👻-03

1 1 0
                                    

"Do you think this is right?" Lucas asked me. We're hiding behind this smelly trash bin, we've been following James since the end of the class, and until we reach in his place. We were like a stalker in this situation. "Why would he chose to kill you? And what's your evidence, huh?" He asked me again. I rolled my eyes and stood up. Hindi naman ako makikita ni James, kaya no worries.

"Kasi kanina nung nasa classroom ako, napansin kong iba siya makatitig kay Amber pagkatapos kong marinig na pinag-uusapan nila ako." Paliwanag ko.

He looked at me like his jaw will gonna drop, "And then? That's it? Pano kung may gusto lang siya kay Amber? Remember, don't judge the book by its cover." He said sarcastically at napailing-iling. "Ngayon kailangan nating makaalis dito ng hindi niya malalaman." dagdag pa niya at seryosong nagmamatyag kay James.

"Wala namang masama na siya ang una nating imbestigahan hindi, ba?"

Tumango siya ng hindi nakatingin sa'kin,"Yeah, you're right. Kung sakali mang napatunayan nating hindi siya ang may gawa sayo, kailangan nating isunod ang iba pang malalapit sayo." Seryoso niyang sabi.

Tinignan ko siya na nako-curious na mukha, "Anong ibig mong sabihin? Isa sa mga taong malalapit sa'kin ang pumatay sa'kin??"

Tumingin siya sa'kin at tumango, "Posibleng ganun na nga, malaki ang posibilidad kong isa nga sa kanila ang may gawa nito sayo."

Napatitig ako ng ilang segundo sakanya, "Then, is there a possibility that you are the one who murdered me?" Tanong ko na siyang ikinasisi ko kaagad.

Biglang nagkasalubong ang mga kilay nito at tumingin sa akin ng masama, "What the hell are you saying? Pinagbibintangan mo ba ko?" He asked.

"Malay ko ba. You know that I hate you, and--" nabitin sa hangin ang sasabihin ko ng bigla niyang pinitik ang noo ko. Kahit na multo na ako, nasasaktan ako sa ginawa niya kaya napahaplos ako sa aking noo, "Aray! Di porket nakikita't nahahawakan mo ako, maari mo na akong saktan! Hmp!" Naka-pout kong sabi sakanya.

"Tanga! Wag ka ngang mag-pa-pout pout diyan, hilahin ko yang nguso mo eh, gusto mo? Tsaka wala akong intensyong patayin ka no! Matagal na tayong tapos, kaya malabo ng isa ako sa malalapit mong mga kaibigan." Paliwanag nito, at tila nang-aasar at nilabasan pa ako ng dila, nagmumukha siyan bata. Aba...

"Anong sinasabi mong matagal na tayong tapos?! Bakit? Naging tayo ba noon?!" Protesta ko.

"Ano ba, Sarah! Kung saan-saan nalang lumilipad yang utak mo! Porket ba 'tapos na tayo' naging tayo na noon? Di ba pwedeng, matagal ng 'Our Friendship Is Over?!'" Sabi nito na halatang naiinis na.

"Ooo naaa! Sorry! Let's go back to James! So , what's the plan?"

Magsasalita pa sana si Lucas ng may boses na nagsalita, "Luke? What are you doing on here? Why are you sitting beside that trash bin?! Tsaka.....si-sinong kausap mo?" tanong sakanya ni James without knowing that I'm here beside him.

Halos mapatalon sa gulat si Lucas, at bigla itong mapatayo at nagpagpag, "Uh..." tumingin sa gawi ko si Lucas at tinignan ako na 'patay-ka-sakin-mamaya look' ngayon ako naman ang naglabas ng dila at inaasar siya,
"Che! Matagal na akong patay!" Sabi ko naman, kaya mas lalo niya pa akong pinagbantaan.

Si James naman ay tila naghihintay ng sagot niya, "Uh?" Tanong nito.

"Uh... Ang totoo, kanina pa kita hinihintay dito..." palusot ni Lucas.

Dead and AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon