwahahaha dapat lang yan saiyo, Harang Harang ka kasi sa daanan.

Pinadaan na ni Jungkook Si Eunbi kasi siya naman talagang yung nakaharang sa pinto.

"Tss..." (Ako)

Tinignan ko siya mula ulo hangang paa at inirapan pa, agad akong pumasok sa loob kasi baka ano lang magawa ni Jungkook saakin.

Time skip....

Uwian na at gising na rin si Yoongi.
Tulog na tulog kasi siya kanina.

Tumayo na siya at agad kinuha ang bag niya, lalabas na sana siya ng room but....

"Yoongi!" tinawag ko siya at agad siyang lumingon sa direksyon ko.

"Tungkol sa nakaraang gabi, Salamat nga pala ulit." sabi ko

Ngumiti siya saakin at agad siyang umalis.

Umalis na rin ako sa classroom kasi wala rin akong gagawin dito.

Habang naglalakad ako nakita ko si sung yeon

"Sung Yeon!" lumingon si sungyeon sa direksyon ko at agad namang Lumapit papunta saakin.

"Hindi ka pa pala nakauwi?"
Tanong niya

"Hindi pa, kain tayo sa Park. Libre ko." pagaaya ko.

Mahilig si Sung Yeon sa Street Foods at alam na Alam ko yun.

EUNBI'S POV

Kakarating ko lang sa bahay at nagtataka ako kasi may 2 sasakyan dito, anong meron?

Pagpasok ko sa loob ng bahay nakita ko agad sina lolo at Lola pati na rin ang mga katulong nila.

"Apo!" masayang bati ni Lola.

"Lola, Lolo. Mano po." Agad namang inabot ni Lola at lolo ang kanyang kamay para maka pag mano ako.

"Bakit di kayo nag sabi na Uuwi na pala kayo?" tanong ko

"Gusto kang sorpresahin ng lolo mo eh" Sabi ni Lola.

"San po kayo matutulog?" tanong ko.

"Uuwi kami mamaya sa dati naming bahay ng mama mo. Binisita ka lang namin dito" Sabi ni Lolo.

"Okay po, Akyat na po muna ako."
(Ako)

Tumango lang sina lolo at Lola at binalik na ang kanilang mga tingin kay mommy kasi nag uusap sila.

YUMI'S POV

Pauwi na ako ng bahay pero nakakaramdam pa rin ako ng pagkahilo.

Naglalakad lang ako kasi ayokong mag antay sa driver namin.

Maya maya may pumarang sasakyan sa tabi ko, binuksan niya ang bintana at nakita ko si Jin.

"Mabuti pang ihatid na kita." Sabi ni Jin

"Mabuti pang wag mo na akong pake alaman" Wika ko.

Nakakainis kasi eh, baka kung ano lang gagawin dito saakin.

Bumaba si Jin at pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Sakay na." (Jin)

"Ayoko nga" (Ako)

"Alam mo bang maraming gumagalang kidnapper's at magnanakaw dito?" (Jin)

"Sabi ko nga, ihahatid mo ako" (Ako)

Sumakay na ako sa sasakyan ni Jin kasi natatakot ako baka chop Chopin ako or baka mawala ang mga perang nasa bag ko. Or mas worst pa.

Aisshhh...ano ba tong iniisip ko? Stop na!

~~END OF CHAPTER~~

A/N: Sorry for a short update...he he he 😅

"A Love so Complicated"||BTS FF||CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon