...extra...

598 7 9
                                    


Huhuhuhu T^T T^T antagal tagal na bago ko pa natapos toh nakapugupdate na ko sa isa kong story pero dito wla pa T^T so sadead!!! WAAAHHH!!! 

Hanggang ngayon na sa draft pa rin yung chapter 10. Wala pa kac ako maisip kung ano mangyayari eh.. so ayun kahit wala talaga sa plano ko toh maglalagay na lang ako ng extra!!! May isang certain someone kac dyan na hnd makapaghintaty sa chapter 10 -_- kaya eto muna!!

First extra ko toh .. kung ano lang matype ko yun na yun. Madalas kac sinusulat ko muna sa notebook bago ko i-type (skl) 

So eto na!!

~ ~ ~ ~ ~


Mike's POV

Waahhh!!! Bat naman kasi ganito eh!! wala ng matinong nangyayari saken!! Bat pa kasi nagkasabay sabay pasahan ng requirements ngayon!! Exam na sa Thursday tpos deadline bukas ng project sa Science! Tapos wala pa kong nasisimulan dun sa group project sa English sa Friday na yung deadline!! PUTANGINANG BUHAY TOH!!! AKALA KO BA MASAYA ANG HIGH SCHOOL LIFE??!!! BAT PARANG IMPYERNO TOH!!!!!!

"Huy Mike may comics ka na?" shet -_-* isa pa tong si Dominic tska lang ako maaalala kapag kailangan niya ko.

"Oo bakit ba?!" Tangina magpapagawa na naman siguro toh

"Pede pagawa ako?? Sige na please!! Babayaran kita promise!" 

"Gago ka! anong akala mo saken alalay mo?? Hoy hindi porket teacher  yung nanay mo  gagawin ko na yan!! Tangna mo kala mo ikaw lang tong naghihirap lahat tayo naghihirap dito kaya bahala ka dyan sa buhay mo!! Pakelam ko kung bumagsak ka! Di naman ako maapektuhan tangina mo!!!"

Pero syempre di ko sinabi un, I'm a good man with a virtue.. Noh daw??

"Sorry hindi ko yan kaya ngayon eh, Marami kasi akong ginagawa.. kay Jhoy na lang baka hindi siya busy" Tangina tropa mo naman yun di ba? Bat ka ba saken nagpapagawa? Friends tayo? Wag ka feeling close ulul!!

At ayun na nga ang loko sa wakas umalis na rin sa harapan ko. TANGINA NAGIINIT TALAGA ULO KO NGAYON!!! PASALAMAT SIYA MEDYO KALMADO PA KO NGAYON!!

"Mike!! Tara canteen tayo!" Ugghh shet naman.. wag ngayon Jake marami akong ginagawa!! Alam mo bang wala pa kong matinong tulog since last week pa?? T^T T^T I'm so tired kailangan ko magrecharge ng energy. Asan na ba si Jared?? T^T I need him. Kaso feeling ko busy din siya T^T T^T

"Ayan kasi, dapat kasi ginawa mo na yan habang maaga pa hindi yung nagkakandarapa ka ngayon." Sana kasi kung hindi saken pinagawa yung documentation tska sandamakmak na print edi sana marami na kong natapos ngayon puta kung magpaprint ka ba naman eh araw-araw. Tangna isa ka rin eh!!

"Oo na, kung hindi ba naman kasi dahil sa isa dyan..."

"May sinasabi ka?"

"Ala!!!"

Nasan ba kasi si Jared?? T^T

Ayoko na dito kailangan ko ng fresh air nakakastress na sa classroom na toh.

"Hoy san ka pupunta??"

"Kahit san, malayo sayo!!"

Takte di ko na matake yung ingay, ung init, tapos pagod.. Ayoko na sana kahit isang oras man lang sana may lumabas na portal dito papuntang ibang dimensyon kung saan mawawala stress ko.. kahit pansamantala lang....

Pero alam ko namang hindi mangyayari yun kaya pumunta na lang ako sa lumang library ng lumang school. Hindi naman bawal pumunta dun kaso walang masyadong pumunta kasi nakakatakot daw. 

Actually medyo nakakatakot nga siya kasi ang daming nakapaskil na picture ng mga santo tapos may mga rosary na hindi naman nagagamit. Sabi nila pangontra daw yun sa mga bad spirits na nakapalibot dito. 

Tingin ko hindi naman totoo yun kasi as far as I know... Kapag pumupunta ako dito kapag stress ako. I feel so relaxed and safe.. Lalo na kapag nandun ako sa favorite spot ko sa isang desk na malapit sa bintana na nakabukas. 

Dun sa pwestong yun mararamdaman mo talaga ang sarap ng simoy ng hangin, huni ng ibon, hindi mo maririnig ang kalsada.. kung saan tahimik at tanging kalikasan lang ang maririnig mo. 

Pero ngayon mukhang hindi muna kasi may gwapong lalaki na nakapwesto sa favorite spot ko. Sino pa ba? edi si Jared!! na nakaupo ngayon at tahimik na natutulog. Kaya pala hindi ko siya mahanap kanina pa.

Tumabi ako sa kanya at tiningnan lang siya. Then bigla akong napaisip 'how can he be so perfect?' I mean matalino siya, famous, mabait, good-looking, may kaya. Then all of a sudden he became my lover. Tapos ang akala ng lahat straight siya, edi kasalanan ko pa kapag nadisappoint sila na may jowa siyang lalaki??

Ugghh!! Why am I thinking this way?? Hayy siguro dala lang toh ng stress ko.. Kailangan ko na talagang magpahinga.

Dinama ko na lang ang hangin at ipinikit ang mata ko.

Jared's POV

Marami na naman kaming ginagawa ngayon as usual lagi naman. Ganito talaga kapag malapit na ang exam. Kasi naman nagpapaexam pa. Di ba nila alam na maraming puno ang pinuputol para makagawa ng papel dahil dyan sa bwiset na exam na yan? 

Anyways pagod na pagod na ako. Hindi ko rin naman malapitan si Mike kasi marami din naman siyang ginagawa tska iba kasi yung aura na nakapalibot sa kanya ngayon para bang anytime kakain na siya ng tao.

Kaya nagdesisyunan ako na pumunta na lang sa library para makapagpahinga ng maayos. Kailangan ko kasi talaga ng maaliwalas na hangin ngayon lalo na't sobrang init dito. Sa maikling oras nakatulog ako ng hindi namamalayan. At eto pagkagising ko na sa harapan ko na at tinitingnan matulog ang mahal ko.

Hindi ko rin alam kung bakit nagkagusto ako sa isang lalaki kac hindi naman talaga planado yun. Pero mahal ko sya eh so anong magagawa ko? Tiningnan ko sya at hinaplos ang mukha niyang napagkakinis. Mukhang nagising ko ata sya.

" Matulog ka muna, alam kong stress na stress ka na" dahil kita nmn sa mga mata niya ang pagod 

"Alam mo ba kanina pa kita hinahanap, kac kailangan kong magrecharge" 

"Gusto ko nga din magrelax kasama ka kaso sobrang busy ka kac kanina eh ang hirap mo maistorbo parang anytime kakain ka na ng tao HAHAHA"

"Sobrang nakakainis lang kasi kanina eh, ayoko ng bumalik dun"

"Ayoko din namang bumalik" 

Bigla na lang kami napatigil siguro dahil may dumaan na hangin? Or dahil kac naiisip ko na right time yun para magkiss kami. Kaya ayun na nga hinalikan namen ang isa't -isa at ang first move sa kanya. Pero syempre ako pa rin ang magiging top noh marami kaya akong gustong gawin sa kanya. (sama niya)

Wala na kong pakialam kung may makakita samen dito basta ayokong masira ang mood naming dalawa. Sana yun rin ang iniisip niya. Di katagalan hinabol namen ang hininga namen. Para kaming hinabol ng isang libong kabayo dahil sa sobrang hingal.

"Di naman siguro masama kung magcucutting tayo ngayon d ba?"

"Ngayon lang naman, ok lng yan" 

Niyakap namin ang isa't-isa at humiga, nagpahinga kami hangga't gusto namen kahit inabot na kami ng gabi. Kaya kinabukasan back to being busy na naman kami but this time hindi na kami stress tulad ng nangyari.

~~~~~~~


and sooooooo it's been a year HAPPY 2019 KAHIT LATEEEEE NAAAAA!!! hahhahahaha WHOOOOO busy na naman dahil sa SIP!!!! im very very sorry kahit cnabi ko na mttpos ko toh bago magpasukan pero mtatapos na ung pasukan d ko pa rin toh tapos HAHAHAHAHAHA!!! Anywayssss goodluck sa ating lahat dahil malapit na anf finalsss and bakasyon na after 2 months !!!!

MARAMING SALAMAT SA 1K READERS!!!!!!!!!!!!! FOLLOW NIYO NAMAN AKO MINSAN HAHAHHAHA


(san ko ba kac nakuha ung Jade? ugghhh may kakilala akong Jade cguro dahil dun? HAHAHA)

ITS COMPLICATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon