Nag simula sa hindi klarong koneksyon
Natapos sa walang malinaw na rason
Akoy umasa at patuloy na umaasa
Akoy naging tanga habang ikaw ay nagsasayaIsang araw, na tanggap ko na
Na wala na talaga ang nararamdaman mo
Nararamdaman mong pinanghahawakan ko noon na naging bato na pala Naging bato nang hindi ko namalayan kase may iba na pala talagaUnti-unting tinanggap kahit mahirap
Unti-unting nagsikap na maka wala sa hawlang pinasukan
Unti-unting hinahanap ang liwanag dahil nagsawa na sa madilim na kinalulugaranPero mahal, bakit?
Bakit ba nung ako ay nagsimulang sumaya
Bakit pinipigilan mo pa? Bakit sinira mo pa?
Mahal sana naman tama na.Pinakawalan kitang kahit isang salita ay wala
Dahil alam kong gusto mo sya
Sana ngayon hayaan mo na akong maging masaya
Dahil deserve ko naman din yun di ba?