jokes#23

385 14 0
                                    

Dahil first job interview to ni Jun pinaghandaan nya ng husto, nag research at nag aral sya sa mga posibleng itatanong sa job interview..
MAM: Next applicant Jun, merong 50 na kahon sa eroplano, kung nahulog ang 1, ilan ang natira?
JUN: Confident! alam ko yan Mam, madali lang yan eh di 49!
MAM: ngayon, sabihin mo sa akin ang 3 steps kung paano mo mailalagay ang elepante sa ref?
JUN: 1. Buksan ang ref.
2. Ilagay ang elepante.
3. Isara ang ref.
MAM: 4 steps naman kung paano mo mailalagay ang usa sa ref?
JUN: 1.Buksan ang ref.
2.Alisin ang elepante
3. Ilagay ang usa sa ref.
4. Isara ang ref.
MAM: Ngayon, Birthday ng leon, andun lahat ng hayop maliban sa isa, ano yon at bakit?
JUN: yung usa, dahil nasa loob siya ng ref.
MAM: Next question, paano makatawid ang matandang babae sa ilog na puno ng buwaya?
JUN: Tatawid lang sya kase wala naman yung mga buwaya, andun sila sa birthday ng leon.
MAM: Pero namatay parin yung matanda, sa anung dahilan?
JUN: Marahil, nalunod? (napangiti si MAM)
MAM: Mali! Tinamaan siya nung kahon na nahulog mula sa eroplano.. tsk tsk.. Maaari ka ng umalis... Next applicant please

PINOY JOKES HUGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon