Jen POV
Umaga na naman, kelangan ko nang mag-asikaso para sa trabaho ko. Nang matapos ko na gawin lahat ng gagawin ko, agad ako bumaba. Asan si Ley? naabutan ko lang sa kusina ay yung isang pinggan ng pancit at tatlong piraso ng tinapay na may palamang peanut butter.
"Mamaya ko na lang kakainin! sabay na lang kami ni Ley!" aalis na sana ako ng bahay ng biglang dumating si Ley.
"Oh Ley san ka galing?" Agad-agad syang pumunta sa kwarto para mag-palit ng damit. agad ko naman syang sinundan upang tanungin kung saan sya galing.
"Ah dyan lang sa kanto! Sige matutulog mo na ako, napagod ako sa kalalaro ng basketball eh!" hindi na naman sya pumasok sa trabaho nya hay! umiral na naman yung katamaran nya.
Habang natutulog sya pinag-mamasdan ko yung mukha nya. "Di ko alam kung bakit kita minahal! eh tingnan mo nga yang sarili mo, lagi kana lang umaasa sa magulang mo at sa trabaho ko! Di ka pa pumasok ngayon, sayang yung sweldo mo!" bulong ko. Bigla na lang pumasok sa isip ko "kung hindi lang kita mahal Ley, edi sana hindi na lang ako sumama sayo. Kung sumama siguro ako sa mga mayayaman kong manliligaw, edi sana hindi ako nag-hihirap ng ganito, eh wala eh umiral ang puso kesa sa utak! Hirap na hirap na ako Ley kung alam mo lang!"
Napag desisyunan ko muna na dumaretso muna kela Ann, kasamahan ko dati sa trabaho ko. Kung natapos ko lang sana yung pag-aaral ko sa college, edi maganda sana ang buhay ko ngayon. Di katulad ng trabaho ko ngayon! Pansamantagal lang.
"Tao po! Ann?" agad namang binuksan ni Ann yung pinto.
"Oh, ikaw pala Jen! naparito ka?" sasabihin ko ba sa kanya yung dahilan ko kung bakit ako pumunta dito?
"A-ano kasi, Ann pwede bang tumuloy mo na ako dito ng ilang araw!" Nahihiyang sabi ko.
"Sure! Maganda yan, may makakasama na ako dito sa apartment ko haha." masayang tugon ni Ann sa akin. kahit kelan talaga ang bait nito sa akin.
"Maraming salamat Ann! hayaan mo babawi ako sayo haha! Namiss kita!" tuwang tuwa kong sabi sa kanya. Salamat talaga.
"Sus, yun lang naman yun haha! matanong ko lang, bakit kaba umalis sa bahay nyo ni Ley?" bigla ko na naman naalala kong gaano ako nahihirapan.
"Nahihirapan na kasi ako eh! Ibang-iba na sa buhay ko dati, yung ngayon! Ang hirap." malungkot kong sagot sa kanya.
"Ikaw naman kasi eh! sabi ko sayo dati, pairalin mo yang utak mo! Hindi yang puso. kung sumama ka lang sa mayamang manliligaw mong si Richard edi sana hayahay ang buhay mo! eh pano ba naman, pinairal ang puso edi ayan, nag-hihirap ka! tingnan mo ako, utak pinairal ko kayo asenso ang buhay ko, kumbaga hayahay ang buhay hahaha." tama nga si Ann. kung utak lang sana yung pinairal ko edi sana hayahay ang buhay ko hay!
"Oo na! may makakain kaba dyaan? nagugutom na ako eh!"
"Oo meron! kuha kana lang dyan sa ref, punta lang akong taas ah maglilinis lang ako!"
"Sige! salamat ulit ah!"
"Your always welcome friend haha!"
Hmm merong gulay, prutas, gatas at kung ano-ano pa ang nasa ref, may umagaw naman ng atensyon ko. Yung pancit, naalala ko bigla si Ley! yung pag-hihirap nya na suyuin ako, umabot ng 1 years yung pang-liligaw nya sa akin. bilib nga ako sa kanya kasi nakapag tiyaga sya ng ganun katagal. yung sipag nya sa paghahanap ng trabaho para mag-karoon kami ng sariling tahanan, yung pangarap namin na magkaroon ng isang magandang pamilya. asan na yung pangarap na yun? mawawala na lang ba yung mga plano namin sa magiging future namin. Dahil lang sa nararamdaman kong pag-hihirap, naisip ko bigla na hindi lang naman ako yung nahihirapan, dahil alam kung mas nahihirapan sya sa akin.
"Kelangan ko nang bumalik sa bahay! mahal ko si Ley!" agad ko naman kinuha yung bag ko at lumabas na ng bahay nila Ann. hindi na ako nakapag-paalam dahil sa sobrang excited na makita si Ley.
Pagkauwi ko nakita ko si Ley na natutulog padin, sobrang napagod ata sya sa kalalaro. Maya-maya nagising sya bigla.
"Oh ikaw pala Jen? Bakit ganyan yung suot mo? May lakad kaba?" napangiti na lang ako bigla, mahal talaga kita Ley! naalala ko bigla yung pancit sa kusina, nagugutom na ako.
"Ley! halika na sa kusina, tara kainin natin yung pancit na dala mo!"
"Ha? hindi kapa kumain? Dapat nauna kana! kaw talaga!"
"Gusto ko kasi sabay tayong kumain haha! Ley, Mahal kita!" kahit ako natatawa sa banat na pinag-sasabi ko haha.
"Haha gutom na ang mahal ko! lika na nga kain na tayo, masarap yan! sabi ni bro Edwin haha!"
"I love you Ley!"
The End..