My Love is a Nerd 12 (Last Chapter)

2.6K 83 9
                                        



"Pare-pareho ba ang intesiyon niyo nang ligawan niyo ako, Charlie?" Pormal na pormal ang mukha ni Ashgab habang nakaupo sa harap ng hairdresser sa loob ng parlor ng auntie ni Charlie. Nakatitig siya sa repleksiyon nito sa malaking salamin. Hindi nga niya alam kung bakit doon siya dinala ng kanyang mga paa pagkagaling niya sa opisina.




"First of all sister,Chen 'd Empresz na ang name ko ngayon, okay?" saad ng ex-suitor niyang bading na ngayon. Inaayusan siya nito ng buhok.




"At niligawan kita noon hindi dahil sa gusto ko lang maranasan maging girlfriend ang isang babaeng itinuturing na 'syota ng campus' noon. Hindi ako katulad ng iba na syinota ka lang para subukan kung game ka sa lahat ng bagay. Hindi ako ganon sister, I swear."



"Eh, bakit? Bakit mo ako niligawan?" Titig na titig pa rin siya sa mukha ni Charlie alyas Chen 'd Empresz na namumuti na sa facial cream.
Nagbuntong hininga muna ito bago sumagot.



"Honestly, sister, bata palang ako ay pusong babae na ako pero hindi ko maipakita sa iba dahil nahihiya ako. Nang umugong ang tsismis na isa akong bakla, naisip kong magpanggap na in love na in love sa isang babae para maniwala silang lalaki ako. Ikaw ang madaling syota-in kaya ikaw ang napagbalingan ko."



"Ginamit mo pa rin ako." Malapit na siyang umiyak. "At siguro ganon din ang intensiyon ni Jake, Larry, ni Marlon at iba pang lalaki. Hindi totoong minahal nila ako. Ganon lang ba talaga ang purpose ko sa mundong ito? Wala na bang seseryoso sa akin?"



"Bakit ka naman nag-iisip ng ganyan sister?" pairap sa sabi nito. "Anong tawag mo sa panliligaw noon ni Zed? Hindi pa ba iyon mukhang seryoso, eh, patay na patay iyon sa iyo.?" Ah, ipinaalala na naman nito si Zed. Muli ay nanariwa sa kanya ang kahapon. Walang araw yata noon na hindi iya nakita si Zed sa campus, palibhasa, ito lang din ang malimit magtanong kung kumain na siya o okay lang siya o kailangan niya ng tulong.



Kay Zed lamang niya naramdaman kung paano maging espesyal. At ngayon lamang niya lubos na na-realize na tanging si Zed lamang ang nagmamahal nang totoo sa kanya.



Ngunit sinayang niya ang lahat ng iyon. Hinayaan niyang mawala sa Zed. Hinayaan niyang masayang ang isang dakilang pag-ibig.



Subalit muli itong nagparamdam ng pagmamahal sa kabila ng magandang katayuan nito ngayon sa buhay. Muli itong nagpakita ng pagkatalo. Hahayaan ba niyang muling mauwi sa wala ang lahat ng iyon.



"O, saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Chen'd Empresz nang bigla na lamang siyang tumayo.


"I have to go, Chen'd Empresz," taranta niyang sabi.


"I have to see Zed. Ngayon kasi ang punta niya sa States." Iyon ang sinabi ni Kyle sa kanya nang magkita sila sa LinkWorl kanina.


"Naku sister, hindi pa maayos ang buhok mo!" sabi nito. Ngunit parang wala siyang narinig. Halos utusan na niya ang taxi driver na paliparin nito ang sasakyan habang sakay siya nito.




Kailangan niyang maabutan si Zed. Hindi niya kayang mawala ito sa kanya.Mabuti na lamang at hindi traffic. Nakarating kaagad siya sa bahay ni Zed.



"Naku, hija, nakaalis na siya," salubong sa kanya ng papa nito nang patuluyin siya ng katulong.



Tila nanghihinayang napasandal siya sa dingding ng sala. Nakaalis na si Zed. Iniwan na naman siya nito.



"Importante ba ang sadya mo sa kanya, hija?" tanong ng papa nito. "Baka naman nasa airport pa siya ngayon. Bakit hindi mo text or tawagan?"




My Love is a Nerd (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon