Kasalukuyan akong naka upo sa ilalim ng puno ng narra sa tapat ng oval sa school.
Uy Jen gusto mong sumali mag lalaro kami don. Pag aaya ng kaklase ko sa akin
Hindi na Myk dito na muna ako. Ang sarap ng hangin dito eh.
Ah sige ikaw bahala. Pero pag nag bago isip mo nandon lang kami ha.
Sige. At tumakbo na siya papunta sa iba pa naming mga kaklase.
Sabay ng pag alis niya ay ang pag agos ng mga ala alang pilit kong kinakalimutan. Dito sa ilalim ng puno ng narra.
<<
Uy mahal anong ginagawa mo diyan ba't di ka sumabay saming mag laro doon?
Sige lang. Ang sarap sa pakiramdam ng hangin dito eh.
Hmm samahan na nga lang kita dito mamaya may mag kamali pang tumabi sayo edi ma tu-turn off sila.
Ha? Bakit naman?
Ang pangit mo kase pag malapitan. At tinawanan niya ako ng napaka lakas.
Ah ganon. Pagtatampo ko.
Siyempre biro lang ikaw naman ayaw ko lang may lumalapit sayong iba pag wala ako. Tumayo siya at kumuha ng bato.
Anong gagawin mo love?
Halika dito. At ipinakita niya sakin ang ginawa niya.
Nag sulat siya sa puno ng narra Mahal na mahal kita Jen. -Peter
Mahal na mahal na mahal kita. Nakayakap siya sa likuran ko habang sinasambit ang mga salitang nag patunaw sa puso ko.
-
Hinaplos ko ang bahaging iyon ng kahoy at nakaramdam na naman ako ng sobrang sakit mula dito kasabay nito ay ang pag agos ng mga luhang pilit ko itinatago sa lahat.
Dear Helios,
Ang sakit sakit pa rin pala. Ang sakit kase sakin naiwan lahat ng ala alang sinayang mo lang.
-Selene 🖤
BINABASA MO ANG
N O S T A L G I A
Aléatoirenos·tal·gia noun noun: nostalgia; plural noun: nostalgias a sentimental longing or wistful affection for the past, typically for a period or place with happy personal associations.