Kabanata 01

329 4 0
                                    

Kabanata 01

After 2 years

September 18 2015

Kaarawan ko pero parang hindi espesyal saken. Dalawang taong hindi espesyal ang birthday ko nung mawala si kuya samen.

Kamusta na kaya siya?

Siguro masasarap na ang kinakain nun! Hmm atska kung saan-saan na ata nakaka pasyal yun!

Bumaba ako sa hagdanan at pumunta sa lamesa para kumain ng umagahan.

"O anak may pasok ka kailangan mong kumain ng agahan" sabi ni mama habang nag hahanda ng kakainin namen.

Habang si tito anton ay nasa harapan ko at naka dekwatro pa ang pwesto. Bigla akong nawalan ng gana pero dahil pinaghirapan ni mama ito kailangan kong kumain.

"Mamaya pala mag aaply ako ng trabaho judy" sabi ni tito anton habang kumakain

"Oh mas nakakabuti yon para pandagdag sa gastusin dito sa bahay" sabi ni mama ay tuluyan na akong naligo at nagayos

Mabilis akong nagbihis at nagsuklay para maaga den akong makapasok, ayokong makita si tito anton naiinis ako.

Ngayung 11 years old nako. Kailangan kong magpakasaya kaya kailangan masaya akong pumasok ngayon.

^__^

"Ma. Alis napo ako!" Sigaw ko kay mama habang naghuhugas ng pinggan

"Sige anak ingat!"

Lumabas ako at sumalubong saken si zeied ang kaibigan ko.

"Oh? Ganda ng gising ng kaibigan ko ah!" Sabi niya at ngumti naman ako ng bahagya.

"Siyempre birthday ko ngayon!" Halatang nagulat siya kaya hinawakan niya ko sa magkabilang braso ko.

"HAPPY BIRTHDAY!!!" Sigaw niya at ang ibang bata naman na naglalaro sa kalsada ay napatingin samen

Napatawa naman ako. Dahil mas masaya pa siya kaysa saken.

"Oh bat ka tumatawa ang corny koba masyado?" Tanong niya

"Huy hindi kaya! Pero salamat ah tara na! Malalate pa tayo loko to!" Pagbibiro ko at tuluyan ng naglakad.

Habang naglalakad kame sa hallway ng school namen hindi ko maiwasan masaktan dahil may nakabangga ko hindi ko siya kilala.

"Binabangga moko?!" Sigaw ng nakabangga ko.

"Hindi naman k—-" hindi kona naituloy yung sasabihin ko dahil tinulak na niya ako sa sahig

"Keilah!!!" Sigaw ni zeied

Hindi ko maiwasang umiyak dahil ang saket ng pagkatulak niya

"Hoy inaano niyo kaibigan ko!" Sigaw ni zeied habang nakaduro sa mga kumaaway saken.

Naupo na lamang ako sa sahig at umalis na ang mga umaway saken dahil sinigawan sila ni zeied

"Ano ayos kalang? Tara na baka mapagalitan pa tayo ni teacher" inalalayan niya akong tumayo at naglakad papunta sa classroom.

**

Hindi nagtagal at agad natapos ang klase at lumabas kame ng classroom kasama ang mga classmate namen.

"Oh? Bat parang ang lungkot mo?"tanong ni zeied at humarap saken.

"Kase nung nandito pa si kuya siya yung nagtatanggol saken pag may nangaaway saken"  sabi ko

"Hayaan mo ako magtatanggol sayo habang wala ang kuya mo!" Napangiti ako sakanya dahil natutuwa ako na mayroon akong ganitong kaibigan.

Tuluyan na kameng umuwi at nagpaalam sa isat-isa

"Bukas ulet keilah ah! Babye!" At tinaas pa niya ang kamay niya at kumaway saken

"Byeee zeied!" Sigaw ko at dumeretso sa bahay.

May naka park na kotse sa harapan ng bahay namen kaya agad ko itong tinignan

"Kanino kaya to?" Sabi ko na lamang sa sarili ko at pumasok na ng bahay.

Napahinto ako dahil may nagsisigawan sa loob ng bahay namen.

Kinabahan ako dahil pamilyar na boses ang naririnig ko.

Pinakinggan ko muna ang mga sinasabi nila habang nakatakip pa ang bibig ko.

"Kukunin kona ang anak ko dahil hindi na matino ang ginagawa mo sakanya!"

"Anuba ernesto!!! Mabuti ang anak mo dito kaya dapat nasaken siya!"

"Hindi na! Pinaampon muna ang unang anak naten pero ngayung bunso na lang naten ang natitira hindi kona siya hahayaang mawala saken!"

Si daddy.

Si daddy ang naririnig ko ngayon!

Agad akong pumasok ng pintuan at nagulat ako ng si daddy nga ang makita ko.

"Daddyyyyyyyy!!!!!" Sigaw ko at tuluyan ng bumuhos ang luha ko

THANK YOU!!!

Follow my all social media accounts!

TWITTER: @ivan_zaraga
FACEBOOK: Gerald Ivan Zaraga

WEBSITES:

Instagram: @iamgeraldivan
Pinterest: @Geraldivanzaraga

Your the Cause of my Euphoria  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon