jokes#1

2.3K 65 12
                                    

SI BOBO, WALA AT SI UTAK BOW!

May tatlong magkakaibigan na pupunta sa mall. si Wala, si Utak, at si Bobo. Pagdating nila sa mall nawala si wala.

BOBO: Utak nasaan na si wala?

UTAK: Abay ewan ko!

BOBO: Hanapin natin

UTAK: Ikaw nalang lalabas muna ako para magpahangin.

(hinanap ni Bobo si Wala ngunit hindi nya makita)

May nakita siyang security guard at nagpatulong.

BOBO: Manong Guard tulungan niyo po ako nawawala ang kaibigan ko.

GUARD: Anong pangalan ng kaibigan mo?

BOBO: Wala po

GUARD: Ano?

BOBO: Ang pangalan nya po ay Wala.

GUARD: Pinaglalaruan mo ba ako? wala akong panahon para makipagbiruan sa mga bobo

BOBO: Magkapit bahay po ba tayo manong, bakit alam nyo po pangalan ko?

GUARD: Tumigil kana nga! Hindi kana nakakatuwa! nasaan ba ang utak mo.

BOBO: Huh? Si Utak po? nasa labas po nagpapahangin.

Follow $ votes hehe

PINOY JOKES HUGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon