Ako si MR.LOLO

649 19 1
                                    

Vince P.O.V

Ngayon alam ko na kung kanino nagmana si Anica.

Obvious na sa mommy nya.

Ewan ko ba kung bakit sinakyan ko yung sinasabi nito plano para maging good shot ulit ako kay Anica.

Tama kasi ang hinala ko, hindi maiintindihan ni Anica at ayaw naman akong bigyan ng pagkakataong magpaliwanag.

Nandito nga pala ako at ang iba pa para magpractice ng cutillion sa debut ni Anica.

Kanina pa ko dito.

At init na init na ko sa get up ko.

Pagmukhain daw ba akong LOLO eh.

At pakana lahat ito ng nanay ni Anica.

Eto lang daw ang paraan at lubus lubusin ko na daw.

At kahit alam kong childish act ito, sinakyan ko pa din.

Kinabahan ako ng sabihin sa akin ni Ely na nandito na daw si Anica.

"Tara samahan mo ako. Magpapakilala ako sa kanya." aya ni Ely.

Tumanggi ako. Iintayin ko nalang sila.

Nakakatuwa nga ang transformation ni Elle eh.

Nagpapakalalaki na.

Tinamaan kasi ng magaling.

"Okay guys. Nandito na yung debutant natin. Ready na kayo. Ikaw Mr.Lolo, magtago ka daw muna at bumalik ka nalang kapag last dance na. Medyo may twist ang choreography." paliwanag ng choreo.

So ayun, lumakad na nga ako.

At pati lakad ko.

Pang lolo din.

Hahah.

Bali yung 17 roses lang ang kasama sa cutillion.

Sisingit lang ako sa ending at pakana yun ni Tita Alice na mukha namang kinukumbinsi ng asawa nitong si Tito Bernard.

"Iho. Goodluck." ani Tito Bernard as I walked away from them.

Walang Iba :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon