Prologue
Sabi nila, kapag biniyayaan ka raw ng maraming talento; ng kagandahan ng hitsura; ng maraming kaibigan na pahahalagahan ka at bibigyan ka ng pansin, 'yun na ang ikasasaya ng buhay mo.
Buong buhay ko, 'yan ang paniniwala ko. Sinikap kong makuha ang tatlong minimithi ko sa buhay. Napabayaan ko na ang mga totoong nagmamahal sa akin dahil sa pangarap ko na 'yan.
Ngayon, nakuha ko na ang tatlong pinapangarap ko. Pero, parang may kulang pa rin. May kulang na hindi ko malaman kung ano.
Siguro, ang paghahanap ko sa sarili ko. Ang kapasidad ko, ang katauhan ko, ang katangian ko at ang limitasyon ko. Di ko lubos maisip, saan ako dinala ng mga pangarap kong ito. Dinala kaya ako sa ikabubuti ko o dadalhin nga ba ako sa puntong pagsisisihan ko habang buhay.
Lumaki ako sa pamilyang may takot sa Diyos at alam kung ano ang tama at mali. Lumaki akong nasa panig ng kabutihan ngunit sa kinalaunan, nahahambing ko ang mga makamundo at maka-Diyos na bagay na sadyang nagbibigay pag-iintindi sa akin at nagmumulat ng totoong katotohanan.
Lumaki ako sa buhay na maraming ekspektasyon. Sa buhay na maraming kailangang patunayan. Sa buhay na ang tanging nakikita ko lang ay ang dapat kong makita.
Ngunit napagtanto ko na malaki pala ang mundo. Nalalaman ko na ang hindi ko dapat malaman. Naiimpluwensiya sa mga bagay na walang kabuluhan. Pero, lahat ng iyon ay hinding-hindi ko pagsisisihan. Dahil iyon ang naghubog sa akin kung sino at ano man ako ngayon.
Ito ang buhay na pinili ko. Ang buhay na punong-puno ng drama. Ang dramang punong-puno ng eksenang ako mismo ang gumagawa. Mga eksenang hindi lang nangyayari sa pelikula ngunit sa totoong buhay. Mga pangyayaring kinapulutan ko ng pagkamulat at aral. Ang kinapulutang aral na hindi ko kailanman makakalimutan.
Kaya sabi nila. Sabi niya. Sabi ko.
Kuya, move on na.
BINABASA MO ANG
Kuya, Move On Na
Novela JuvenilPaano nga ba maging masaya? Ang makamit ang mga pangarap o ang may masaganang kinabukasan? Ako si Joaquin Laurell. Samahan ninyo ako sa aking paglalakbay sa paghahanap ng totoong kaligayahan. Ating kilalanin ang buhay sa likod ni "kuyamoveonna" Basi...