SP1

171 1 0
                                    

Storya ng isang taong nagmahal nasaktan nagmahal at .....

Nagmahal nasaktan pero bumangon
Nagtayo nang napaka taas na pader upang walang
Kahit na sinong maka pasok
Nag tataka ba kayo kung bakit ang titolo ng tulang ito ay ang kasunod ng nagmahal at nasaktan ay nagmahal at ...

Magkukwentuhan tayo gamit Ang mga mumunting numero
Isa, Dalawa, Tatlo,
Tatlong buwan
Tatlong buwan mo Kong kinakausap
Araw mn o Gabi walang palya
Laging tawanan lambingan, jamingan, charcharan hanggang nauwi sa ligawn at hindi ko namalayan ang pader na ginawa ko na kasing taas ng pride ko ay gumuho na pala

Mahal na yata kita sabi mo pa
Akoy kilig na kilig naman at nag simulang umasa

Apat, Lima, Anim
Anim na beses mo na akong natanong
May pag-asa ba talaga? Magiging tayo pa ba?
Sadyang ngiti lang naman Ang nasasagot ko sayo
Ngiti lang. Ngiti lamang dahil nag hihintay lang ako
Naghihintay ng tamang tyempo upang masabi ang matamis na Oo-ng hinihintay mo

Pito, Walo, Siyam
Siyam na beses kong pinag isipan
Kung ano ang susunod na hakbang
Pinlano lahat ng salitang nilalaman ng dayalogong na-is na sabihin upang Ang damdamin kong nagliliyab ay maiparamdam sa iyong damdaming unti-unting nagiging yelo
Hindi ako magaling sa ganyang ligawan kaya nga akoy laging naiiwan at nasasaktan, sa madaling satila lagi akong talunan

Sampu.
Sampung araw na
Sampung araw Simula nung nalaman Kong sinagot ka na pala
Sinagot nung ISA PANG DALAGANG NILILIGAWAN MO
Hindi mo manlang narinig ang aking oo o maging Ang dayalogong hinanda para sayo

Ang nasa utak ko lng ay ang katagang "wala na finish na"
Akala ko lumakas na yung guardian angel ko sa likod di padin pala pero advance akong mag isip
Dahil alam ko at
Naiintindihan kita kung bakit mas Pinili mo sya kesa sa tayong dalawa
Sino ba naman Ang mag tatagal sa akin?

Isang babaeng walang talento at utak lang na hindi naman kasing talino nang ina-akala mo
Isang babaeng puro libro at ibat-ibang social media ang laging inaatupag
Hindi kase ako katulad nang sa iba na lagi nalang masaya at walang ina-alala kaya wag kang mag alala naiintindihan kita. Naiintidihan kita pero kelan man di ko sinabing hindi ako nasaktan sa katotohanan hindi parin pala ako, may iba parin pala.

Tinanong ako nung tropa ko kung gaano kasakit ang ginawa mong pagiwan ng wala manlang paalam
Hindi Isa dalawa tatlo apat lima anim pito walo maging syam o sampu wala dahil

Labing Isa
Labing Isa ang numirong mabibigay kong impormasyon kung gaano ka sakit ang ginawa mo kase akala ko kapili-pili na ako hindi parin pala pero anong magagawa ko kung masaya ka na sa kanya? Kaya ang masasabi ko nalang talaga "wala na may iba na kaya dapat finish na"

Spoken Word Poetry (tagalog)Where stories live. Discover now