Chapter 5

541 22 2
                                    

Juan Karlos *-*

Nakikita ko nang pumunta si Diyo- este Ms. Sungit pala! Sa kusina.

Naghihiwa na siya ng carrots at cabbage habang naka-salang yung giniling na baboy.

Napansin niya ako at agad namang nagtanong...

"Ano nanaman ang gusto mo??" tanong niya na naka-taas ang kilay.

"Since anong age ka natuto mag-luto?" tanong ko na parang magche-chage topic pa. Baka ano pa ang mangyari kapag pinilosopo ko ulit siya eh.. -_-

"6 years old ako nung natuto ako magluto" sabi niya habang hinugulog ang hipon sa kawali "Dahil sa kahirapan ng buhay, kailangan magsakripisiyo.."

"Pwede na bang ilagay ang mga gamit ko sa kwarto na pagtutulugan natin mamaya?" tanong ko. At um-oo lang siya.

"Unang kwartong makikita mo pag akyat mo"

Umakyat ako at kinuha ang gamit ko. Di ko na inistorbo si Rose kasi busy siya makipag-kwentuhan kay Carmen.

Binuksan ko na ang pintuan sa kwarto at nalula ako sa nakita ko!

Ang raming nagki-kislapang medal at naglalakihang trophy!

Nilapitan ko ang isang trophy:

'Taguig City Highschool Math Witch Grand Champion

Jenna Mae Hernandez'

at ang isa pang trophy:

'Taguig City Highschool Intramurals

Women's Doubles in Badminton Winner:

Jenna Mae Hernandez

At isa pa!

'Regional Spelling Bee Competition 2013 Grand Champion

Jenna Mae Hernandez'

Nilapitan ko ang isang korona na may wand at trophy:

Beauty contest ata to!

'Grade School Department

Miss Intrams 2012

Jenna Mae Hernandez'

May picture pang nakalagay sa gilid nito.

Ang ganda niya! Deserve niya nga maging beauty queen! ^-^

Tinitingnan ko pa ang mga ibang awards ni Ms. Sungit hanggang

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Natulala ka ata sa mga awards ko?"

Jenna ^-^

Nagpaalam sa kin si Mr. Yabang na ayusin ang gamit niya sa taas sa kwarto na tutulugan namin mamaya.

12 & 13 Rules Philippines!! (Juan Karlos Labajo Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon