Hmn .. Sana magkatotoo ..

683 23 0
                                    

Ang saya ng barbie cue party kanina.

Kumpleto ang lahat.

Ang pamilya nila Vince, our family and Manong Andres' family.

Hay. Ang sarap magpahangin.

Nandito pala ako ngayon sa pampang.

Nakaupo sa malaking bato.

Pinagmamasdan ang mga alon.

Naisip ko tuloy, kawawa ang mga alon.

Kahit anong pilit nilang makalapit sa pampang, hindi lalaon at tatangayin ulit sila palayo.

Parang ako, ang lapit lang ng mahal ko pero hindi ko maabot. Minsan nga naiisip ko, ano na bang estado ng relasyon namin? Oo wala ng conflict. Wala ng hadlang. Sweet sya. Caring. Pero may kulang, hindi ko kasi marinig sa kanya na mahal nya din ako. Minsan tuloy naiisip ko, baka wala lang talagang magawa si Vince kaya ganun siya saken.

"Ang lalim ng iniisip mo ah. Thinking of someone?" nagulat ako sa nagsalita. Nang nilingon ko ito, nakangiting mukha ni Vince ang nakita ko. Napatango nalang ako.

"Is it Carlo?" tanong nito at tumabi sa kanya.

"Hindi ah. At bakit nasama yun?" naiinis na sabi ko. Iuntog ko kaya 'to?

"Ah. Akala ko ba kayo?" anito.

GOSH ! all throughout, ayun pala ang iniisip nito? Eh samantalang ni hindi ko na nga nakakasama si Carlo.

"Hindi nuh. Never naging kami." pagkumpirma ko.

Nakita ko ang gulat nito but at the same time parang nagsasabi ang mga mata nito na masaya ito sa nalaman nito. Parang nangungusap ang mata nito. Bigla akong kinabahan.

Hay nangangarap na naman ako.

Pero sana magkatotoo ..

Walang Iba :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon