SP3

57 0 0
                                    

Babalik ka pa ba?

Uy. Oo ikaw. Mahal, babalik ka pa ba?
Sagutin mo naman oh kase kay hirap isipin araw-araw
Oras-oras, minu-minuto kung pwede pa ba o kung ano na ba talaga

Mahal nalilito ako sayo. Nalilito ako dahil kahit lagi mong sinasabe na Hindi na ako pero bakit palagi ang mga galaw mo ay sumisigaw na palagi naman talagang ako

Mahal tama bang hintayin kita kahit alam kong magtatagal talaga kayong dalawa ? Tama ba na maging marupok parin ako sayo kahit may iba na?
Mahal saan na yung sinabi mong tayo lang at dapat at wala nang iba?
Mahal babalik ka pa ba?

Hanggang kelan ako magiging ganito? Laging naka abang sayo, mga kilos moy pinagmamasdan mahal, normal pa ba ito sa isang tao?

Mahal bumalik ka na, namimiss na ako ni tita
Mahal bumalik ka na, habang akoy nagpapakatanga pa
Mahal bumalik ka na, habang may babalikan ka pa
Mahal, babalik ka pa ba? Kase kung oo maghihintay ako
Mahal kung Hindi na sana tama naman na:)

Spoken Word Poetry (tagalog)Where stories live. Discover now