👑Chapter 3👑

4 0 0
                                    


#Ashanti

ALY's POV

Tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali ko iyon kinuha sa bag ko. Binuksan ko ang kwarto ko saka ibinato ang bag sa kama.

"Ate!!!??" tili ko.

"Ano ba?! My God Aly kailangan ba talagang sumigaw ka over the phone? Sakit sa tainga ha."

"Ate naman eh, super excited lang akong makausap ka. Namiss kaya kita." sabi ko sa kanya habang naghahalungkat ng damit sa closet ko.

"I know, but you don't have to shout. Namiss din naman kita. So, kumusta ka?" si ate.

"Okay naman. Ito kakauwi ko lang from school. Sina daddy at mommy ay okay naman. Ikaw naman te, kumusta ka naman po?"

"I'm doing fine. Busy pa ngayon dahil matatapos na school year eh. So, see you in a month maybe?"

"In a month? You mean, uuwi ka na ba? Are you sure? Kailangang malaman nila mommy at daddy to." mas excited pa ako sa kanya siyempre.

"Oo. At maybe ipapakilala ko na boyfriend ko kina daddy at mommy."

Naging masaya ako sa sinabing iyon ni ate. May boyfriend na si ate bago pa siya pumunta ng New York. Hindi pa talaga niya ipinapakilala sa amin yong boyfriend niyang iyon dahil hindi naman talaga sila, nung nandito pa siya sa Pilipinas. Naging seryoso na lang daw nung umalis na siya. Binanggit niya iyon sa parents namin pero saka na daw niya ipapakilala kapag umuwi na siya. At finally mukhang ipapakilala na nga niya formally. Almost two years din sila nun no.

"Dapat mo na talagang ipakilala ate, grabe ka naman kasi. Almost two years pero ni anino niya hindi namin kilala. Kahit nga pangalan ayaw mong sabihin."

"Oo na. Alam mo naman yung kuwento namin diba kaya hindi na rin ako nag-aksaya ng panahon para ipakilala pa siya nun. Malay ko bang totoo na pala nararamdaman namin. Take note, kung kelan paalis ako ng bansa diba." mahaba niyang paliwanag.

Si ate din naman kasi ang lakas ng trip. Nabanggit nga niya sa akin noon na kasunduan lang ang relasyon nila dati. Para lang naman pagselosin ang ex nung guy. Hanggang nadevelop na rin siguro sila sa isa't isa. Hindi na napigilan ang nararamdaman at nagkaaminan.

It was dinner. Nasabi ko na rin kina mommy at daddy ang pag-uwi ni Ate Ash. Pati na rin siyempre ang balak nitong pagpapakilala sa boyfriend niya. Tuwang tuwa naman silang dalawa dahil dito. Matutuwa din kaya sila kapag nagpakilala ako ng boyfriend sa kanila? Hmm.. Manliligaw nga wala ako boyfriend pa kaya. Napanguso lang tuloy ako sa sarili ko.

DRAKE's POV

Nasa veranda kami ni kuya, katatapos lang naming magdinner. As usual, pampaantok niya ang beer, ako, soda lang siyempre. Hindi pa daw kasi pwede sa alak. Masunurin naman ako kahit minsan pasaway ako.

"So how's your first day sa university?" napatingin pa kay kuya sa tanong niyang iyon.

"Tsk! Okay na sana pero may panira lang talaga ng unang araw ko. Pero makakabawi din ako." sagot ko naman sa kanya.

"Hey, hindi na pwede yung ugali mo nung high school ha. Umayos ka Drake. Masstrict na sa college, baka gusto mong mapauwi nang wala sa oras sila mommy."

Lagi iyon ang pinapaalala sa akin ni kuya. Wala naman akong magagawa kundi ang sumunod sa kanya. Dahil siya na ang tumayong magulang ko mula nang magmigrate sina mommy at daddy.

"Yun na nga ang nakakainis eh. I can't do what I want to do. Kaya hindi ako makakilos para makabawi, ang nakakainis pa talaga eh classmate ko siya." medyo naiinis na sabi ko sa kanya.

Imbes na magsalita ay tinawanan lang ako ni kuya. Napasama ako ng tingin sa kanya. Lalo pa siyang tumawa ng malakas. Nakakabanas talaga si kuya, kahit sa tawa lang niya napipikon ako sa kanya. Hindi na ako nagsalita kaya tumayo na ako.

"Wait lang. Uy Drake, matutulog ka na ba?" habol sa akin ni kuya.

"Masgugustuhin ko na lang matulog kaysa naman tawanan mo ako ng tawanan. Nagtatanong ka tapos tatawanan mo lang ako."

"Okay, sorry." pero natatawa pa rin siya. Hindi ko na lang siya pinansin kaya naglakad na ako palayo sa kanya.

Narinig ko pa ulit si kuya na tinawag ako pero hindi na ako lumingon sa kanya. Kainis talaga yun. Basag trip, kahit kailan talaga.

Magkaibang magkaiba kasi kami ni kuya. Sobrang bait niya at kalmado, palakaibigan at maawain. Mabait din naman ako ha, hindi lang halata. Ganun talaga pag gwapo. 😉


-to be continued.....

💞💞💞💞

I Fall in Love with My EnemyWhere stories live. Discover now