Pinapangarap 1

40 1 0
                                    

"RESTY!! ! ANO BA UNANG ARAW

NG ISKWELA LATE KA!! LUMBAS KA NA NGA DYAN! NATATAE AKO!!"

o diba? Agang mag bunganga ni inay? Pero kahit ganyan yan love na love ko yan.

"Teka lang naman inay, one moment! I'll be outside overthere in 5minutes!"

"WAG MO AKO MA ONE MOMENT ONE MOMENT DYAN! ANYMOMENT LALABAS NA TONG KAMUKHA MO!"

O MY!! buntis ba si inay?! tse makalabas na nga! Nagpapa-pogi pa ako dito eh! Dapat pag nakita ako ni Veronica eh poging pogi ako para malaman niyang ako talaga ang prince charming niya.

Bumuga ako ng hangin mula sa aking hininga. "Uy fresh breath! Check!" Bigla kong napansin na nalanta ang plastic na bulaklak na display sa aming C.R. oa naman itong mga to. Feeling fresh! Tumingin ako sa salamin at kinindatan ito. "Pogi points che.." ayy nabasag yun salamin? Tsk sabi na nga't poging pogi ako eh. Pati salamin bumibigay! Veronica Carlos! Today is the day! I'm coming for the coming soon!!

"ANAK KA NAMAN NG TATAY MO! ANO BA!!! naka labas na yun kamukha mo!"

Binuksan ko na yun pintuan ng banyo at nakita kong nagkulay violet na yun mukha niya. Evil Minions na ba ang nanay ko??

"What's happening over here? Bakit nagkulay talong kayo inay?"

Tinulak ako ni inay palabas ng banyo at nagmadali siyang pumasok ng banyo. Nagtungo naman ako sa kusina't dumampot ng tinapay at humigop ng kape ..

"Inay aalis na ako! Iloveyou"

Pag labas ko ng bahay nakita kong palabas nadin ng bahay si wendy, ang best friend ko since birth. Nasa tyan palang kami ng aming mga ina ay naguuap na kaming dalawa. Magkatext at magkachat sa bookface ..

"Resty!" Kumaway siya sakin habang palapit sakin "anong baon mo?"

"Wala eh. Tinanghali ako ng gising."

"Ganun ba? Eto hotdog at itlog yan. Pinadagdagan ko kay inay ang baon ko para mabigyan kita" inabot niya sakin yun lunch box niya na may tatak na power puff girls.

"Salamat wendy ah! Eh nasan yung sayo?" Napansin ko kasing isa lang ang hawak niyang lunch box.

"Ah eh. Ano nasa bag ko." Sasagot pa sana ako ng bigla na akong hatakin ni wendy "ayun na yung jeep lika na!"

--

Nandito na kami sa TLSU (Twinkle Little Star University) parehas kami ni wendy ng course. Ofcourse ang course namin. De joke lang, BS-Psych. Kaya marunong akong mangbasa ng tao. Hahaha! Alam ko kung ano iniisip mo. Gusto mo malaman? Bakit ko sasabihin iniisip mo na nga iaasa mo pa saakin? Tamad mo forever (^-^)

"Hi Resty!" Saka niya hinaplos haplos ang likuran ko. O MY GUYABANO! kinikilabatutan ako.

[A/N : kinikilig + kinikilabutan]

* now you know! Resty's dictionary yan!

"H.. hi.. ve..veronica" nauutal kong banggit kay veronica. Ang ganda niya ngayon. Lalo siya gumamda ano kayang ginagamit niyang lotion? O kaya'y moisturizer. Ipapagamit ko din kay inay, para naman hindi na gawgaw ang ginagamit sa mukha.

"ang gwapo mo naman ngayon." Saka niya hinaplos ang mukha ko.

"Ikaw din. Mas lalo kang gumanda. Anong ginagamit.."

"Goodmorning class! Maupo na  kayo!"

Ano ba tong prof na to. Di ko tuloy natanong yun ginagamit ni veronica. Umupo nalang ako sa tabi ni wendy. Si veronica naman tumabi sa mga kaibigan niya.

habang nagdidiscuss ang prof namin, kay veronica lang ang atensyon ko. Ang ganda talaga niya, yung buhok niyang mahaba't malambot, yun kutis niyang malaporselana, yun mata niyang kumikinang sa ganda parang kanta 'shines bright like a diamond', yung ilong niyang pointed pwedeng gawin panulat! At yung labi niya! Oh yung labi niyang mapula,malambot kaya yun labi niya? Hmm ang sarap sigurong hali..

"Hoy resty" pabulong na sabi ni wendy at Siniko  ako sa tagiliran.

"Ayy masarap halikan!" WHAT! Ano ba yung nasabi ko. Ito kasing si wendy eh kung makasiko. Nagulat tuloy ako. Nakita kong nkatingin ang buong klase sakin. Yun mga kaklase kong bully nakanguso't nakapikit sa dereksyon ko. Sila veronica naman ngumingisi. Napatingin ako ky wendy at binigyan lang niya ako ng mukhakangstupidforever na tingin.

"Masarap halikan sino Mr. Dimagiba?" Sabi ng prof namin. Yumuko nalang ako sa kahihiyan. istufid istufid ka resty! You're so shyness to the community! Omygodzilla!! kakatingin ko kay veronica nagimagine na ako. ay sauce!!

*****

Hi! So kmusta ang chappie? Just so you know, Mali-mali talaga ang grammar ni resty :)

Please vote and comment :)

Any suggestions or opinions s story? Comment niyo para malaman ko :) Thankie!

Pinapangarap kitang MALDITA kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon