Chapter Seven

26 1 0
                                    

Chapter Seven

Ilang araw na ang lumipas nung nag meet kami ni Luke sa garden. Napagusapan na din namin ni Katie yung mga gagawin namin. Pretty much, everything is fine. I also accept the truth that he loves Sandy and I need to let go and be happy for them.

"Just a little bit...more and...done!" Success! "Perfect!" Finally, I'm done! Ilang oras ko din 'tong binaked at sa wakas tapos na. We got everything under control.

"Wow! That smells good!" Sabi ni manang. Napangiti naman ako.

"Malamang. Ako po nag baked niyan eh." Proud na sabi ko. Cupcakes and brownies yung ginawa ko. Buti na lang talaga at fast learner ako. Eh, pinagaralan ko pa 'to sa youtube eh. Hehe.

"Ang galing mo naman. Mukhang masarap ah." Sabi pa ni manang. Hindi lang mukhang masarap. Masarap talaga 'yan.

"Sige manang una na po ako." I said. Kinuha ko na ang mga gamit ko pati na rin yung binaked ko. Tamang tama nasa labas na si Katie. Pumasok ako sa loob ng sasakyan niya. Pupunta na kasi kami sa isang garden which is doon maheheld yung date ni Luke with Sandy...Yeah. 

Buti nga at walang pasok ngayon eh. Holiday kasi ngayong Friday at bukas na rin yung date nila. We need to get ready. I need to get ready. Ang importante ngayon, kalimutan ko muna yung nararamdaman ko kay Luke. Bestfriends rule #6. 'Always be happy for your bestfriend.'  So, I need to set aside my feelings at asikasuhin na lang ang dapat gawin.

"You okay?" Katie asked. Napatingin naman ako sakanya. Hindi ko kasi namalayan na nakatulala na pala ako sa bintana. "Bakit nakatulala ka lang diyan? Ang lalim ng iniisip mo ah."

"Ah...wala. Pagod lang." I answered. Nakakapagod talaga. Nakakapagod mag isip, kumalimot ng taong malapit na sa'yo, nakakapagod limutin 'yung nararamdaman ko para sa kanya. Nakakapagod na.

"May gusto ka bang bilhin? Dadaan ta'yo sa convenient store. Magc-cr din kasi ako eh." Tumango na lang ako. Bibili muna ako ng drinks tsaka pagkain. Nagugutom kasi ako eh. Hindi ako nakapag breakfast.

Bumaba na ako ng sasakyan ng makarating na kami sa mini mart. Pumasok ako at agad bumili ng hot coffee tsaka chocolate bread. As usual naman, marami akong binili. Gutom ako eh, wala kayang magagawa. Tsaka binilhan ko din si Katie ng pagkain. Baka kasi maglaway na naman 'yun. Binayaran ko na iyon saka lumabas.

Binuksan ko na yung coffee ko. Tinignan ko yung loob ng sasakyan pero wala pa si Katie. Ang tagal naman niya. Nagjebs kaya 'yon? Haha. Joke lang.

Kinuha ko yung phone ko nang nag vibrate ito. May bago na namang pinost si Luke. I don't wanna check it. Baka mag back out pa ako niyo eh. De, joke lang.

Bubuksan ko na sana 'yung pintuan ng sasakyan ng may bumusina ng napakalakas kaya natapon ko yung kape ko at ayun sapu sa damit ko. Nagulat na lang ako ng may sasakyan na papalapit sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil anytime soon masasagasaan na talaga ako! Pero—

"What the—Hey! Get out of the way." Galit na sabi nung lalaki. Idinilat ko yung mga mata ko at tumingin sa kanya. "What are you looking at? Get out of the way." Sabi pa niya. Wait is that?

Napatingin naman ako kung saan ako nakatayo. Naks! Naapakan ko kasi 'yung line kung saan doon siya magpaparking. Grabe ang arte naman. Tsaka galit agad? Teka, bakit siya pa ang may ganang magalit? eh, ako na nga 'yung muntik ng masagasaan eh.

Napaatras naman ako. Nakatingin lang ako sa kanya habang pababa siya ng kotse niya. Hindi ko namalayan na nakatingin na din pala siya sa akin. It's him! Oh no! I can't believe this.

It's Wade!

Sinamaan niya kang ako tingin. Akala ko may sasabihin siya pero bigla na lang siyang umalis sa harapan ko. My god! How rude! Ni hindi man lang nag-sorry. Oh well, sinigawan nga ako eh. Sorry pa kaya? Kainis 'yung lalaking 'yun ah. Badtrip. Bakit ba palagi ko na lang nakikita ang pagmumukha ng lalaking 'yon? Ugh!

"O, bess. Tara na?" Sabi ni Katie. Napatingin naman ako sa kanya. I immediately went inside the car at pinaandar niya na ang kotse niya then we left.

Nakatingin lang ako sa bintana habang kinakain 'yung junk foods na binili ko. "Hoy, bess. Dahan dahan naman diyan. Baka maubos mo 'yan eh. Tapos wala na sa akin." Sus! Akala ko naman kung ano ang sasabihin. 'Yun lang pala. Tsk!

"Bakit ba? Gutom ako eh." I said at inilamon na nga 'yung pagkain na nasa kamay ko.

"What happend na naman?" Tanong niya.

"Wala." I answered.

"I know you, Drey. Kapag kumakain ka ng marami ibig sabihin may problema ka eh. Tell me." She said. Humarap ako sa kanya.

"Bakit ba? Hindi ba pwede na gutom lang talaga ako?" I said while emphasizing the word 'gutom'.

"Whatever." inirapan ko na lang siya. Ni hindi ko nga alam kung ano na ang nangyayari sa akin eh. I feel so...wierd.

-

Ilang oras na kaming nandito sa Grand garden ni Katie which is everything is almost perfect. Ready na 'yung table and also the lights. At sobrang ganda. Wow! Pati ako namangha. Grabe, ang effort naman namin neto. Well, dapat lang talaga. Special 'to kay Luke eh.

I sigh. "Friend, okay lang 'yan." Napatingin ako sa kanya at ngumiti lang. Medyo nagaalala na si Katie sa akin.

"I'm okay. Napagod lang." I said.

"Oo naman 'noh. Ang dami kaya nating ginawa." Well, actually, hindi lang naman kami ni Katie ang nag prepare ngayon. Marami namang tumulong sa amin. Mostly, mga kaibigan ni Katie.

Napatingin ako sa sumiko sa akin. I just gave her a 'what' look. "Look." Napatingin ako sa diteksyon kung saan siya nakatingin. And there I saw him and it makes my heart beat so fast. Geez. What is wrong with me? Malala na yata 'tong nararamdaman ko.

I waved at him when he smiled at me. "Wow! Everything looks so good." He said habang nililibot ang tingin niya sa paligid.

He looks at me. "I hope everything will be okay." He whispered. I tapped his shoulder to comfort him.

"Everything will be fine. Huwag kang magalala. I'm sure magigustuhan 'to ni Sandy." Well, dapat lang but I guess she will. "Ang effort kaya natin neto." Napangiti siya at inakbayan ako.

"Thank you, Drey." I smiled.

"Anytime." Anytime. As long it'll make you happy.

––––

Hey guys, heto na po 'yung update! Sorry sobrang natagalan talaga. Sorry. Pero still Thank you sa nagre-read pa neto. Salamat talaga. I'm sorry to keep you waiting for so long guys. Pero sobrang thank you talaga. Thank you so much for keep on voting and reading this story. Thank you!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not Your Type of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon