Thank you po Kay sakuyachan dahil siya ang nag first vote. Salamat !!! I dedicated this to you !! ;*
Arigatou Gozaimasu!!
AKIRA P.O.V
Andito na ako kung saan kami dumadaan dati ni Sakura kapag tumatakas. Namiss ko tuloy siya. Humarap na ako sa isang puntod. Puntod ng aking ina. Magiging ok rin ang lahat.
"Magiging ok din ang lahat diba ?"tanong ko sa kanya ng malungkot ang mukha at tumingin sa kanya.
"oo naman !"masiglang sinabi niya at niyakap niya ako. napangiti nalang ako sa sinabi at ginawa niya.
"Simulan mo na at hahanapin pa natin sila sa mundo ng tao."sabi niya at kumalas sa pagkakayakap sa akin.
Naghanda na ako at binigkas ang spell.
"Goddess of Light,Fire,Earth,Water, and Air please lead us to mortal world.
Elenie Guardlin Sakurako"
Nagpakita na ang portal. Tumingin ako kay Yukito nakangiti siya . Kaya napangiti na din ako.
Ano na kayang meron sa Mortal World ? namiss ko rin yun ah. Si Shaoran ? Buhay pa kaya siya ?
ELENIE P.O.V
Naglalakad kami dito sa labas kasi umalis si Ayumi at Shine kaya lumabas na lang kami.
"Kailangan natin malaman kung paano magsalita,kumilos ang mga tao. Hindi rin natin puwedeng ipakita ang kaya nating gawin na hindi nila kaya. dapat matuto rin tayo ng mga alam nila."Sabi niya na diretso parin ang tingin habang naglalakad.
*flash* *flash*
Si Tomoyo Baby naman kuha ng kuha ng litrato.
Iiiiihhhh.... Ang seryoso naman nila.
*boooogggsssshhhh*
"aahhhh"napatingin ako sa paligid at hinanap kung saan yun pero wala naman akong nakitang gulo. kasi maririnig mo sa sigaw na yun yung sakit na nadarama mo.
"Narinig niyo yun ?"Tanong ni Tomoyo Baby na mukhang nag-aalala.
"oo, pero hindi ko makita kung saan nagmumula yung ingay eh!"Nagulat na lang kami ng biglang tumakbo si Eunice. kaya hinabol namin siya ni Tomoyo. Ng huminto na si Eunice ay huminto na rin kami. Napansin kong ang sama ng tingin niya sa loob ng malaking eskinita kaya timingin ako kung saan yung tinitingnan niya.
"oh...my... gosh!"mahina pero halatang gulat na bigkas ni Tomoyo.
Maskin ako nagulat. kasi.. kasi.... kasi may isang lalaking binububog. huhuhuhu. kawawa naman siya . huhuhu.
Hindi parin sila tumitigil sa pagsuntok at pagsipa sa lalaking nakahandusay na sa sahig at duguan. At hindi parin namin maalis ang tingin namin. Ano bang gagawin ko ? hindi ko puwede gamitin powers ko !.
AYUMI P.O.V
Naglalakad kami ni Shine papuntang eskuwelahan dahil mag-eenroll kami. Meron na kaming mga papeles na gagamitin namin.
Ng makita ko na ang isang malaking gate nagtanong kami kung eto yung Sakurako Academy.Nalaman ko yun kasi nagtanong-tanong kami lamina kung saan may malapit na eskuwelahan.
"ahm.. kuya ito po ba ang Sakurako Academy ?"Tanong ko sa isang guwardiya habang si Shine nililibot ang paningin.
"Oo iha ! Bakit anong kailangan mo ?"tanong niya sa akin.
"Mag-eenroll lang po sana."sagot ko sa kanya.
"Ganun ba. Bihira lang ang may mag-enroll dito."sagot niya at pinasunod niya kami sakanya. Ng makatapat na kami sa isang pintuan na may nakasulat na Mrs. McIntire.
"Dito na lang ako mga iha. Pasok na lang kayo diyan at mag-enroll."pagkasabi niya ay umalis na siya.
"Ahm. Ayumi. Sigurado ka ba sa gagawin natin ?"tanong niya sa akin.
"Oo. basta gawin mo na lang ang sinabi ko."pagkasabi ko noon ay kumatok na ako sa pintuan.
"Pasok!"sigaw nung nasa loob. kaya binuksan namin ang pintuan at pumasok.
Pagkapasok namin isang hindi katandaang babae ang bumungad samin at maganda siya ! inpernes !.
"Anong kailangan niyo ?"tanong niya sa amin ng nakangiti.
"Mag-eenroll po kami."magalang kong sagot.
"Ganun ba ?! sige puwede na kayong pumasok sa pasukan at ito oh uniform niyo!"at may inabot siya sa amin na plastic. at nakangiti. halatang tuwang-tuwa siya .
"G-g-ganoon na lang po yun !"gulat na tanong ni Shine sa babae. Kahit ako nagulat. ganun lang niya kami kadali tanggapin ?!
"Pero ma'am meron pa po kaming tatlong kasama. Puwede po ba namin sila ienroll kahit wala sila dito ?" tanong ko. Sa tanong kong yun ay mas lalo pa siyang ngumiti. baliw ata toh.
"Oo naman! sige babae ba yung tatlo niyo pang kasama ?"tanong niya at tumango kami ni Shine bilang sagot.
"Kyyyyaaaahhhhh!sige ito yung uniform niyong lima,schedule, at akin na yung mga papeles niyo. at oo nga pala ito rin yung mga kailangan niyo at wala na kayong kailangan pang bayaran sa school na toh ! hihihihihi!"tuwang-tuwa niyang sabi at mukhang excited. bakit kaya ?
"ah-sige po, maraming salamat po ah ! aalis na po kami !" at kinuha na ni Shine yung gamit na binigay sa amin.
"sige ! mag-iingat kayo hah !"masigla niyang sigaw sa amin. tsk. may sira yun.
Ng makalabas na kami sa school na yun ay biglang nagsalita si Shine.
"My Gosh ! Akala mo kailangan pa natin power ko ?! Hindi naman pala ! Buti na lang ! hihihi"Tuwang-tuwa niyang sabi.
"Mas Mabuti na yun kaysa sa mahirapan pa Kira"Sabi ko.
"Kung sabagay. Ay.. tara na uwi na tayo baka hinihintay na tayo nila Elenie !"sabi niya.
"okay"sagot ko at patuloy na naglakad. tsk. akala ko mahihirapan pa kami doon. Buti na lang.

BINABASA MO ANG
Charmers vs Gangster
FantasiHe is a Gangster... He Love to Fight... He is a Heartless man... And he is so weak about love... He's name is Raven Lee... She is powerful.. Not ordinary power... She hate to Fight... She loves Everyone... But don't mess up with her!! Her name is E...