👑Chapter 4👑

3 0 0
                                    


#The_Deal

BRIX's POV

Maaga akong nagising kinabukasan dahil balak kong ipagluto si Drake ng almusal. Babawi lang naman ako dahil alam kong napikon yun sa akin kagabi. Nagpatulong na lang ako kay manang sa pagpreprepare ng mga kailangan ko.

Nang malapit na akong matapos ay biglang tumunog ang phone ko. Aba sino kaya ang napakaagang tumatawag sa akin? Pero naexcite ako nang makita ko ang nakaregister na pangalan dun.

"Hello babe, good morning." bati niya sa akin pagkasagot ko ng cellphone ko.

"Good evening to you babe. Kumusta ang buong araw mo?"

"Okay naman as usual. Maaga ka yata ngayon, usually ngayon ka palang magigising kung hindi pa ako tatawag sayo. Pero sa tono ng boses mo mukhang kanina ka pa gising." kilalang kilala niya talaga mood ko sa boses pa lang.

"Yes babe, nagluluto kasi ako."

"Wow. At sino naman ang pinagluluto mo? Hindi ba ako lang ang ipinagluluto mo?" napangiti ako nang maramdaman kong nagtatampo siya.

"Si Drake, medyo nagtampo yata siya kagabi kaya babawi lang ako sa kanya. Medyo badtrip kasi siya kahapon eh."

"Ganun ba. Anyway, I really miss you babe."

"I miss you more, babe. Kailan ka ba kasi uuwi, miss ko na yakap mo eh. Magdadalawang taon na tayo at magdadalawang taon na rin na magkalayo tayo."

"Nagkasama naman tayo bago pa ako umalis diba." sabi naman niya sa akin.

"Grabe, iba naman yung pinagsamahan nating yun eh. Noon kunwari lang ang lahat." sagot ko naman sa kanya.

"Okay. Okay, sooner or later babe magkakasama na tayo ulit. I love you so much."

"Uuwi ka na ba?" naexcite ako sa sinabi niyang iyon.

"Soon babe, soon. At kapag nangyari yun, I want you to meet my family."

"Really?! That would be great babe. Gustong gusto ko yan babe. Yan ang matagal ko ng hinihintay. Para maipakilala na rin kita sa family ko. Kahit nga sa kapatid ko hindi pa kita naipapakilala."

Almost two years na kami pero hindi pa namin nakikilala ang family ng isa't isa. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang magiging seryoso ang kung ano man ang mayroon kami noon. Isa lang naman kasi iyong kasunduan.

>FLASHBACK<

"Alam kong gustong gusto mong saktan si Carla. Dahil sa ginawa niya sayo." sabi ko sa kanya. Pumayag siyang makipagkita sa akin. Dahil sa isang katulad niya mahirap siyang iapproach sa totoo lang.

"Bakit mo alam?" taas kilay niyang tanong sa akin.

"Ex ko kasi siya." mahinahon kong sabi sa kanya. Tumatango lang naman siya. "At dahil ex ko siya at ayaw ko na sa kanya. At alam kong gusto mong gumanti sa kanya."

"Wait!" napatigil ako at napalaki ng mata nang bigla niya akong pinatigil sa pagsasalita. "Parang alam ko na kung anong gusto mong mangyari eh. You want to get rid of her by using me?"

Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi niyang iyon. Nakataas pa ang kilay nitong nakatingin sa akin. Para naman akong nasisilihan sa pwet dahil ewan ko sana lang pumayag siya.

"Are you willing?" tanging nasabi ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin. "I know this is a crazy idea."

"It is!"

"Kaya nga kita kinakausap ngayon." may diin na rin ang boses ko. "Gusto ko siyang mawala na sa buhay ko at gusto mong makaganti sa kanya. Ayaw kong makasakit to be honest pero ayaw ko na talaga sa kanya, may magagawa ba ako? Sa isang tulad ni Carla? Sobra niyang kulit, nakakarindi na yung paulit ulit eh. Lagi ko siyang pinagtatabuyan pero sadyang matigas ang ulo niya."

"Okay. Gusto mong magpanggap akong girlfriend mo just to get rid of her? Para tantanan ka na niya?"

"Yes."

Hindi siya sumagot pero tumayo lang siya at tumingin sa akin. Magwawalk out ba siya? Napakurap pa ako nang inilahad niya ang kamay niya sa akin.

"It's a deal then." inabot ko ang kamay niya bilang pagsang-ayon din.

>END OF FLASHBACK<

Doon na nga nagsimula ang lahat. Lagi kaming magkasama sa school noon. Pero sa labas ng school ay hindi kami nagkakasama. Pero hindi yun nagtagal dahil miminsan ay kumakain na kami sa labas. Naniwala si Carla at ang lahat na girlfriend ko na nga si Ashanti kaya unti unting lumayo si Carla sa akin.

Pero nagulat na lang ako sa sarili ko na habang tumatagal pala ay nahuhulog na ako sa kanya. Nang malaman kong ilang linggo na lang ay aalis na siya papuntang New York ay hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Umamin na ako sa kanya na minamahal ko na pala siya.

Nung una ay tumanggi siya sa akin. Pero hindi yun naging dahilan para sukuan ko siya. Sinuyo ko siya. Kahit gustuhin kong dumalaw sa kanila ay ayaw niya dahil aalis na nga siya at ayaw niyang madisappoint ang parents niya. Inintindi ko yun dahil pinapahalagahan ko siya. Hindi ako tumigil sa panunuyo sa kanya.

At nang aalis na nga siya ay sinagot na niya ako. Yun ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Kaya nangako ako sa kanya na hihintayin ko siya at magiging loyal ako sa kanya. Mahal na mahal namin ang isa't isa kahit sa isang kasunduan lang kami nagsimula.

Para akong naalimpungatan nang marinig ko ang kalansing ng mga kutsara at tinidor. Pati na rin ang mga tunog ng plato sa mesa ang siyang gumising sa pagdedaydream ko.

Napatingin ako sa paligid at naghahain na nga si manang sa mesa. Nakita ko naman si Drake na kumakain na rin.

"Bakit hindi ka sa dining kumain?" tanong ko kay Drake.

"Dito na. Busy kang nananaginip ng gising dyan eh. Salamat sa breakfast ha. But I have to go. Sarap nito." tumayo na siya at lumabas ng kusina. Loko yun ah.

Thank you for reading. 💞💞💞

I Fall in Love with My EnemyWhere stories live. Discover now