Chapter 2 - Ang Anim na mga Baitang (Grade One)

106 2 0
                                    

Chapter 2 - Ang Anim na mga Baitang (Grade One)

Elementarya.

Nakagradweyt na nga ako ng Kinder at nandito na ako sa susunod na yugto ng aking paglisan sa pagkamuwang. Anim na baitang pa ang kailangang tahakin at nasa lima at kalahating taon pa lamang ako ng aking pagkabuhay. Sa pagkakataong ito, ako ay marunong nang sumulat at bumasa bago pa man ako nagsimulang mag-Grade one.

Dahil sa taglay kong katalinuhan sa murang edad, sinabak ako ni Mama sa entrance examination ng SPED sa Catbalogan I Central Elementary School. Dahil na rin sa ang paaralang ito ay isa sa pinakamagandang paaralan sa Elementarya noong mga panahong iyon.

Sinubukan ko ang entrance test at kaagad din namang natapos. Ngunit, sa mga natatandaan ko noon, hindi ako nasundo ng mama ko pauwi kaya mula sa Catbalogan I patungong amin, linakad ko hanggang may nakakita sa akin at hinatid ako sa may amin. Sa murang edad  na lima ay nasubukan ko ng lakarin ang halos tatlong barangay ang layo makauwi lang sa may amin.

Dahil sa ginawa kong iyon ay naisipan ni Mama na ipakilala ako sa isa pang paaralan na malapit sa amin. Ang Mercedes Elementary School. Ipinakumpara niya sa akin kung saan ba daw ako mas gugustuhing mag-aral. Dahil nga rin sa walang kamuwang-muwang kong isip ay mas nagustuhan ko sa Mercedes Elementary School dahil malawak ang playground tsaka may gulong na swing sila na madalas kong makita sa mga cartoons sa TV.

Kaya mula noon, nagsimula akong mag-aral ng Grade one sa Mercedes Elementary School sa loob ng pagtuturo ni Gng. Epifania Matilla.

Joaquin Laurell   Grade I - Centrex

Ako ang pinakamatangkad sa amin. Noon ay nasusubok na ang aking mga talento. Ang aking pagkanta, pagguhit at pagsayaw kapagka may mga program na nagaganap sa aming paaralan. Madalas din akong maging leader sa Kab Scout at dahil nga rin siguro sa hindi ako malakas na bata pagdating sa mga bagay-bagay, natutukso akong malambot.

Sa taon ding iyon ay nakapagtayo na din kami ng sariling bahay, sa parehong barangay kung saan nakatirik ang simbahan nina Lolo at Lola. Nakabili ng lupa ang mga magulang ko dahil na rin sa tulong ng paborito kong Lolo.

Sa unang dalawang buwan namin sa paglipat, noong Oktubre ng taong 2003, naging maganda naman ang takbo ng pakikipagsalamuha ng pamilya namin sa mga  bagong kapitbahay. Bagong mga kaibigan din ang aking nakilala. Madalas ay mahilig kaming maglaro ng kung anong pambayang laro. Katulad nalang ng tagu-taguan, 'yung P.S.-P.S. tsaka kung ano man lang na maisipang mapaglaruan. Anim na taon na ako at apat na kaming mga anak sa pamilya.

Dumating ang isang malagim na gabi para sa buhay namin. Ika-11 ng Disyembre, taong 2003. Kagagaling lang namin sa Teacher's Day ng mama at papa ko. Nagpapahinga isang gabi hanggang sa bigla nalang may nagsisigaw sa may labas ng aming bahay. Napansin ito agad ng aming katulong kaya kami nagising.

Sunoog! Sunoog!

Sa anim na taon kong pagkawalang-muwang ay doon pa lamang ako nakasaksi ng totoong nasusunog na bahay. Sa may kabilang tapat ng bahay namin na malapit din sa amin. Natatandaan ko pa habang pinagmamasdan ko ang sunog mula sa aming bintana. Nakakamanghang panoorin. Hindi ako nahipuan ng kung ano mang bahid ng takot. Sadyang pagkamangha lang ang naibubuga sa mga mata ko. Hanggang sa nagising akos a sitwasyon. Masusunog din pala ang bahay namin.

Nakatira kami malapit sa ilog. Matatanaw mo mula sa bintana namin ang tulay na naghahati sa Barangay Salug at Barangay Mercedes, ang barangay namin. Hating-gabi ng mangyari ang insidente, inilikas na agad kami ng mama ko. Isang napakalaking pagsisisi ang naidulot sa kokote ko ng nakalimutan kong dalhin ang Nintendong playstation na madalas naming pinaglalaruan kung may oras. Bata pa ako at iyon pa lamang ang mga importanteng bagay sa isip ko. Hindi ko na naisip na nasunog din ang aming refrigerator, ang mga litrato ng mama ko noong bata pa siya, ang mga litrato ko nung sanggol pa lamang ako at ang mga sumunod, at kung ano pang mga importante o mahirap ng ibalik na mga bagay.

Inilikas kami noong gabing iyon kina Lolo. Natatandaan ko pa ang mapulang langit na naging makamandag sa mga mata ko. Doon na ako nabahiran ng takot. Hanggang sa kinabukasan ay tuluyan na ngang nasunog ang pinakamamahal naming bahay.

Bumalik uli kami sa pagtira kina Lolo sa may simbahan. Sa may parehong puwesto ng bahay, sa may parehong silid, sa may parehong kinatatayuan.

Napakalaki ang sirang naidulot ng sunog na ito sa aming buhay. Sa mga magulang ko. Lalo na sa mama ko. Ang mga pinaghirapan nila ay bigla nalang nawaglit na parang bula. Parang perang natapon sa nagbabagang apoy.

Bumalik uli kami sa aming dating bahay at dating buhay. Nakikipagsiksikan sa bahay ng lolo namin kaya hindi maiwasan ang pagkakaroon minsan ng alitan sa pamilya. Lalo na sa mama ko dahil wala siyang kakampi, kahit na ang mga sariling kapatid niya ay hindi siya madamayan sa kanyang mga problema.

Sa mga pagkakataong iyon ay kinailangan namin ng sunod-sunod na pagpapalit ng katulong dahil sa walang nag-aalaga sa amin gawa ng pagkakadestino ng mga magulang ko malayo sa aming kinatitirhan. Hindi ako tumigil sa pag-aaral at ipinagpatuloy ko ang aking Grade one.

Hanggang sa nagkaroon kami ng katulong galing sa barangay ng Guintarcan sa Villareal, Samar. Siya si Ate Manilyn. Maganda, maputi at kaakit-akit ang kabuoan. Dala niya ang unang anak niya na si Charice. Isang taong gulang, buwan lang ang ikinabata kompara sa kapatid kong babae na si Jemily Julianne.

Ang pananatili ni Ate Manilyn sa amin ay ang naging sanhi ng pagkakakilala nila ng aking uncle na si Bata Julio. Dahil sa madalas na pagsasama nina Uncle Julio at Ate Manilyn ay hindi naging maganda ang pagtingin ng mama ko sa kanila. Dahil nga sa katulong lang namin si Ate Manilyn ay nakakabastos ang pagtingin ni mama sa kanya na sadyang lumalapit parati sa uncle ko.

Sa taong 2004 ay natapos ko na rin ang Grade One. Nakuha ko ang Second Honor. Naging malungkot ako sa simula dahil hindi ako nasanay sa Second Honor. Pero nung kinalaunan ay natanggap ko naman.

Sa anim na taon kong pamamalagi sa mundo, maraming mga kakaibang bagay na ang nasaksihan ko. Ngunit hindi pa diyan nagtatapos. Sasabak na naman uli ako sa isang panibagong taon.

Ang Grade two.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kuya, Move On NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon