Complicated 9

538 9 13
                                    

Its been a week since nung nagkasakit ako and this past few days masyado namang naging clingy saken si Jake. Ewan ko ba dun parang linta kung makadikit saken. Pagtinatanong ko naman siya tungkol kay MM lagi niyang sinasabi na kasama niya daw yung new friend niya. Pero feeling ko talaga nag-away sila eh..... feeling lang naman...

Anyways hindi yun yung pinoproblema ko ngayon dahil si Jared ang problema ko. This time hindi na feeling toh.. kasi totoong iniiwasan niya ko! Why?! Hindi ko alam! Hindi ko alam kung bakit niya ko iniiwasan! gusto ko siyang tanungin pero lagi siyang umiiwas gusto ko siyang kausapin pero lagi siyang lumalayo! Ano bang problema niya ha?! Eh siya nga tong may kahalikang babae nung nakaraan eh! Ano ba kasing problema niya?!!!

"Huy, Mike! kanina pa ko kwento ng kwento dito di ka naman nakikinig" si Jake na nasa harapan ko ngayon at dinadaldal ako, breaktime kasi. Dapat nga mga gantong oras kasama niya na si MM eh.

"Nakikinig ako"

"Ang cold mo naman, bat ba ang init ng ulo mo? may dalaw ka ba ngayon?"

"Eh bat ka ba kasi nandito? di ba dapat kasama mo si MM ngayon? Akala ko ba may plano kang ligawan siya ha?! Tska kung mang-iinis ka lang naman dun ka na lang!"

"Aray, na hurt ako dun tol ah.. ako na bespren mo ipinamimigay mo na sa iba? Itinataboy mo na ko? T^T" 

"Bakit ganyan din naman ginawa mo saken nung kasama mo siya, iniwan mo lang ako dito... nag-iisa.. bawian lang yun"

"Sorry na kasi Mike, kaya nga nandito ako para bumawi eh."

"Haayyy.. bahala ka"

"Balik na ko sa upuan ko ah... mamaya na lang ulit"

Nagsimula na yung klase namen and for the whole class wala akong inisip kundi pano ako makakalapit kay Jared na hindi niya na ko matatakasan.

I really need to talk to him, pero pano ko magagawa yun kung hindi niya man lang ako pinapalapit sa kanya.

"Mike tara sabay na tayong umuwi"

"Hindi muna ko sasabay ngayon may pinapagawa pa kasi saken si Ms. Ciara" kahit wala nmn tlga 

"Edi.. hihintayin na lang kita dito" ba yan ang kulit naman nito

"Matagal yun.."

"Kaya ko namang maghintay eh." nauubusan na ko ng excuse ah ... tingin-tingin sa paligig... and.. BINGO!!

"MM!! MM!! Myra Mae!!" waahh! buti na lang napadaan siya dito hulog talaga siya ng langit!

"Uy Mike long time no see... tagal nating di nagkita ah"

"Ahh.. hehe.. oo nga eh .. oo nga pala .. pede sabay na lang kayo umuwi ni Jake? may gagawin pa kasi ako eh.. matatagalan pa ko."

"Uy, Myra andito ka pala.. bat ka nandito?.. namiss mo ba ko?~(^◇^)/" wow! ganda ng tanong na yun ah... may pa-akbay pa.. magaling din pala dumiskarte to eh

"Lol bat naman kita mamimiss?" ouch, haha sakit nun "Nandito lang ako kasi may ibabalik lang ako sayo".. may hiniram lang pala..

"Tama lang timing mo MM.. kasi walang kasabay umuwi to eh.. pag-usapan niyo na lang sa daan yung dapat niyong pag-usapan.. Gec babye!!"

At tuluyan na ngang nakalayo silang dalawa.. Eh pano ba naman habang nagsasalita ako dahan-dahan ko silang tinutulak palayo sa classroom yung dalawa tapos basta ko na lang sila iniwan sa pwesto nila.

Pero bahala na silang dalawa dun, ang mahalaga ngayon kailangan kong makausap si Jared kahit anong mangyari kailangan ko siyang makausap. FIGHTING!!

ITS COMPLICATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon