Chapter 5Ilang araw na ang nakalipas simula nung kinausap ako ni Luke. Hindi ko parin alam kung ano ang isasagot ko. Ayaw ko naman na maging tulay sa kanilang dalawa. In the end, ako lang yung kawawa.
Sinabi ko na rin yun kay Katie. Hindi ko nga ma-explain ang reaksyon niya eh. He hates Sandy. Noon pa man. Iniiwas ko rin si Luke kung makikita ko siya. Kagaya kanina. Nakita ko siya sa hallway at nakita niya ako kaya agad naman akong umiwas ng tingin at nagpanggap na hinfi siya nakita. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya eh. Ayaw ko din namang ma-pressure. Madami naman siyang kaibigan ah. Bakit ako pa talaga?
And speaking of, there he is. Anong gagawin ko? Papalapit siya dito sa tabi ko. Nasa library kasi ako ngayon. Iniligpit ko agad ang mga gamit ko and I was about to walk away when he grabbed my arm. "Audrey." He said. Napapikit na lang ako at napakagat sa ibabang labi. Shiz!
Humugot muna ako ng lakas loob bago ko siya nilingon. "Hey! Luke, what's up?" Sabi ko habang nakangiti. Halatang pilit na ngiti iyon.
Tinignan niya lang ako sa mata ko. Seryoso lang siya na may pagtataka. "Audrey...iniiwasan mo ba...ako?" Tanong niya. Napalaki naman ang mga mata ko.
"H-hindi ah! Bakit naman kita iiwasan? Hehe." Sabi ko pa. Halata ba ako? Pinagpawisan na talaga ako. Teka nga, bakit ba ako pinagpawisan?
"Nothing...umm, about yesterday. Napag-isipan mo na ba?" Tanong niya. 'Yan na nga ang sinasabi ko eh. Kaya nga iniiwasan ko siya eh. Dahil alam kong tatanungin niya lang ako niyan. Ano bang sasabihn ko? Oo, o hindi? Huhuhu. "Okay lang naman kung hindi ka papayag. I understand." Sabi niya. Halata ang pagkalungkot niya. Ahhh! Ano ba yan?
"Bakit ako?" Tanong ko. Bakit nga ba ako? Ang dami naman niyang kaibigan ah. Bakit ako pa talaga yung sinabihan niya?
"Dahil ikaw ang gusto ko." Agad na napatahimik ako dahil sa sinabi niya. What did he say? Tama ba yung narinig ko? Ako yung gusto niya? "Gusto kita na ikaw mismo ang tutulong sa akin. Come on, Aud. We've been bestfriends since we're kids. You have to help me. Ikaw nga, tinutulungan nga kitang hanapin yung aso mo na nawala eh. Tsaka , ako yung nagpapaalam sa kay manang whenever you want go out. "Explain niya. Okay, good. Audrey, don't assume. Puso, ano ba yan? Tumigil ka na nga. Tsaka utak, huwag malisyosa ha? Kainis. Kinuwenta niya pa talaga yung mga araw na yun ah. Ano bang isasagot ko? Bahala na nga.
"Okay, fine...I'll help you." Sagot ko. Lumiwanag naman ang mukha niya. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin ng napakahigpit. Oh my goodness! I can't breath. Tinapik ko agad ang likod niya kasi hindi na talaga ako makahinga. Buti na lang at napabitaw siya. Finally.
"Sorry." He said. Napasimangot na lang ako sa kanya. Gabe, kung makayakap siya wagas talaga. Parang nabalian ata ako ng buto ah. "Wala ng bawian niyan ah. Because of that...I'll treat you later...in our favorite place." Sabi niya. At dahil dun biglang lumiwanag ang mukh ko at napakalawak ng aking ngiti. Treat? Wow! Para akong bata na nanalo ng teddy bear.
"Talaga? Yes! Wala ng bawian niyan ah!" Sabi ko. Tumango lang siya.
"Shhhh!" Napatinign naman kami ni Luke doon. Si Ms. Jean pala iyon. Nag-bow na lang ako for apology. Napalakas ba ang boses ko? Nasa library nga pala kami. Kaya we decided to go outside na lang at baka mapagalitan pa kami lalo ni Ms. Jean.
"Ikaw kasi. Ang ingay mo." I said sabay hampas sa braso niya.
"So, I'm the one who's noisy?" Sabi niya. Tumango lang ako. Siya naman talaga yung maingay diba? Dahil yun sa kanya. Hmph! "So, you're gonna help me ah." He said. Napatngo na lang ako. What can I do? I can't take it back. I said yes already. So, dapat tulungan ko siya. Even thouh I don't really want to.
"So, kailan tayo magsisimula?" I ask.
"Ite-text na lang kita kung kailan." sagot niya. Napatango naman ako. Nagulat na lang ako nang bigla niyang pinisil ang pisngi ko. Arouch! Ang sakit nun ah.
"Let's go." He said. Umalis na kami doon at nagpatun go na sa class namin. As expected ang ingay na naman, Hayyssss....
Pumunta na ako sa upuan ko at nagmukmok. Wala ngayon si Katie kasi may gagawin daw sila. Business matter. OO, alam na niya about business thingy. Cool nga eh. At early age alam niya na kung paano magpatakbo ng business. Well, just like his dad. Si tito Dan. May pinagmanahan din eh. Ako? umm... Ayaw ko sa mga ganyan. Hindi pa ako nagiisip ng mga ganyan. Nakaka-stress. At wala akong alam sa mga ganyan. Only kuya Liam knows how to handle a business. Well, no choice. Kailangan eh.
.
"Argh!!!!!" Kainis. Hindi ko makuha ang tamang sagot. Alam ko naman ang formula nito pero ang hirap talaga. Ilang minuto na akong nandito at wala paring pumapasok sa isipan ko. Kainis.
"Ayaw ko na." I said. Sabay higa sa kama ko. I give up. Gulong gulo na ang isip ko. Gusto ko ng matulog. It's already nine in the evening. At kanina pa ako naloloka dito. Math is so complicated. Alam niyo kung anong ibig sabihin ng math? Mental Abuse To Human. Tsk!
Ipinikit ko ang aking mga mata at biglang sumagip sa isip ko yung ginawa namin ni Luke kanina. Pumunta kasi kami kanina sa favorite place namin. Kumain kami ng Ice cream doon. Tsaka naglaro pa kami sa arcade. Ang saya saya nga eh.
*Beep*
Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito. Agad ko itong kinuha nang makita ko kung sino yung nag-text. Si Luke.
From: Luke💕
'Meet me tomorrow at the Garden. 4 p.m.'
Bigla akong napasimangot dahil sa nabasa ko. Eh, paano. Paguusapan na namin yung tungkol sa...date nila ni Sandy. Hayy! Argh!!! I regret everything I say. Bakit ba ako pumayag? Can you remind me why? Ugh!
~*~*~*~*~*~*~*~
Hey readers, so this is the chapter 5!!! Yehey *sabog confetti * 🎊🎉 Hope you like it.
Hit that ⭐️ and comment naman kaya sa comment box. Yieee! Thankies. Mwuahh.-Rosh
BINABASA MO ANG
Not Your Type of Girl
Teen FictionShe's different from all of the girls... She's not the type of girl you always see on tv's or you always expect them to be... She's not the ideal type ng mga lalaki... She is famous...pero ibang klaseng fame... Siya yung tipong babaeng hindi napapan...