Chapter 8

5 1 0
                                    

Ariel's POV

Patapos na ang klase pero hindi parin ako nakikipag palit ng seat kay Art. Kaya ayan! Hanggang ngayon ay pinipilit parin akong makipag palit. Hindi ata maintindihan yung word na "Mamaya".

"Bilis na! Palit na tayo"-pangungulit pa nito kaya hindi ko na lang sya pinapansin.

"Ms. Delos Santos,Mr. Garcia anong kaguluhan toh?"-napa tingin naman kaming dalawa sa Teacher namin na ngayon ay tumigil na sa pag tuturo.

"Pinipilit po kasi ni Art si Ariel na makipag palit sakanya ng seat"-sabat naman ni Jowen kaya napa tahimik na lang ako. Napa sama naman ng tingin si Art kay Jowen.

"Ang epal ko ga!"-bulong nito kay Jowen kaya natawa naman si Jowen. Napa tingin si Jowen saakin sabay akmang makikipag apir pero hindi ko sya pinansin kaya napa ngiwi naman sya.

"Palit na kasi!"-inis na bulong nanaman ni Art.

"Hoy Art,kung gusto mo'ng mapagalitan ikaw na lang! Tumahimik ka nga!"- inis na bulong ko kay Art kaya napa tigil naman sya.

"Makipag palit ka na kasi!"-bulong naman ni Mark kaya napa irap na lang ako.

"Wag nga kasi kayong magulo!"-inis na sabi ko pa.

"Pilitin mo nga yan"-utos ni Art kay Mark kaya napa sama naman ng tingin saakin si Mark.

"Mrs. Delos Santos! Labas!"-nabigla naman ako ng sumigaw ang Teacher namin. Wala na akong nagawa kundi ang tumayo at lumabas.

Bwisit! Kung may magagawa lang sana ako! Bakit ako lang pinalabas?! Hah! Ang daya naman! Kung pwede ko lang sana isigaw ang mga nararamdaman ko malamang nagawa ko na!

Bigla naman lumabas ang Teacher namin kasama si Art.

"Pasok na"-sabi nito kaya sumunod naman agad ako. Naka tungo akong pumasok sa loob pero ang pinag tataka ko eh bakit nasa labas si Art at si Mrs. Reyes.

"Bakit sila nasa labas?"-tanong ko sa dalawa ko'ng katabi.

"Pinag tanggol kasi kita... Alam mo na..."- pag mamayabang naman ni Jowen kaya wala na akong nagawa at naniwala na lang.

"Maniwala ka dyan kay Jowen"- natatawang sabi ni Mark.

Natapos na ang klase namin kay Mrs. Reyes kaya pumasok na si Art. Pumasok naman ito ng naka tingin saakin ng masama. Napa iwas naman agad ako ng tingin.

"Bes tara sa Canteen"-aya ko kay Andrea kaya agad naman syang tumayo at dun naman ako dumaan sa kabilang side, baka kasi maka salubong ko si Art eh... Nag uusok pa naman ata ang ilong dahil sa galit.

"Bakit kasi hindi ka nakipag palit kay Art!"-inis na sabi ni Andrea kaya napa tingin naman ako sakanya.

"Ano ka ba! Edi lalo akong napa galitan ni Mrs. Reyes"-sagot ko naman.

"Hayst, pag bigyan mo na kasi"-sabi pa nito kaya napa irap naman ako.

"Bakit hindi na lang kaya ikaw ang makipag palit? Tutal ikaw itong pilit ng pilit"-sabi ko naman kaya napa poker face naman sya.

"Alam mo naman na ayaw nyang tumabi kay Jowen diba? Kay Jason at kay Mark pati kay Ry lang sya sumasama"-sagot naman nya. Sa bagal,may point sya. Hindi ko alam kung may galit ba si Art kay Jowen pero hindi ko pa sila nakikitang mag bonding.

"Hayaan mo na nga yun!"-sabi ko na lang at kumuha ng pag kain. After naman naming bumili ng pag kain ay agad kaming pumunta sa Classroom. Pag dating naman namin sa Room ay agad ko'ng nakita ang kumakain na si Art pero naka upo na sya sa upuan ko.

Nakita ko rin na yung bag ko ay nasa baba na ng upuan ni Art. Hindi ko naman sya pinansin at pina bayaan na lang sya.

"Ala? Ang daya! Bakit ka nakipag palit?" - biglang sabi ni Jowen kaya napa tingin naman ako sakanya.

"Nakita ko lang yung bag ko dito"-simpleng sagot ko na lang. Inipod naman ni Jowen ang upuan nya malapit saakin... I know ginagawa nya toh kasi wala syang mapag tripan... Pero hindi na tumatalab ang mga ganyan saakin.

Sinulyapan ko naman si Art na ngayon ay nakikipag usap lang kay Mark. Hayst... Wag ka'ng mag assume Ariel! Gusto nyang makipag palit sayo ng seat dahil sa kaibigan mo! Hindi para kulitin ka!

Assuming ka'ng babae ka! Tumayo naman si Jowen at pumunta kay kila Jason. Umupo naman si Andrea sa upuan ni Jowen.

"Balik ka na dun!"-sabi ni Andrea.

"Paalisin mo si Art dun oh!"-sagot ko naman kaya napa tayo naman sya at pumunta sa tapat ni Art.

"Hoy Art! Umalis ka nga dyan!"-sigaw ni Andrea kay Art pero agad rin namang tumakbo papunta saakin sabay tawa na para ba'ng nahihiya sa ginawa nyo.

"Hoy babae! Samahan mo nga akong C.R!"-sabi ko naman sakanya kaya sumunod naman sya saakin papunta sa C.R.

"Oh? Ano gagawin mo dito? Mag cc.r ka ba?"-tanong ni Andrea saakin pero umiling ako.

"Hindi"-sagot ko habang naka tingin sakanya.

"Eh ano gagawin natin dito? Tara na!"-aya nito.

"Wait! May itatanong lang ako sayo"-sabi ko kaya tumigil naman sya at umupo sa dry part ng lababo.

"Oh? Ano na?"-pag mamadali nito.

"Wait lang kasi! Hindi mo maiintindihan ng maayos ang sasabihin ko kung mag mamadali ka"-sabi ko na at pinipigilan sya sa pag alis.

"Mamaya mo na kasi yan sabihin!"-inis na sabi nito habang nag pupumiglas sa hawak ko sakanya.

"Ala! Para simpleng tanong lang hindi mo pa ako pag bigyan"-nag papa awa ko'ng sabi

"Simple lang naman pala eh! Mamaya na!
" -sabi pa nito at muling pumiglas.

"Ala! Importante pala toh!"-pamimilit ko pa kaya tumigil naman sya.

"Mamaya na!"-sabi pa nito at ng maubos na nga ang pasensya ko... Binitawan ko na sya kaya muntik na syang mapa upo.

"Bahala ka nga dyan!"-inis na sabi ko at akmang aalis na pero buti na lang pinigilan nya ako!

"Joke lang! Sige na! Sabihin mo na!"-sabi na nito kaya napa ngiti na lang ako.

"Crush mo ba si Art?"-tanong ko na ikina laki naman ng mga mata nya.

" Hah?"-sabi lang nito na para ba'ng na shock....

"Crush mo ba si Art?"-muling tanong ko pero hindi parin sya sumagot.

"Sagot?"-pamimilit ko sakanya.

"•••"

The Story of My LifeWhere stories live. Discover now