"It's better to accept the fact that you are not appreciated than to insist yourself to someone who will never really see your worth"
Dapat pala nung umpisa pa lang tinigil ko na. Masyado kasi akong nabulag nang dahil sa pagmamahal ko sa kanya.
Kung nakinig kaya ako kay Kevin, mararanasan ko 'to? Ang kulit ko naman kasi eh..
"JUST FOR FUN"
"JUST FOR FUN"
"JUST FOR FUN"
Naiiyak na naman ako. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko yung nangyari dati. Sh*t! Mga traydor na luha.
Naaalala ko na naman siya! Lahat ng dinulot niyang sakit, nanariwa na naman. Hanggang kailan niya ba ako pahihirapan? Hindi pa ba sapat na naging miserable yung buhay ko? Hindi naman ako ganito dati eh. Pati sarili ko, di ko na makilala.
I hate cigarettes! I hate those people who drinks alcohol. But now, wala na akong pinagkaiba sa kanila. I smoke, I drink different kinds of alcohol and I even go on club every weekends. I'm wasted! The best way to describe me? PATHETIC! Ayan na ko ngayon, pero noon....
---FLASHBACK---
Half day lang kami ngayon dahil Grand Linis Day. Eto yung araw na lahat ng student sa school nyo, magkakaroon ng general cleaning. Kaya naman hindi na ko nag-uniform. Allow naman sa school na mag-civilian kapag may school activities.
Kaya ang look ko today? Mini skirt + Pink sleeveless + Doll shoes + White shoulder bag = FABULOUS!
Naglalakad na ako ngayon sa hallway nang biglang mauntog ako sa isang matigas na pader, este tao.
"OUUCCCCHHHH!"
"Sorry. I'm sorry talaga! Di ko po sinasadya! ", sabi ko dun sa lalaki na nabunggo ko habang naka-bow ako.
"Ayos lang yu-- teka-- Shane??", pagharap ko dun sa lalaki,
"KEVIN!! Ikaw lang pala. Langya! Nag-sorry pa ko!"
"Loko ka talagang panget ka! Porket ako yung nakabangga mo hindi ka na magso-sorry?!"
"Oo! Pangit ka eh!", sabay kaming natawa.
Ayan si Kevin, ang aking matalik na kaibigan. Aba! Kami na ata ang may pinaka-astig na tawagan, PANGET, oha?! Hahaha. Pero syempre opposite yun ng real face namin no. Gwapo kaya siya! Matangkad, chinito eyes and take note: brown chinito eyes, kissable lips, matalino, mabait and gentleman.
"Di kita nakilala sa suot mo ah! Oh pano? Tara na! Maglilinis ka lang ng kubeta naka porma ka pa!"
Loko 'to ah! Basagin daw ba trip ko? At ayun ang loko, tawa nang tawa.
Wala naman kaming ibang ginawa kung hindi ang mag-linis. Mga 3pm natapos na kami.
"Sha balita ko may new transferee raw ah?", walang lakas na sabi ni Kev sa akin habang naglalakad kami sa hallway.
"Huh? Hindi ko pa naririnig yun ah. Kanino mo ba nalaman? Bakit parang ang bilis naman yata ng news, eh sa Friday Foundation Day na. Diba dapat sa pasukan pa malalaman?"
"Aba malay ko! Sabi lang sa akin ni Ma'am Eda yun eh. Saka balita ko rin invited na agad siya sa Friday eh. Hindi kay---", naputol yung sasabihin niya nang biglang dumating si Lex, close friend namin.
BINABASA MO ANG
Foundation Day (collection of short stories)
Teen FictionSa University of Oxford, ipinagdiriwang ang foundation day, the day before the school year ends.. Posible kayang mabunyag ang mga secret feelings ng ating mga Oxfordians students at may mabuong love story through different booths? Or forever na kaya...