Chapter 1 - Ang Unang Limang Taon
Ipinanganak ako noong Miyerkules. Ika-23 na araw ng Oktubre ng taong 1996. Kinse minutos bago mag tanghaling tapat. Sa Samar Provincial Hospital sa Catbalogan, Samar.
Ang pinaka-unang anak nina Joyce Herrera at Joban Laurell. Pinakaunang apo ng mag-asawang Pastor na sina Gng. Lorrieta at Rev. Crisostomo Laurell. Pamilya ng mga Born-again Christian na mga tubong-Mindanao. Sa pagkakataong iyon, napagdesisyonan nilang ipangalan ako sa isang kaibigang Pastor na lubos na hinangaan ng mama ko.
Pinangalanan akong, Joaquin. Joaquin Laurell.
Panganay ako sa limang magkakapatid. Panganay kina Josiah, Joshua, Jemily Julianne tsaka ang bunso kong kapatid, si Jafael. Panganay din sa lahat ng mga apo ng buong angkan ng Laurell na sakop ng lolo ko. Kaya naman, bata pa ako, ako ang pinakapaborito at alagang-alagang apo nina Lolo at Lola pati na rin sa mama ko.
Joaquin Laurell. Unang anak. Unang apo. Unang pinagtuonan ng pansin. Unang inalagaan. At unang binigyan ng pagmamahal.
Nagtatrabaho sa isang appliances store ang mama ko noon upang ipantustos sa pangangailangan ko. Naghihintay din kasi siya ng resulta sa board. Nakapagtapos kasi siya ng BEED at nakapagtake na ng board exam.
Ang papa ko naman, patuloy paring nagrereview. Nakapagtapos din siya ng BEED pero, nahuli siya sa paggraduate. Ayon sa mama ko, mahilig siyang kumuha ng mga subjects na hindi naman daw accredited sa kursong kinuha niya. Kasi, kung anong mga subjects ang meron ng barkada niya, iyon din ang mga kinukuha niya.
Ayon kay Mama, hindi pa raw niya nakikilala ang papa ko, mahilig na raw sa barkada kahit nanggaling sa pamilya ng mga Pastor. Mabisyo na. Kaya nung namatay ang papa ng mama ko, napilitan si Mamang maging working student sa tita niya hanggang sariling-sikap nalang niya ang kanyang sandigan.
Noon ay nakita niya ang papa ko.Tumutulong sa kanya sa mga projects niya at kung ano man lang na pangangailangan ng mama ko para maipagpatuloy ang pag-aaral. Hanggang sa ako ang naging bunga ng kanilang relasyon.
Nung nalaman ng papa ko na dinadala na ako ng mama ko, hindi na siya nagpakita. Kaya dala ng kalungkutan ng mama ko sa pagbubuntis sa akin, itinangkang isoli ng amma ko ang mga bagay na binigay ng papa ko sa kanilang bahay. Doon ay nakita siya ng Lola Lorrie ko at napagkasunduang ipakasal sina Mama at Papa para panindigan ang pagkabuhay ko.
Ika-20 ng Hunyo, 1996, nagpakasal sina Mama at Papa sa munisipyo. Kasalang-sibil lang ang naganap sapagkat walang suportang makuha ang mama ko galing sa mga kapatid niya. Sa mga panahong iyon, ang angkan nila mama ay hindi pa masyadong magkasundo dahil sa pagkamatay ng lolo ko. Lalo na't ang mama ko ay nanggaling sa magulong pamilya.
Pangalawang anak si Mama sa tatlong mga anak nina Lolo Leonardo Herrera at Lola Francia ko. Pamilya ng mga striktong Romano katoliko.
Ipinanganak sila sa Tacloban nung nadestino ang lolo ko sa BIR na tauhan ni Pangulong Marcos at nagkaroon ng panibagong pamilya sa kabila ng pagkakaroon pa niya ng pamilyang naiwan sa Catbalogan.
Nung nalaman ng unang asawa ng lolo ko na nagkaroon siya ng panibagong pamilya sa Tacloban, lubos niyang ikinagalit na nagresulta sa paghihiwalay ng mga magulang ng mama ko. Lumuwas ng Cebu ang Lola Francia ko kasama ang dalawa niyang anak na si Tito Noel na kapatid ng mama ko at si Tito Anthony na kapatid lamang nila sa ina.
Dahil sa ang mama ko ay ang tanging alaala ng Lola Francia ko, siya ang naging pinakapaboritong anak ng Lolo Leo ko. Dahilan sa pagkakaroon ng sama ng loob ng mga kapatid ni Mama sa ama. Sina Uncle Fernan, Antie Emily at Uncle Marlon.
Dahil sa sama ng loob ng mga kapatid niya sa ama, hindi nagkaroon ng kasalan sa simbahan ang mga magulang ko dahil walang susuporta sa Mama ko sa kasal kung nagkaroon man. Napagdesisyonan nalang nila na magpakasal sa munisipyo. Kasalang sibil. Hindi na nagkaroon ng basbas ng simbahan ang pag-aasawa nila.
BINABASA MO ANG
Kuya, Move On Na
Teen FictionPaano nga ba maging masaya? Ang makamit ang mga pangarap o ang may masaganang kinabukasan? Ako si Joaquin Laurell. Samahan ninyo ako sa aking paglalakbay sa paghahanap ng totoong kaligayahan. Ating kilalanin ang buhay sa likod ni "kuyamoveonna" Basi...