Chapter 2- Hope/Anticipation

8 1 0
                                    

Ariel's POV

Pumasok sila ng sabay sabay pero napansin ko rin na wala si Art. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maipangako sa sarili ko at hindi ko alam kung bakit concern at hinahanap ko parin sya,ala! Basta! Ayaw ko na sakanya!

Si Jowen at Jason. Sila ang nagunguna sa mga badboys. Si Jowen at matangkad samantalang si Jason naman ay maliit,as in maliit pero ngayon,parang mas tumangkad sya,kasing tangkad ko na nga ata sya. Si Jowen ang mahilig sa pag papakilig ng babae, si Jason naman nag papakilig rin naman ng babae pero ang cute nya pag nag papakilig.

HAHAHA and alam nyo ba,nung Grade 7 kami... Ahmm hindi naman sa pag mamayabang pero ako ang crush ng buong Grade 7,nawala na rin kasi yung magaganda samin,ako na lang natira WAHAHAHA. Pero seryoso.

Si Jason kasi nanligaw sakin simula nung Grade 7 na first day,hindi ko nga alam kung bakit tinatandaan ko yun eh. Pero ewan ko,bigla na lang nag bago ang lahat,tumagal naman yung panliligaw nya ng more than one week but after that,wala na...

Si Jowen naman ay after ni Jason. Hindi ko alam kung may usapan ba sila na ganito,nag pag laruan at pakiligin ako pero talagang after talaga ni Jason na pakiligin at paasahin ako... Sumunod naman itong si Jowen,pero may nalaman ako... Nung time pala na chinachat ako ni Jowen ka chat rin pala nya ang mga kaibigan ko... And hindi na ako umasa!

"Boi!!!"-nabuo naman ang ingay ng mag sama sama na ang mag kakaibigan. Halos silang mag kakaibigan ay nasa iisang hilera na ng table. Nag lipatan naman sila at nag usap din kung sinong mga lumipat.

"Dito pa pala mapasok yan"-bulong saakin ni Andrea. May galit ata to'ng si Andrea kay Jowen eh,hindi rin sila nag papansinan at halatang galit si Andrea kay Jowen.

"Hindi nga ata lilipat yan"-bulong na sagot ko rin naman.

"Wala si Art?"-tanong ni Jason at hinanap si Art.

"Wala"-sagot ko naman.

"Oi Jason tumangkad ka ah!"-sabi naman ni Andrea at nilapitan si Jason sabay sinukat ang height nila.

"Oo nga boi! Tumangkad ka ah!"-sabi rin naman ni Jowen.

"Bes tayo ka nga,tabi ka dun kay Jason tingnan natin kung sinong mas matangkad"-sabi ni Andrea saakin at pinatabi ako kay Jason.

"Shocks boi! Ang liit mo na"-sigaw saakin ni Jowen.

"HAHHA ang liit mo na! HAHAH"-sabi naman ni Andrea kaya napa ngiwi naman ako at padabog na umupo.

"Dito nga ako sa tabi ni Ariel"-sabi ni Jowen at ngumit ng para ba'ng may binabalak. Alam ko na toh! May balak nanaman sila basta ngumiti yan ng ganyan.

"Wag ka boi! Dyan ako eh!"-sabi naman ni Jason at ngumiti rin ng para ba'ng may binabalak.

Tumabi naman saakin ng konti si Jowen samantalang todo ipod din naman si Jason. Habang nag kwekwentuhan sila ay nag cecellphone naman kami ni Andrea. Kasama rin kasi kami dun sa usapan kaya syempre nakikinig kami sa buong usapan nila.

"Ariel!"-tawag saakin ni Jowen habang nag tatawanan sila.

"Noh?"-tanong ko at itinuon ang tingin sakanya.

"Alam mo kung bakit tumangkad ya'ng si Jason?"-tanong saakin ni Jowen habang sila naman ay hindi tumitigil sa kakatawa.

"Bakit?"-tanong ko naman at itinuon naman ang tingin sa cellphone pero ibinalik rin naman ito kay Jowen.

"Ay syempre! Nag aano ako buong summer eh!"- natawang sabi ni Jason at natawa na lang din bigla ako. WAHAHAHA hindi naman ako ganun kainosente kaya alam ko yang mga ganyang usapan. Napatingin naman ako kay Bianca na ngayon ay pekeng tumatawa sabay tumigil at tumingin saakin. Masyado kasing inosente to'ng kebegen ko.

"Nakakapagpa tangkad ba yun?"-tanong ko naman. WAhahaha at sabi ko nga hindi ako inosente kaya bastos rin ako ng konti. Medyo na curious rin kasi ako eh.

"Oo naman!"-natawang sagot nila kaya napatawa na lang rin ako. Ilang minuto uli ang lumipas at nag tawanan lang kami ng tawanan dahil sa mga sinasabi nila.

"Asan kaya sila Art?"-tanong ni Andrea saakin. Ang alam ko may crush din si Andrea kay Art kaya ganyan sya.

"Baka lumipat na"-sagot ko naman at medyo malungkot din.

"Ala! Baka naman late"-sabi naman nya habang nag iiscroll lang sa fb.

"Pero paano nga kaya kapag wala yung dalawang Salvador?"-sabi ko at itinago ang phone ko. May kakambal kasi si Art.... Si Kiel. Halos mag kamukha sila pero ang pinag kaiba ay si Kiel eh minsan mabait, at mas may focus si Kiel sa pagaaral. Si Art naman hindi ganun katalino.

"Paano nga ba? Siguro ang boring na noh?"-sagot naman nya at itinago na rin ang phone nya. This time kasi naiisip ko na talaga kung anong pwedeng mangyari kapag wala sila... Siguro napaka boring na talaga.

"Bakit kaya wala sila Art at Kiel sa listahan?"-tanong ko sakanila.

"Baka hindi na dito papasok"-sagot ni Darylle.

"Aayyyiieee hinahanap si Art"-pangaasar naman ni Jem kaya napairap na lang ako.

"Masama na ba'ng mag tanong ngayon?"-sarcastic na sabi ko at lumabas na lang ng Room.

"Andyan si Kiel!!!"-sigaw ni Anna na sakto namang kasabay ko sa pag bubukas ng pinto. Tiningnan ko naman si Kiel na nandun sa may Waiting Area sa baba ng Building. Nasa second floor lang naman kami kaya kita yung mga nasa baba.

Andun nga si Kiel at mukhang nag fifill up ng form. Pumasok naman ako para puntahan si Andrea sa loob at sabihing andyan si Kiel.

"Bebe! Andyan nga si Kiel!"-bulong ko sakanya kaya agad naman syang napatayo at lumabas kasama ko. Nakita naman nya si Kiel at sinubukang sigawan ito pero masyado syang malayo para marinig ni Kiel ang sigaw nya.

"Pero bebe wala naman si Art?"-malungkot na sabi nito habang ako naman ay nakangiting nabigyan ng pagasa. Wala na akong magagawa,ito na yung nararamdaman ko eh.

"Ano ka ba bebe! Nandito si Kiel diba? Malamang si Art din dito papasok! Nakita ko nga yung Ate nila kanina eh! So dito silang lahat!"-masayang sabi ko sakanya kaya ngumit naman ito ng parang nabigyan din ng pagasa.

After naman nun ay pumasok na kami sa Classroom at hindi na pinansin ang pag dating at pag pasok ni Kiel sa Classroom. Tinanong lang namin sya kung bakit wala si Art at sabi naman nyang tinatamad daw pumasok. Wala din! Medyo boring ang firstday ng dahil sa wala si Art pero ok naman dahil ang kulit ni Jason at ni Jowen pati na rin si Andrea.

The Story of My LifeWhere stories live. Discover now