My Love is a Nerd 6

1.6K 48 0
                                    


FLASH BACK*

"Hi Ashley."

"Ay kabute!" gulat na sabi niya kanina pa siya pasilip-silip sa labas ng building para iwasang makita siya ni Zed yun pala nasa likod na niya ito.

Napatutop nalang siya sa noo niya. "Ano na naman ba ang ginagawa mo dito?"

"Napadaan kasi ako sa flower shop at naalala kita." Iniabot niya ang bulaklak sa akin. Halos araw-araw itong nagbibigay ng bulaklak sa akin, walang palya itong magbigay at iba't ibang klase pa ng mga bulaklak.


"Oh, please Zed, kalian mo ba ito ihihinto? Sinabi mo naman sa iyo na wala kang maasahan sa akin, d ba? Kailan ka ba magsa-sawa? Sinasayang mo lang ang pera at oras." Lumakad na ako sa pasilyo ng building, naghahanap ng basurahan kung saan niya pwedeng itapon ang mga bulaklak. Hindi naman niya ito tatangapin kapag sinoli niya ang bulaklak.


"Ashley, maghihintay pa din ako." Tipid nyang sabi.

"Huwag na, please." Nakukulitan na siyang tumingin dito at napangiwing nakita ang itsura nto.
Kailan ba talaga niya ako nito titigilan?


"Birthday ng father ko sa makalawa, pwede ka bang maging date sa party?" tanong nito sa akin.


"Busy ako," Mabilis kong sagot.


"Ako na ang bahal sa projects mo." Ngumiti ito at nalantad ang sungki-sungking ngipin na may brace.


"Ako na gagawa para hindi ka na mahirapan."


"Hindi na, salamat nalang." Ayaw niyang magkaroon ng utang ng loob dito baka ang maging kapalit pa ay maging girlfriend nito. No way, please! Mas binilisan niya ang paglalakad sa pag-aakalang titigil na ito sa kasusunod sa kanya para mahalata nitong nagmamadali siya, ngunit dismayado pa din siya, nakasunod pa din ito.
Pinagtitinginan tuloy sila ng mga estudyante.


Ipokrita naman siya kung hindi iya aaminin sa sarili na ikinahihiya niya si Zed. Sa pagmamadali niya natapilok tuoly siya. Kung hindi sa maagap na pag-alalay ay baka napaupo na siya sa sahig.



"Ooppss, careful," sabi nito na nakayakap na sa kanya.



"Okay na ako!" sabi niya at kaagad siyang bumitaw dito na para bang meron itong nakakahawang sakit.



"Uuyy!" tukso ng mga estudyante na nakakita sa pangyayari.


Naiinis siya kay Zed at halos umusok na ang ilong niya. Inayos ang sarili at nagmadali uling maglakad paalis na binabaliwala ang mga panunukso ng mga estudyante. Nakalabas na siya ng gusali ngunit nakasunod pa din ito sa kanya.


"Kaya mo yan Zed!" tudyo ng isang grupo ng estudyante na kalalakihan na nakatambay sa may ilalim ng punong-kahoy.


"Pupusta ako ng sampu, sasagutin ka rin niyan."
Nakangiti itong kumakaway pa sa grupong iyon. Sa liit niyong suot na long sleeved na polo, halos mapunit na ang tahi sa bahaging kilikili ang itaas nito ang isang kamay.


Pink ang suot na slacks at red ang rubber shoes at eto pa kulay dilaw ang medyas.
Naiirita ang tenga niya sa mga panunuksong naririnig.



My Love is a Nerd (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon