I. My Steffany

18 3 0
                                    

Cassy's PoV

"Excited na ako sa ball mamaya, ate Cassy!"
"Oo nga! Susunduin ako ni Wil mamaya!"

Masayang pag-uusap ng mga students sa tabi ko, excited sila para sa school dance mamaya.

"Ate Cassy, may date ka na ba mamaya?" tanong ni Aleah, isang underclassmen, third year engineering student.

"Oo nga naman, ate Cass! Syempre hindi pwedeng mag-isa lang ang Presidente namin sa College ball mamaya," sabi naman ni Mariel, kaibigan ni Aleah na excited pumunta sa ball kasama ang boyfriend niya.

"Hindi ako pupunta" tanging nasagot ko.

"HAAAAAA!?"

"Seryoso ka ba, ate Cass? 'Yung ganda mo dapat dini-display, hindi tinatago! Saka huling College ball niyo na 'to! Maliban sa Graduation ball syempre. Huling ball na 'to na kasama namin kayo 'no?"

"I appreciate but thanks."

"Pumunta ka na," nakangiting sambit ni Tim habang nakatingin sa akin. "Tama naman sila, 'yung ganda mo dapat pinapakita!" sabay tawa
niya.

"Bolero!... pupunta ka ba?"

"Syempre, hindi! Kailan ba ako pumunta sa ganyan? Pumunta ka na, enjoy!" sabi niya saka umalis.

Hindi ko alam kung bakit napangiti ako ng mapait. Valentines day ngayon pero parang magce-celebrate ako mag-isa. Hindi naman requirement 'yon, pero may girlfriend na rin si kuya kaya mag-isa lang ako.

"Pres, bakit di na lang kasi kayo ni Kuya Tim?" biglang tanong ng kararating lang na si Wil, boyfriend ni Mariel, fourth year engineering student.

"Oo nga naman, ate Cass. Alam mo bang bagay kayo?" dagdag naman ng girlfriend niya.

"Nagtataka nga kami kung bakit di kayo sa lagay na 'yan. Lagi kayo magkasama, sabay umuwi, nagkakasundo kayo. Hindi naman basta dahil magkaklase lang kayo ng high school."

"Magkaibigan kami simula high school." nakangiting sagot ko. "Nagkataong kami lang talaga ang nakapasok sa isang school."

"Oo na, ate Cass. Narinig na namin 'yan. Bakit di na lang kasi kayo? Hanggang kaibigan lang ba talaga kayo? Single ka naman. Wait, may girlfriend ba si kuya Tim? Parang wala namang nakikwento," tanong ni Aleah.

"Wala siyang girlfriend..."

May hinihintay siyang bumalik at syempre hindi ako 'yun.

Mabilis akong nagpaalam sa kanila, kinuha ang gamit ko at agad na naglakad papuntang kotse ko, pero andun si Tim na naghihintay.

"Pasabay ako."

"Anong meron? Wala kang dalang kotse?" tanong ko habang nagmamaneho. May sarili na ring sasakyan si Tim pero di ko alam kung bakit siya nakisabay siya sa akin ngayon.

"Naubos 'yung pera ko."

"Ha?" sa daming sideline ni Tim at kumukuha sa kanyang firms, malaki lagi nauuwi niya kaya napaka-impossible.

"May ginagawa ka bang illegal, Guerrero?" Sigaw ko matapos makapag-preno nang malakas.

"Easy! Saka bakit mo naman naisip 'yon? Sa gwapo kong 'to, gagawa ng illegal?"

Best Friends IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon