👑Chapter 2👑

8 0 1
                                    

#Kilig_Moments

ALY's POV

Lunch break na. Hay salamat naman. Dumiretso na kami ni Chloe sa building nina Lyka at Shane. Malapit lang kasi sa kanila ang cafeteria. Sabay sabay na kaming nagtungo roon. Nakakuha naman kami agad ng vacant na table.

Habang kumakain ay panay ang kuwento ni Lyka. Kahit kailan talaga ang kaibigan naming ito, sobrang kulit. Natatawa na lang din kaming tatlo sa kanya.

"Ang ingay naman!" narinig naming daing ng nasa kabilang table. Pero hindi na lang namin pinansin. Tuluy-tuloy naman si Lyka sa pagkukuwento niya, habang kami naman ay natatawa na lang.

"Grabe talaga, ang ingay!" sabi ulit sa kabilang table.

Sabay sabay kaming apat na napalingon sa kabilang table. Nainis naman ako nang makita ko kung sino ang mga nasa kabilang table. Hanggang dito ba naman.

"Napakaingay talaga." sabi ulit ng lalaking katabi ni mokong.

Nagulat na lang kami ng biglang tumayo si Lyka at namaywang pa. Napangisi lang ako dahil kilala ko siya. Tuluyan ng nainis.

"Ako ba pinaparinggan mo?" galit na tanong ni Lyka.

"Hala." tipid naman nitong sagot.

"Kanina ka pa eh." lalong nainis si Lyka.

"Bakit, ikaw lang ba ang maingay dito?"

"Baka naman kasi aminado siya Alex." sabat naman nung isa pa.

"Aba teka!" akmang lalapit sana si Lyka sa kabilang table nang hawakan ni Shane ang kamay nito. Napatingin naman ang isa.

"Tama na yan, Lyka. Take your seat and finish your food." may diin ang boses ni Shane.

"Nakakainis na kasi tong mga to eh." susugod sana ulit siya nang hatakin ni Shane ang kanyang kamay.

"Wag mo na lang kasing patulan. Hayaan mo na."

Wala ding nagawa si Lyka kundi ang sumunod sa kanyang pinsan. Napabuntung hininga na lang to at naupong muli. Narinig naman naming nagtawanan ang apat na lalaki sa kabilang table. Napatigil din naman sila nang tignan sila ng masama ni Shane. Tahimik at nerdy style si Shane pero mapapaso ka sa talim ng kanyang mga tingin kahit pa nakasalamin ito.

Nang mapansin ni Shane na nagulat niya ang mga ito ay nginitian niya ang mga ito ng ubod tamis. Natatawa na lang ako sa mga reaksyon ng mga mukha nila. Pero hindi ko na lang iyon pinahalata sa kanila. Nahuli ko namang nakatingin sa akin si mokong. Nagmake face na lang ako sa kanya. Alam kong nainis siya dahil nag-iba ang aura ng mukha niya. Halos mamula na nga ang mukha niya sa inis.

Natapos ang buong araw namin sa introduce yourself sa bawat subject. Actually puro pag-iintroduce lang sa mga prof at sa mga subject matters ang nangyari.

Nauna nang umuwi ang tatlo kong kaibigan dahil nasundo na kasi sila. Unlike me, naghihintay pa rin ng sundo. Naupo lang ako sa isa sa mga bench malapit sa parking area ng university. Nilabas ko ang paborito kong libro at nagsimulang magbasa kung saan ako natapos.

"Hi." bigla na lang ay may bumati sa akin.

"He-hello?" hindi ko masabi ng diretso ang salitang hello. Paano ba naman kasi, hindi ko inaasahan ang makikita ko.

"Ikaw yung kanina diba?" tanong niya sa akin. Ngumiti ito sa akin. Shocks naman eh, para na akong mahuhulog sa kinauupuan ko.

"Yes, ako nga."

"Well, naghihintay ka ba ng sundo mo?" usisa niya sa akin

"Oo eh. Wala pa kasi. Medyo naiinip na nga ako eh." sagot ko naman sa kanya. Nakakainip kanina pero ngayon hindi na.

"I hope you don't mind, may I join you? Hihintayin ko lang din mga kasama ko." tumango naman ako sa kanya. Kahit nga magtagal ka dito, okay lang no. "Anyway, I'm Brixton Ramirez. Pero Brix na lang."

"I'm Alyssa Villarin. Aly na lang din." napangiti naman ako. Now I know his name. Sa wakas. Ang pogi eh. Nakakaramdam ako ng kilig grabe. Panay na nga ang tingin ko sa kanya. And when he looks at me, para akong nakukuryente sa mga pangiti ngiti niya.

BRIX's POV

"Hi." bati ko sa dalagang nakaupo sa may bench. Nagbabasa lang naman ito ng libro, iistorbohin ko na rin.

"He-hello?" nauutal pa nitong sagot sa akin nang maingat niya ang kanyang ulo at napansin ako. Nginitian ko naman siya at gumanti ito ng pagngiti.

"Ikaw yung kanina diba?" usisa ko sa kanya. Siya lang naman yung babaeng namumulot ng mga gamit kaninang umaga.

"Yes, ako nga."

"Well, naghihintay ka ba ng sundo mo?" usisa ko ulit sa kanya.

"Oo eh. Wala pa kasi. Medyo naiinip na nga ako eh." sagot nito sa akin.

"I hope you don't mind, may I join you? Hihintayin ko lang din mga kasama ko." tumango naman siya sa akin at nakangiti. Ganda ng mga mata niya. Looks familiar. "Anyway, I'm Brixton Ramirez. Pero Brix na lang."

"I'm Alyssa Villarin. Aly na lang din." and we shake hands. Nakangiti lang siya ng matamis sa akin. Cute naman ng batang to.

Tinuloy lang niya ang pagbabasa niya ng kanyang books. Nilabas ko naman ang headphone ko at nagsounds na lang din. Habang naghihintay ay nahuhuli ko siyang napapatingin sa akin. Ewan ko pero cute talaga nito. Panay lang din naman ang ngiti niya kapag napapatingin siya sa akin. Siguro napopogian na siya sa akin. Hahaha. Yabang ko naman masyado.

Maya maya pa ay dumating na ang tropa kaya nagpaalam na rin ako sa kanya. Kawawa naman at maiiwan na siyang mag-isa. Pero hindi pa ako nakakalayo ay nakita kong dumating na rin ang sundo niya.

-to be continued.....

I Fall in Love with My EnemyWhere stories live. Discover now