Kabanata 06 •first day of school•

174 3 1
                                    

Kabanata 06

Alexis POV

"Sino bayang mga yan?" Tanong ni katelyn habang nakatingin siya sa apat na lalakeng yon.

"Sila lang naman ang pinakasikat dito sa campus" sabi niya at muli siyang humigop ng frappe.

"Muka naman silang sikat dahil ang daming babaeng naghahabol sakanila." Sabi ko atska humigop ng frappe na hawak ko.

"Si clarkson zake reyes ang pinaka bad boy jan dahil wala siyang pake kung anung anu man ang mangyari sayo atska siya den ang kumbaga leader sa grupo nila." Explain niya at tumango tango naman ako sa sinasabi niya at agad naman akong napaisip, uso din pala talaga ang bully dito eh no.

Paglabas namin ang cafeteria ay tuloy padin ang pag habol ng mga babae sa apat na lalaking yan. At tuluyan na lamang kaming  umakyat ng classroom.

"Ui margaux kanina pa kita hinahanap wala tuloy ako kasabay mag recess." Sabi nung baklang kumausap kay margaux at lumingon siya samin.

"Oh hello bagong student?" Sabi niya at tumango naman siya at nagsalita naman si margaux

"Siya si katelyn and alexis!" Pagpapakilala niya sa kaibigan niya ay ngumiti naman siya.

"Bongga ng mga pangalan niyo ah osya maupo na tayo parating na ang lecturer natin." Sabi ng baklang to atska naman kami umupo.

Dumating na nga ang prof namin, nag orientation lang naman kami atska nag lista ng mga dadalhin namin next week talagang malaki ang gagastusin ko kaya hindi ko alam kung makakatagal pako dito sa clydon.

"Okey, class dismissed" hudyat ng teacher namin kaya naman nagsitayuan na kami at naghanda na sa pag-uwe.

"Hindi pala ko nagpakilala ako sainyo kanina" salubong ng baklanh kaibigan ni margaux. "I'm june sa umaga, junebells sa gabi HAHA corny no?" Saka naman kami natawa ng bahagya sa sinabi niya.

"Osya tara na sabay na kayo samin lumabas ng campus?" Bungad ni margaux samin at tumango
Naman kami.

"Kyahhhhhh!!!!! Anjan na sila!"

"OMG please notice me clarkson!"

"Ang gwapo talaga ni drake!"

"Khalebbbb KYAHHHHH!!"

Yan lang naman ang mga tili ng mga babae dito sa field, nakita naman namin yung apat na papalapit samin! Oo makakasalubong namin sila!

Mas lalo kong nakita yung muka ni clarkson, talagang hahabulin siya ngmga babae dahil sa tindig niya atska sa itsura niya, at kahit sinong babae ay gugustuhin siya!.

Parang bumagal ang paligid nung nagsalubong ang mga mata namin.

Nanatili akong nakatayo at nakasunod ang mata papasalubong samin.

Nakatuon ako sakanya ng biglang!

OUCHHHHH!!!!~~~

Binangga niya ko! At yung cellphone kong nasa kamay ko kanina ay bumagsak!

"Shit wait lang yung cellphone ko!" Sabi ko sa mga humahabol
Na babae sakanila dahil nasisipa nila yung phone ko!

"Clark KYAHHHHH!!"

"Omgggg! Wait lang CLARKKKK!"

Sigaw padin sila ng sigaw at nanlumo ako ng makitang may umapak ng cellphone ko.

Tangina.

Tumakbo ako kung nasan ang cellphone ko hinawakan ko ito at nakitang basag na ang screen nito!

Your the Cause of my Euphoria  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon