Cinema Booth

647 18 16
                                    

Have you ever noticed... that the worst way to miss someone is when they are right beside you and yet you can never have them...

Sabi nila, manhid daw ako. Ewan ko ba! Kung manhid ako, di ako magkakagusto sa kanya! Gulo rin ng utak ng classmates and schoolmates ko, e. Ayaw ko na sana silang pansinin pero they keep on telling me that love is blind, oh let me rephrase that, my heart is blind because until now, 'di ko pa rin daw makita 'yung tunay na nagmamahal sa akin. Like hello? Mga magulang ko at sila kaya! Pero nagtatalo pa rin isipan ko.

Maling konsensya: 'Di ka manhid!

Tamang konsensya: Manhid ka kaya! Slow pa!

Hala? Loko 'tong isip ko ah! Muk-

"Kuleeeeet!!!"

"Ouch! Mashakeeet, Kuya Kent!" Napatigil ang isip ko sa pagtatalo nang biglang dumating si Kuya Kent at pinisil ang pisngi ko.

"Oh, eto na chocolates mo," sabay abot ng isang bar ng chocolate.

"Wow! Thanks, Kuya Kent," nagningning naman 'yung mga mata ko. Swerte ko kay Kuya Kent 'no?

Well, hindi ko talaga siya kuya. I used to call him "kuya" because he said that I'm his "Lil' sis" since he's a senior and I'm a junior. Kaya pumayag na rin ako! Ang saya palang magka-kuya. Only child kasi ako, e. At simula no'ng pasukan, may everyday supply ako ng chocolates! Syempre galing kay Kuya Kent! Oha? Swerte 'no? Buti nga hindi ako nabubungi, e. March na kaya! Just imagine na everyday kang kumakain ng chocolates since June and as far as I can remember, I have ten teddy bears at lahat galing sa kanya. He never fails to give me a teddy bear every month. Nagtataka kayo 'no? Sus! Kailangan pa bang i-memorize 'yan? Syempre hindi na! Kasi... Lil' sis niya raw ako! 

Kinikilig kaya ako hindi ko lang pinapahalata sa kanya kasi I know he only loves me as a sister. Pero ako? Ghad! In love ako dyan. Pero alam ko wala na akong pag-asa, kalat na sa campus na may nililigawan daw siya, e. Take note! SIMULA PA NOONG PASUKAN...

"Kuya Kent hindi mo pa rin ba sasabihin sa akin kung sinong nililigawan mo? Daya naman!" Nag-pout ako kasi naman ang tagal ko na kaya siyang pinipilit. Kuya ko pa naman siya tapos naglilihim siya sa akin.

"Kuleeet 'di ba sabi ko sayo mamaya malalaman mo rin? Basta nood ka sa cinema booth. Ba-bye kuleeet," he kissed my forehead then ginulo niya 'yung buhok ko at umalis na.

Pigil na pigil ako pero kinikilig na ako! Nahampas ko tuloy 'yung katabi ko.

"Ouch naman Angel!" Reklamo ni Janella.

Uh-oh! And speaking of Janella, kanina ko pa pala ito kasama. Naaliw kasi ako kay Kuya Kent. Nakalimutan ko tuloy siya.

"Ikaw talaga! Kinalimutan mo na nga ako kaka-pantasya kay Kent tapos hahampasin mo pa ako," she pouted and saw how cute she is just like me!

"Bessy sorry na. Hayaan mo na ako. Minsan na nga lang kiligin, e. 'Tsaka kapag sinagot na iyan ng nililigawan niya, for sure wala na akong supply ng chocolates and teddy bears."

"Baka madagdagan pa kamo," bulong niya.

"Huh? Anong sabi mo bessy?" Bingi na kung bingi pero 'di ko talaga narinig.

"Wala! Sabi ko, manhid mo bessy," here we go again! Ayan na naman iyang manhid thingy na 'yan.

"Tse. Kainis ka bessy! Tara na nga, bili na tayo ng food."

"Pahawak muna nitong ID ko bessy, isi-sintas ko lang sapatos ko," sabi niya.

"Okay, bessy! Ikaw pa," biglang nagsalita ang announcer sa stage.

Foundation Day (collection of short stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon