Chapter 10

40 2 1
                                    

ELENIE P.O.V

*bell ring*

Haayy.. Sawakas ! Tapos na ang klase namin kay Ma'am Akira ! Aish..

"Ayumi ! Tara na !"sigaw ko kay Ayumi. Andun pa kasi sa loob kinakausap si Ma'am hindi naman siya pinapansin.

"Ma'am ! Ano nga kasing nangyari ? Bakit ikaw mismo ang nagpunta dito ? Kayo ni Master Yukito ? Bakit hindi na lang tayo bumalik agad sa Enchanted ?"

Haaayyy.. Ayumi.

"Ayumi.. Tara na... Hindi ka naman pinapansin ni Ma'am eh."pero ako naman ang hindi pinansin. Grabe huh ? Dahil parang walang balak si Ayumi pumasok sa next subject namin... Iiwan ko na lang siya. Heheheheh.

Aa ! Teka ? Ano bang schedule namin ngayon ? Tingnan ko nga. Binuksan ko yung bag ko at kinuha yung notebook nakasulat kasi dun yung schedule namin.

Ee ?!!?!?? Break time pla namin ? Kaya pala hindi nag-aalala si Ayumi malate ! Daya ! Hindi man lang pinaalala sa akin. Hmp.

Hintayin ko na nga lang si Ayumi dito.

Sumandal ako sa ding-ding at niyakap yung notebook ko. Tss. Kailan kaya kami babalik ? Tama nga si Ayumi kung andito na sila ma'am ibig sabihin makakabalik na kami dahil siguro alam nila itong mundo na to. At tsaka bakit ba kailangan pa namin mag stay dito ? Aishh..

"Huy ! Freaknerd !"

Sana makabalik na kami sa Enchanted.

"Hoi ! Tumingin ka dito !"

Sana makita ko na ulit si kero.

"Isa !"

At sana ARAy !

"Huh !"Tumingin ako sa pangahas na bumatok sa akin.

"Kanina pa kita tinatawag freaknerd ! Bakit hindi ka tumitingin !?" Tss. Si Ramen lang pala.

Hindi kami pinapakausap ni ma'am sa iba kaya hindi ko siya pinansin.

"Aba !"

Tss. Ayoko ng away.. Kailangan ko ng umalis dito !

Maglalakad na sana ako ng hinawakan ako ni Ramen sa balikat. *lunok* puwede ko naman siya kausapin diba ? Kahit saglit lang. Ok 10 words lang.

Hinarap ko si Ramen.

"Oh ! Hi ! Ikaw si Ramen diba ? Sino naman sila ? Barkada mo ? Ah ! Sige papasok muna ako sa loob. Bye !" Aalis na sana ako kaso hinawakan na naman niya ako sa balikat. Ano ba kailangan mo ? Lagpas na 10 words yung sinabi ko !

"Sinong Ramen ?"tiningnan ko si Ramen at *lunok* katakot..

"Ah.. Ikaw ? Pangalan mo diba Ramen ?" *lunok* mukha atang hindi.. Hehehe. Tingnan ko yung barkada ni Ramen ano ba ! Hindi nga siya si Ramen. OK ! Napansin kong nagpipigil ng tawa yung barkada niya. Bakit kaya ?

"Hindi Ramen ang pangalan ko !" Aiks ! Galit siya.

"Heheh. Ano ba ?" Tanong ko.

"Raven !" Aiks ! Galit talaga siya !

"*lunok* hi... Raven." Hehehehe. Huminga siya ng malalim at mukhang pinapakalma ang sarili. Good for me.

"Ok. Gusto ka sana namin ikaw imbitahan mamaya sa bahay ng kaibigan ko para sa welcome party para sayo at sa kaibigan mo. Puwede ba ?"nakangiti niyang sabi.

Ahm. Puwede naman siguro.

"Itatanong ko sa kaibigan ko."

Pagkasabi ko nun umalis na siya kasama ang barkada niya na may ngiti.

He he he ... Problema nun ?

"Elenie, tara na."nagulat ako sa pagbiglang sulpot ni Ayumi.

Naglalakad kami ng tahimik iniisip ko kung papaano makapapaalam kay Ayumi... Lalo na isa siyang dakilang tagasunod ni ma'am .

"Ahm... Ayumi... Kasi... Ano... Paano ko ba toh sasabihin."nakatingin lang ng maigi si Ayumi sa akin.

"Ayusin mo nga."opo aayusin ko na.

"Kasi si... Sino ba yun ? Ramen ? Hindi siya si Ramen. Si Mamen ?--- Baka Raven" pagputol sa akin ni Ayumi.

"Raven ba ?"tumangi na lang si Ayumi bilang sagot.

"Kasi si Raven nagyaya na pumunta daw sa bahay ng kaibigan niya. Kung puwede." Nakakatakot na tingin ang ibinato sa akin ni Ayumi.

"Bahala ka. Pero dapat kasama ako para mabantayan kita." Pagkasabi ni Ayumi na-shock ako. Aba ! Himala !

"Yes !" At dumiretso siya ng lakad. Siyempre hinabol ko siya.

Bakit kaya hindi siya umayaw ? Ano kayang meron ?

"Ayumi.. Bakit hindi ka umayaw ?"at hindi niya ako pinansin.

"Ayumi.."hindi parin niya ako pinansin.

"Ayumi !"

"Freaknerd !

"Elenie !"

"Shine !"

"Tomoyo !"

"Aaahhhhh !!!!"

Charmers vs GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon