Nagmamadali si Ashgab nang umagang iyon. Naipit kasi siya sa traffic at ngayon ay male-late na.Pasakay na sana siya sa elevator nang mapansin niyang nakatayo malapit doon si Zed. Minabuti niyang pumanhik na lamang sa hagdan kaya hinihingal siya nang makarating sa sixth floor.
"Hi." Muntik na siyang mapasigaw nang maratnang nakaupo si Kyle sa swivel chair ng sekretarya niya.
"What are you doing here? I mean... nasaan ba si Pia?" Tukoy niya sa sekretarya niya.
"Nasa girl's room yata," nakangiting sagot nito.
"A-are you in need of something?" Binuksan na niya ang pinto ng opisina at tumuloy sa loob niyon. Sumunod naman ito sa kanya.
"I think there's no reason para tanggihan mo na naman ang pag-aya ko sa iyong lumabas mamaya," prangka nitong sabi nang makaupo na ito sa visitor's chair sa harapan ng mesa niya.
"Busy ako, Kyle, eh," kaagad niyang sabi.
"Please?"
Saglit siyang natahimik. Hindi maiwasang hindi niya isipin na baka hindi pa nakontento si Zed sa ginawa nitong paghihiganti sa kanya kaya ngayon ay ginagamit nito ang pinsan nito para lalo siyang masaktan.
"Bakit bigla kang umalis noon Kyle?" bigla niyang naitanong dito.
"Why Kyle?" Matagal bago ito sumagot. Sunod-sunod na pagbuntung-hininga muna ang pinakawalan nito bago nagsalita.
"Nasabi ko na sa iyo ang dahilan, 'd ba?, Nang malaman ko kung anong klase kang babae, kung sini-sino ang mga naging boyfriend mo, at gung gaano kaikli ang panahong ibinibigay mo sa isang relasyon, natakot akong baka gawin mo rin sa akin ang ginawa mo sa iba. Ang hiwalayan ako kung kailan hibang na hibang na ako sa'yo." Napangiti ito.
"W-walang kinalaman si...Zed?" she asked. "Hindi ka ba niya sinabihang hiwalayan ako?"
"No. Sa tingin mo ba ay susundin ko si Zed kung siya ang nag-utos sa akin na gawin iyon? And besides, he was too nice before to think about that. Ngayon na nga lang nag-iba ang ugali ni pinsan."
"At ako ang dahilan ng lahat ng iyon,"malungkot niyang sabi. "He told me."
"So what kung hindi ka niya seryosohin, Ashgab?" anito. "Nandito naman ako."
"Okay, hindi kita mamadaliin. I just want to tell you that I know the truth."
"What truth?" napatingin nitong tanong niya.
"Na ako ang dahilan kung bakit ka lumipat sa kompanyang ito," confident nitong sabi. "But don't blame Zed for that. Nagkainuman kami the other night. Nasabi lang niya nang hindi sinasadya na ako ang sinadya mo rito. Na ako ang hinahanap mo. That you picked him over me because of his financial standing. Pero ako talaga ang gusto mo" Naumid na naman ang dila niya.
"Now that I know the truth, siguro naman ay wala nang problema, Ashgab," he said again. "Huwag kang mag-alala., marami na rin akong investments, so may magandang future ding naghihintay sa'yo sa piling ko. Trust me, Ashgab."
"I-it's not the problem, Kyle," hindi niya mapigilang sabi.
"T-the truth is, nasabi ko lang iyon kay Zed dahil sa tindi ng galit ko sa kanya."
"What do you mean?"
"It's true, ikaw ang gusto kong makita nang pumunta ako rito sa LinkWorld. Kung nabaling man kay Zed ang atensiyon ko, iyon ay dahil sa masyado akong nagulat sa malaking ipinagbago niya. Nang pumayag akong magpakasal sa kanya, hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. But things happened so fast.Nang magkasama kami, nakita ko na naman ang mga bagay na kahanga-hanga sa kanya maliban sa panlabas na kaanyuan. Nakita ko ang mga bagay na muntik nang magpabulag sa akin noon. Nang araw na pumayag akong sumama sa kanya sa Cebu. The thing is, natutunan ko na siyang mahalin, Kyle. Pinasakitan ko lang siya ng masasakit na salita noon para pagtakpan ang nadarama ko. At aaminin ko nasasaktan pa din ako hanggang ngayon sa paghihiwalay namin." Natigilan ito.
BINABASA MO ANG
My Love is a Nerd (COMPLETE)
أدب المراهقينMaganda, Sexy, Kaakit-akit, at walang lalaking hindi nabibighani. Siya si Gabriella Ashley Morgan, lapitin ng mga lalake simula pa noong high school hanggang sa nagka-trabaho kaya binansagan siyang playgirl ng mga kaibigan niya ngunit sa dami ng man...