Starey ;]

672 23 0
                                    

Magkahawak kamay kaming naglalakad malapit sa dagat.

Napagpasyahn namin ni Vince na maglakad lakad.

Nakakasawa daw kasing silayan ang mga alon.

Katulad ko, parang negatibo din ang galaw ng alon para kay Vince.

Lumalapit pero walang kakayahang manatili.

"Malapit na ang debut mo ah."

"Oo nga eh."

"Naks. Pwede ng ligawan." nakangiting sabi ni Vince at sinipa ang nadaanang maliit na bato.

"Ganun ba yun?"

"Yup. Isa ka ng ganap na dalaga nun. May natitipuhan ka na ba?" lumingon ito sa akin. Mapagtanong at naghahanap ng kasagutan ang mga mata nito.

Iniwas ko ang tingin ko. Naiilang ako sa paraan ng pagtatanong nito.

"Ahm. Oo naman" sagot ko. Natigilan naman ito.

"Bakit?" tanong ko.

"Wala lang. Pupunta ba siya sa debut mo?"

"Well he should be there. Magagalit ako sa kanya kapag hindi sya nagpunta."

"I see. Tara balik na tayo sa bahay. Inaantok na ko eh." anito at humikab pa. Nang mapansin nitong hindi ko pa gustong umuwi binitiwan nito ang kamay ko.

"Okay I'll go ahead. Goodnight" paalam nito at nagtuloy na sa paglakad.

Nagdecide naman akong manatili. Umupo ako sa buhanginan at tumingin sa paborito kong bituin na pinangalanan kong Starey.

"STAREY, si Vince nga pala yung kasama ko kanina.

Sya yung lalaking sobra kong minamahal. Tingin mo, mamahalin nya kaya ako?" naluluha nang sabi ko.

"Hay, narinig mo naman siguro kanina di ba?

Alam mo gusto ko ng aminin sa kanya.

Gusto ko ng malaman nya kung ganu katagal ko na syang minamahal.

Kung sakali mang hindi kami parehas ng feelings okay lang.

Ang mahalaga, nasabi ko. Pagod na kong magpanggap eh.

Atleast kapag nasabi ko na, magiging aware sya.

At mas mapapakita ko pa kung ganu katotoo ang pagmamahal ko.

P-pero natatakot ako, natatakot akong masaktan.

Pero di ba sabi nga ng ilang psychologist, the only way to overcome fear is to face for it! Please Starey, cheer me up. Kaya ko 'to !

Siguro sa debut ko na aaminin sa kanya.

Goodnight Starey." aniko at pinunasan ang luha ko. Tumayo na ako at umuwi.

Thanks to Starey!

Walang Iba :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon