Tinigil na ni Pau ang makina ng sasakyan niya nang makarating na kami sa harap ng bahay ni Zel.
" Sama ka nalang kasi. "
" Babae kayong dalawa. Sige ka. Baka ma-rape ko kayo. "
I crossed my arms at hindi binuksan ang pinto ng sasakyan.
Tiningnan ako ni Pau
" Alis na! "
" Ayaw."
Sabi ko na naka-cross arms pa din.
Binusina niya ang sasakyan niya pero di parin ako bumaba.
" ayyyssssh. " Kinamot niya ulo niya at Nag-unfasten ng seatbelt.
" Tara. Samahan na kita."
Nagliwanag naman ang mukha ko at pulakpak. " Tara ! "
***
Kumatok kami sa pintuan ni Zel. Binuksan niya ito ng dahan-dahan hanggang sa nakita ko na ang pagmumukha ng babaeng nag-Tag sakin ng napaka-walangyang larawan.
" HEHEHEHEHEHE "
Sabi ni Zel na halatang alam niyang may kasalanan siya.
" Mukha mo. Papasukin mo kami. "
Sabi ko. Binuksan naman niya ang pinto at agad na niyakap ako.
" Sorry sorry !!!!!!! "
Niyakap ko din naman siya.
" Okay lang. Pero mag-explain ka muna. At pakainin mo ako, gutom na ako eh. "
Kumalas siya sa pagkakayakap at naging bitter ang mukha.
-.-
nakita siguro si Paulo sa likuran ko.
" Ba't siya andito? "
Bumulong siya sakin, na mejo malakas pa rin ang pagkakasabi.
" Gusto ka niyang makita. "
Bumulong din ako.
" Pero ayaw ko siyang makita. "
Bulong niya.
" Wag ka lang pahalata. "
Bulong ko.
" Wow. Ok. I'll pretend I didn't hear anything. And I'll pretend that you were whispering. "
Sabi ni Pau. Hinarap naman namin siya.
" We.were.whispering."
Lumaki ang mga mata niya.
" Di halata. "
Binalewala nalang namin siya at pumasok na kami. Sumunod naman siya. Umupo ako sa carpet nila at sumunod naman si Zel. Si Pau naman, nag-rubix cube sa sofa.
" Zel. Ba't mo naman kasi ako tinag nun? "
" Ok, Ash, hindi naman kasi ako ang nag-upload nun. "
Tiningnan ko lang sya nang maigi. Di naman marunong magsinungaling si Zel eh.
" Reasons. "
Tiningnan namin si Pau na nag-ru-rubix cube pa din. Nagpatuloy na uli kami sa paghichikahan.
" Si Jez kasi ang nag-upload nun."
Kumunot naman ang noo ko. "Sino si Jez?"
" Boyfriend ko."
" Yung pinalit niya sakin."
Tiningnan uli namin si Pau na sumasabat habang nagrurubix cube. At nagpatuloy na kami sa pag-uusap ulit.
" Ba't naman niya inupload?"
" Sabi niya nag-upload siya ng lahat ng pictures at yung may Tag your friends button dun, naclick lang niya agad. Kaya na-tag sayo. "
Magsasalita na sana ako nang naunahan ako ni Pau.
" Tss. So careless. "
Pumikit naman si Zel at nagmulat ulit with fierce eyes.
" Alam mo, sambatero ka! "
Tumigil sa pag-rurubix cube si Pau at tiningnan si Zel. Tinaas niya ang isang kilay niya. Tapos nag-rubix cube ulit.
Tinapunan ko lang siya ng unan at nagchika kami ulit ni Zel.
" Pero Zel, ano ba talaga ang ginawa ko nung gabing yun? Naaalala kong may kasayaw ako. Pero pano? Sino? Hindi ko na maalala ang ibang pangyayari. "
" Magkasama kayo ni Pau papunta sa HardCore. Yung Bar na pinuntahan natin. Nagkataong andun kami ni Jez. Lasing na lasing ka na. Halos di mo na nga ako kilala eh. "
" Tapos? "
" Tapos, sumayaw ka sa dance floor. "
" Tapos??!!! "
Tumingin siya sa taas na parang may inaalala.
" May nakasayaw ka eh. Hmm. Sino nga yun. "
Tiningnan ko siya nang mariin habang nakayuko na siya at nasa noo ang palad.
" Heartthrob siya eh. Agh. I forgot his name. "
" Describe him ! "
" He's a Korean. But he's been living here in the Philippines for nine years already. Gwapo. Palaging may suot na baseball cap. May black motorbike. Classmate ko siya sa Religious Studies eh. "
" OMG! So close kayo?!"
" Yun nga ang problema. Classnate ko siya sa isang subject na di naman niya pinapasukan. "
Magtatanong pa sana ako nang biglang sumabat si Pau.
" Brian? "
Lumaki bigla ang mata ni Zel. Tinuro niya ang mukha ni Pau at tumangu-tango.
" BRIAN KANG !!! "
Tumawa bigla si Pau.
" Tss. Si Brian lang pala. "
O.O
" Ba't mo kilala? " Tinanong ko siya.
" Highshool clasmate. "
O.O
Gumapang ako papunta sa sofa at naka-yoga sit habang nakaharap kay Paulo. Kinuha ko ang rubix cube mula sakanya para makapag-concentrate siya sa pagkukwento sakin.
" Sagutin mo lahat ng itatanong ko sayo. "
BINABASA MO ANG
Drunk in Love
Teen FictionThey said no one can ever forget a night that gave you so much to remember. But it's different from Ashley. She forgot everything about the night that gave a lot of changes in her life. She isn't the head-turner kind of girl. She wears sneakers, doe...