R o u i e ' s" ano? okay lang ba yung porma ko? wala bang dumi yung uniform ko? hindi ba gusot? e yung buhok ko? teka, magli lip-balm muna ako " parang tangang hindi mapakali si Daehwi sa gilid ko habang naglalakad kami. "muntangna ka alam mo yun? okay nga lang yung porma mo." naparoll-eyes ako ng huminto si Daehwi sa gilid ng isang nakaparadang sasakyan tsaka nanalamin, "pfft-- pag yan, may tao sa loob, mamamatay yun sa kakatawa." natatawang sabi ko, sinamaan naman ako ni Daehwi ng tingin, "eh sa kinakabahan ako e bakit ba?" nanguna siya sa paglalakad kaya naman napatakbo ako tsaka hinawakan ko yung kamay niya para di na ako maiwanan. " anong kinakabahan? hindi naman na first time nating magdinner kasama sila mama a." yep, ito yung dahilan kung bakit parang tangang kinakabahan si Daehwi. Kanina kasi nung nasa school pa kami, may pa surprise-call pa si Mama, ang sabi bumalik daw sila dito sa Korea. And then si Daehwi naman ang nakatanggap nga tawag galing sa Mama niya, ang sabi magdi-dinner daw kaming lahat sa bahay nila mamaya, pinagplanuhan na daw nilang dalawa ni Mama ang dinner kaya di pwedeng hindi sumipot. Di man lang ako nainform na close friends na pala si Mama at si Mrs. Lee.
" eh? kahit na! baka pag nakita ako ng mama mo, iba na ang impression niya sakin, baka sabihin niyang sobrang ganda ko para sa'yo tsaka paghihiwalayin pa tayo-- ARAY!!" napa-aray naman si Daehwi nang batukan ko siya. "manahimik ka na nga lang jan. Relax~" nakangiti kong sabi sa kanya. Napatingin siya sakin bago kumalma,"hmm okay. kakalma na ako. Thank you~" ni-intertwine naman niya yung kamay namin.
Nakapasok na kami sa bahay at dumiretso sa kusina, "ma! andito na po kami" bati ko sa mama ko sabay kiss sa cheeks niya, binitawan ko naman yung kamay ni Daehwi para makalapit naman siya sa Mama niya." napaaga kayo ah." sabi ng Mama ni Daehwi habang nakangiti. Tumango naman si Daehwi. Pumunta naman ako sa Mama ni Daehwi, para magmano or makipag beso-- pero mas bet ni Tita ang beso kasi daw nakakabata sa feels haha.
Pagkatapos kong makipagbeso ay nagpaalam muna ako para makapag bihis, "eh? wag ka ng magbihis, ako lang yung naka-uniform dito pag nagbihis ka" inarte ni Daehwi habang pinipigilan akong makaakyat sa hagdan, nakakabit siya sakin na parang koala, "ugh bitiwan mo nga ako" pinilit kong tanggalin yung braso niya sa braso ko pero shet di ko matanggal??
"Bagay talaga sila no?"
" hahays oo nga. Parang sila yung perfect definition ng 'couple goals'"
"ma?? saan mo natutunan yang 'couple goals' na yan?"
"ano ka ba Jiyoung, syempre nakikiuso rin ako no."
"leche na yan, bahala na kung di pa ako mabigyan ni Daehwi ng apo basta makita ko lang silang magkasama ni Rouie, okay na ako. Masaya kasi si Daehwi kay Rouie e."
"pati rin naman si Rouie, masaya kay Daehwi. Ewan ko nga kung paano natitiis ni Daehwi yung ugaling kanto ni Rouie e."
"Jiyoung! wag ka ngang ganyan sa kapatid mo! Wala ka kasing lovelife e."
"Bahala nang walang lovelife si Jiyoung basta going strong parin sila Daehwi at Rouie haha"
Napatigil kami ni Daehwi sa maliit na away namin nang makarinig kami ng mga bulong. Bulong daw pero parang nakalunok ng microphone sila Mama, pati si Kuya nakikichismis na.
"narinig mo yun? bagay daw tayo yieee kilig na yan." parang timang na sinundot ko yung tagiliran ni Daehwi. "hoy ha, Rouie tigilan mo ko nakikiliti ako."
" di ko sasabihing sana di na sila magbreak kasi imposible yun sa panahon ngayon pero sana magtagal pa sila no?" narinig kong sabi ng Mama ni Daehwi. Narinig rin siguro ni Daehwi kasi napangisi siya na parang asong-ulol.
"magtatagal naman tayo diba?" tanong ko sa kanya. Di naman mawala-wala yung ngiti niya, pero tumango naman siya. "magtatagal tayo. tiwala lang." Napangiti naman ako, pucha kinikilig ako madlang pips.
Hinawakan bigla ni Daehwi yung magkabila kong cheeks gamit yung mga kamay niya tsaka unti-unting nilapit yung mukha niya sakin, shet makikita kami ng mga mama namin. Walang hiya talaga si Daehwi.
"maaaa! tignan mo oh! hahalikan niya yung baby Rouie natin huhu" narinig kong reklamo ni Kuya sa kusina. "ano ka ba. Para namang first time nila magkiss eh. Pustaan tayo, nagkiss na yang mga yan. Di nga natin alam, baka nag torrid kiss na sil--"
" MAAA!!" kahit kelan talaga si kuya ang OA. "haha bakit ba?" narinig kong tawa ni Mama. "okay lang sayo nag magkiss sila?" Nagkatinginan kami ni Daehwi, sobrang lapit na ng mga mukha namin. " bakit naman hindi hihihi kinikilig ako sa kanilang dalawa enebe" pabebeng tugon ni mama.
Napangisi naman si Daehwi saka niya binaliktad ang posisyon namin, nakaharang na siya sa kin tsaka nakatalikod na siya kina mama, "yan, para di makita nila mama haha" bulong niya sakin bago niya mas nilapit yung mukha niya sakin at hinalikan ako.
" yieeeeee "" eut na yan. "
" HAHAHAHAHAHHAHA "
× × × × × × × × × ×
t h e e n d .
[Author's Note] yieee tapos na siya. tulad ng sinabi ko, nalulungkot ako since tapos na ang Gayhwi, although may on-going/soon to be published stories ako, nakakalungkot kasi 2nd completed story ko siya, which is a great achievement for me. I wanna say thank you to all of you, salamat kasi sumuporta kayo sa story kong to although mostly ng contents nito ay puro trashtalk haha. You've done a great job in inspiring me and making me happy. I appreciate all those votes, comments and reads. Although may iba na silent reader lang, appreciated ko kayooo😊
wait may ipa-plug ako HAHAHA. If you're a Stay, please try to check out my English fanfic, a Hwang Hyunjin fanfic. it's title is "happiness" . thank you~ I love you💕
ㅡ poussière d' étoile
BINABASA MO ANG
gayhwi° 이대휘
Short Story[ Tagalog ] " hoy gayhwi. pwedeng manligaw? " Epistolary #2 [ Lee Daehwi ] Lee Daehwi x Reader(You) START: 02022018 END: 01172018 ㅡpoussière d' étoile☄