Complicated 1

2.2K 36 14
                                    

Ever since bata palang kami ni Myra at Jake lagi na kaming magkasama. Six yrs old palang kami nun nagkakilala kaming tatlo sa isang costume party. Kaibigan kasi ni mama sa trabaho yung nanay nung may birthday. Dun kaming tatlo nagkakilala pareho kasi kaming tatlo ng costume nakapangsuperman. Si Myra nga lang nag-iisang babaeng nakacostume sa superman dun eh. 

Pagkatapos nung costume party na yun may bagong lipat na kapitbahay samen .. yun si Jake. Di ko inexpect na magiging ganun, kapitbahay pa namin sila at yung nanay niya bestfriend pala ni mama nung high school pa sila, parehas din kami ng pinapasukan na school kaya naging close pa kami lalo ni Jake. 

Si Myra naman d ko rin inexpect na lilipat siya sa school namen ni Jake kaya ayun ang ending mula elementary hanggang ngayong high school naghahasik pa rin kami ng lagim. 

Pero syempre kaming tatlo ang masasabi mong mukhang masama pero may ibubuga naman pala. Kami kasi yung laging gumagawa ng kalokohan pero never nagpabaya sa studies namen. Akalain mo yun kaming tatlo yung laging nasa top. Top 2 ako c Jake 3, c Myra top 4.

Anyways di pa pala ko nagpapakilala sa inyo... Ako nga pala ang nag-iisang gwapo sa grupo namen ang nag-iisang Mike Lorence Valentin sa buhay nyo (' ◕◞౪◟-)-☆ and with my friends Jake Nick Cruz and Myra Mae Lanchez.


~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Sa tagal ng pinagsamahan naming tatlo may natatagong lihim na nagaganap. Hindi ko alam kung pano ko toh ipapaliwanag. Recently kac ang tingin ko kay Jake parang ang cute niya tapos kapag ngumigiti siya sobrang liwanag nakakasilaw. Di ko alam kung bakit nahihiya na ko sa tuwing nagkakatinginan kaming dalawa. Mali ito, at ayokong isipin na nababakla na ko. Hindi ko alam kung paano pero tingin ko in love na ko. Pero mali, lalaki siya , lalaki rin ako at higit pa don magkaibigan kaming dalawa. Hindi ko alam kung mananahimik na lang ako at itatago na lang ang nararamdaman ko. Nanghihinayang ako baka kasi pag inamin ko layuan niya ko.. pandirian and ang worst syempre ang masira ang matagal naming pagsasama bilang kaibigan. Hayy.. bakit siya pa kasi 


"Mike! Tol!!!" c Jake na pumasok sa loob ng kwarto ko

"Oh? bakit?" shete wag kang dumikit kekelegen ako

"Ang cold mo naman tol, wag na nga lang" sabay pout... pigil pigil lang Mike matitiis mo rin ang kacutan nya.

"Hindi na , ano ba kac un?"

"Ganto kac.... ano.....c(゚^ ゚ ;)...Ummm.." pasuspense pa ang loko

"Ano nga kac? sabihin mo na bagal naman eh"

"Balak ko kasing ligawan si Myra" (*〇□〇)......!

"Ano?!"

"Tol bingi lang? liligawan ko si Myra"

"Myra?"

"Tol ano ba nangyari sau ha? bingi ka na nga nagka amnesia pa may sakit ka ba? Syempre tol cno ba namang iba pang Myra na kilala mo huh?"

"Teka seryoso ka? liligawan mo yung tomboy na yun? Dati lang nagcostume pa siya ng superman ah"

"Tol di mo ba napapansin? Babae na sya! Maayos na buhok nya hindi na buhaghag Tol chicks na sya ngayon! hindi nya na sinusuot ung sumbrero nyang kupas tska malalaking damit! grabe ang ganda niya na" pakelam ko dun eh ikw lang naman nakikita ko

"Weh d nga? D ko napansin" actually napansin ko naman na nagbago ung kilos at pananamit ni MM pero wa pakels ako dun.

"Tol, di ko lam kung pano ko sasabihin yung nararamdaman ko sa kanya nahihiya ako eh" ako din naman nahihiya sau

"Oh ngaun anong gagawin ko?" cold kung tanong sa kanya.

"Tol bilang kaibigan patulong naman ako oh.. please" wala na sigurong mas sasakit pa dun...

"Pagiisipan ko muna... pagod ako ngaun" pagod na pagod... ung puso ko

"Pagod ka? Hmmm.. sabagay ang tamlay ng boses mo ngaun cge balik na lang ako bukas ah.. Pahinga ka babye!"

At tuluyan na nga syang umalis sa kwarto ko. 

Ang sakit.. ang sakit naman sa feeling na yung taong mahal mo may mahal ng iba and worst nagpatulong pa ang gago. Bwiset naman tapos kay Myra pa? Tangina talaga!!!!! 

Pero kung ipagkukumpara naman halata namang wala kong laban dun. Babae siya , lalaki ako. Pwede maging sila kami malabo. At higit pa dun siya ung mahal hindi ako. Masakit pero kailangan tiisin isasantabi ko muna tong nararamdaman ko alang alang sa kasiyahan ng taong mahal ko. 


~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Hello po!!! sana po magvote kau at follow na rin po

happy reading!!

ITS COMPLICATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon