It's true that we don't know what we've got until we lose it. But it's also true that we don't know what we've been missing until it arrives...
Three years had passed since the day that he left. At simula nang umalis siya, ang dami ko ring na-realized, pinagsisihan at iniyakan.
***FLASHBACK***
*poke*
*poke*
"Lynne, uy!", tsk. Kainis! Ang kulit naman nito. Kalabit ng kalabit.
"Oh? Ano ba yon?"
"Ano kasi eh ..."
"Ano?", pabitin pa eh.
"Kasi ano..."
"Pwede ba? Kung wala kang sasabihin, tantanan mo na ko?! Naiirita na ko sa presensya mo!",, ayan! Hindi ko na napigilan!
"Sorry. Sige aalis na ako. Sorry sa istorbo. Goodbye!"
Uh-oh! Umalis na siya. Bye? Para namang mamamaalam na yun. Hays. Bigla tuloy akong nakonsensya. Tsk! Kainis. Lalo niya kasi akong pinapahirapan eh.
"UGHH!", sabay bato ng libro ko. Maya-maya ay may nag-bukas ng pinto.
"Uy best! Highblood ka? Nasa library ka kaya. Tsk. Buti na lang walang librarian at tayo lang nandito. Ano ba nangyari? Nakasalubong ko si Ivan ah? Inaway mo no?"
"Nasigawan ko eh", naka-yuko kong sabi.
"Ano ka ba naman bes! Best friend mo pa naman yun tapos sinigawan mo? Nasaan na si Ms. Patience?"
"Oo kasalanan ko. Hindi ko naman ginusto yun eh. Hindi ko sinasadya, okay?", maluha-luha kong sabi.
Tama kayo ng basa. Best friend ko nga si Ivan. Simula nang mag-transfer ako dito sa school ko ngayon, siya na yung naka-close ko. Magkaklase kasi kami. We're both freshmen.
"Bakit kasi hindi mo pa sabihin sa kanya yung totoo?", tanong ni Rizza, isa ko pang best friend.
"Natatakot ako bes. Baka masira yung friendship namin. Baka layuan niya ko. Ayoko. A-ayoko", ayan! Naiyak na ko. Matagal na kasi akong may gusto sa kanya. Stupid ba? Dahil sa dinami-dami ng pwede kong mahalin, best friend ko pa? Wala eh. Siya gusto ng puso ko.
"Bahala ka bes. Sana hindi mo pagsisihan yang desisyon mo. Sige bes una na ko sa room ah? Sunod ka na lang", umalis na siya. Ako naman, naiwan lang dito sa library. Tama nga kaya na hindi ko aminin sa kanya?
------------
KINABUKASAN
1 message received
From : Ivan♥
Lynne ingat ka lagi ah :) Sorry pala kahapon kung nakulitan ka sa akin. Don't worry never na kitang kukulitin :) Love you bestfriend *kiss sa forehead* Goodbye!
Biglang pumatak yung luha ko. May nase-sense talaga kasi ako eh. Kahapon pa siya bye nang bye! Iba rin kinikilos niya this past few days. Kaya naman binilisan ko na kumain at pumasok na. Pagdating ko sa school, sakto lang kasi biglang dumating yung teacher namin. Nilibot ko yung paningin ko. Hinanap ko si Ivan. Ayun! Si Rizza present pero si Ivan.... WALA!
Sobrang nalungkot ako kasi inaway ko pa siya kahapon. Hindi man lang ako nakapag-sorry sa kanya. Nasaan na kaya siya? Tumayo yung teacher namin at nagsalita.
BINABASA MO ANG
Foundation Day (collection of short stories)
Teen FictionSa University of Oxford, ipinagdiriwang ang foundation day, the day before the school year ends.. Posible kayang mabunyag ang mga secret feelings ng ating mga Oxfordians students at may mabuong love story through different booths? Or forever na kaya...