Chapter 11

66 1 0
                                    

ELENIE P.O.V

Oh....my.....Goddess !!!!

"Hahahahaha!"

"Pangit !"

"Freaknerd !"

"Hahahahahaha!"

"Huh ! Elenie,Ayumi,Tomoyo, Shine... Pigilan niyo ko."mahina ngunit may inis na bangit ni Eunice.

Kaming lima ay.. Grrr. Basang basa na naman sa isang mabahong tubig at nakakadiri ! Habang kinukulit ko kasi si Ayumi tinawag ako ni Raven at sakto naman na nagkasalubungan kaming lima kaya ngayon... Basang-basa kaming lima !

"Relax Tomoyo... Relax." Inirerelax naman ni Tomoyo ang sarili niya.

"Tiisin niyo na lang." Sabi naman ni Ayumi na parang wala lang sa kanya.

"Tiisin ? Tiisin ? Ano kami sira ? Ayumi hindi kita dapat ginaganito e ?" Naiinis narin si Shine.

Hindi ko to kaya. Alam kong sino may gawa nito. Alam ko.

*hingang malalim*

"RAVEN !!"isinigaw ko ang pangalan niya ng buong lakas ng boses ko. Nakakinis siya ! Kanina ang bait. Ngayon ? Siya ang dahilan kaya basang-basa kami. At siya at ang barkada niya ang nagbuhos ng napakabahong tubig na toh !!!

"Bakit ? Nagustuhan niyo ba ang welcome party namin ? Hahaha"

Grrrrr ! Kainis !

"Hmp!" At hinila ko na si Tomoyo at Shine paalis. Sumunod naman si Eunice at Ayumi.

"May plano ako." Napatingin ako kay Eunice na nakangiti. Mukhang may masama tong balak.

"At ano naman ?" Tanong ni Ayumi.

"Basta. Sasamahan niyo ba ako ?"at dahil sa naiinis kami dun sa lima. Tumango kami. Si Ayumi alam kong naiinis na rin toh. Pero pinipigilan niya magaling siya sa bagay na pagpipigil.

*soccer field

Naglalaro ng soccer ang limang lalaking pangit kasama ang iba pang kaibigan nila. Bakit alam kong soccer ang nilalaro nila ? Dahil narealize ko na parehas lang ang enchanted at mortal. Ang pagkakaiba lang ay ang powers. At iba pang kaunting bagay.

"Namiss ko rin gamitin toh." Napatingin ako kay Tomoyo.

Andito kasi kami ngayon sa itaas ng puno tumambay. Breaktime namin ngayong hapon. At nakapagplano na din kami para sa revenge namin. Buwahahahaha ! Yung puno ay nasa tabi ng bleachers.

"Okay. Alam niyo na ang gagawin natin diba ?" Tanong ni Eunice. Tumango naman kami bilang sagot.

Ang plano ay pahiyain sila tulad ng ginawa nila sa amin.

"Kyaaaahhh! Go Raven !"

"We love you Night !"

"Kyyyaaahhh !"

"I love you Toya !"

Hindi naman halatang sila ang sikat dito diba ?

At syempre hindi din papalagpasin ni Eunice ang unang nagpahiya sa amin. Andoon siya sa mga upuan at nagchecheer din sa limang asungot.

Ginawa na ni Tomoyo ang gagawin niya. Pinagalaw niya ang lupa na kinakatayuan ng lima na naging resulta ng pagkakagulat nila. At ! Buwahahahaha ! Nakakatawa ang mukha nila. Parang hindi maipinta kasi naman gumagalaw yung kinakatayuan nila syempre magtataka sila kung bakit yung iba hindi man lang nagpapanic akala kasi lumilindol. Kaya ni Tomoyo kontrolin ang powers niya. Ang hindi niya kaya ang kontrolin ang emotion niya.

Pagkatapos inihinto na ni Tomoyo yung lindol na ginawa niya.

Ang ginawa naman ni Shine ay gunawa siya ng ilaw sa langit na napakainit at itinutok sa lima. Kaya naman pasong-paso sila. Tss. Bakit naaawa na ako sa kanila ?

"Itigil mo na yan Shine. Baba na tayo."

Pagkasabi ko nun tumalon na ako pababa ng puno. Hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin nila. Basta napatawad ko na sila, yung limang lalaki. Haaayyy.

Naglalakad ako at hindi ko alam kung nasaan na ba ako napadpad. May nakita along may kataasang pader at tinalon iyon. At dahil power ko ay air nagawa kong talunin ang may kataasang pander ng walang kahirap-hirap. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang lumang bahay. Duon nga muna ako tatambay.

Pagpasok ko "wow" ang ganda ng loob. Mukha siyang pangit sa labas pero sa loob ang ganda. Naglakad-lakad ako at may nakita akong mahiwaga... Kyaaaahhhh ! Strawberry ! Pagkakita ko sa strawberry tumakbo ako sa kanya at tiningnan ng maigi.

"Strawberry.. Ikaw ba talaga yan ? Puwede ba kita makain ? May nagmamay-ari ba sayo ?" Dirediretso kong tanong. Mukha naman wala e. Konti lang talaga ang kakainin ko marami naman e. Kasi dalawang malaking bowl na may strawberry ang andito sa lamesa. *lunok* lima lang kakainin ko.

1
2
3
4
5

*burf* "sarap !" Gusto ko pa ! Waaahhh! Lima na lang ulit hindi naman mahahalata ng may-ari e.

1
2
3
4

Isusubo ko na sana ang panglima ng may narinig akong bumukas na pinto at...

"Ano kayang nangyari ? Feeling ko lumindol kanina e. Kayo tol ? Naramdaman niyo ?"

"Oo.. Pero bakit parang walang nagreact ? Parang tayong lima lang nakaramdam e ?

"Tol ! Tignan niyo yung picture nung mga freaknerd o !"

Bigla akong nagtago sa ilalim ng lamesa. Alam ko kung sino yung pumasok ! Nalaman ko nung nagsalita si...si ... Raven !Yari ako kung mahuli ako. Sa kanila pala to. Huhuhuhu yari ako nito.

Lalo kong isiniksik yung sarili ko ng maramdaman kong may lumalapit papunta sa lamesa na tinataguan ko. My goddess ! Tulungan niyo po ako !

"Teka ?"

Waaaahhh ! Baka napansin na niya na andito ako!

"Oo nga pala tol ! May susugod sa atin !"

"Sino naman ?"rinig kong sigaw ni Raven.

"Ang Black evil !"

"Hahahaha ! Sila na naman ? Wala na bang iba ?"

Umalis na yung lalaki dito sa kusina. Pero rinig ko parin yung kuwentuhan nila.

Kailangan ko ng makaalis dito ! Paan-. Naputol ang sasabihin ng isip ko ng makita ko ang bintana na nakabukas. Yes ! Makakaalis na ako dito ! Dahan dahan akong lumabas sa ilalim ng lamesa para hindi makagawa ng ingay. Ng makalabas na ako lumapit agad ako sa bintana at tumalon mula sa bintana upang makalabas ako.

"Iba na pala ang taste ng T5C ngayon ?"

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng lalaking ito.

"Ikaw ba ang gf sa isa sa T5C ?" Huh ! Gf ? T5C ?

"Ahm. Pasensiya na po hindi ko po alam ang pinagsasabi niyo." Aalis na sana ako kaso pinigilan niya ako.

"Teka lang.. May kailangan ako sa iyo."

Bigla niyang tinakpan yung bibig ko ng panyo. H-hindi na ako makahinga hanggat nakatulog na ako.

**********

Sorry po sa mali-mali. He he he V^_^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Charmers vs GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon