Paglipas ng araw,linggo,buwan nakakaramdan ako ng kakaibang kaba sa kaibuturan ng puso ko, hindi ko alam kung bakit at para saan ang kaba na ang nararamdam.
Dalawang buwan na ang lumipas simula noong gabing may mangyari sa amin ng isang mayamang lalaki na hindi ko gaanong kilala, Sa paglipas ng dalawang buwan na iyon wala naman akong napapansing iba sa aking katawan bukod lang sa hindi ako dinadatnan na siyang lalo na nakapagpapakaba tuwing aking iisipin ang bagay na kinatatakutan kong mangyari.
Pagbaba ko mula sa kwarto ko sinalubong ako ni manang na may matamis na ngiti sa labi at sabay bati ng "Happy Birthday iha" sabay yakap saakin na ginantihan ko naman ng ng mas mahigpit pa.
Hindi ko maiwasang isipin na wala akong ibang masasandalan sa mga problema ko kung hindi lamang si manang Baby at minsan si ate Mirna, nagiging emosyonal ang isip ko sa sa tuwing mararamdaman ko ang yakap ni manang Baby.
"Halika na Vernaile mag almusal kana, niluto ko ang paborito mong kare-kare" pagkalas ni manang sa aming yakap.
Pagupo ko ay sumalubong sa akin ang amoy ng kare-karena nakapag pabaligtad ng sikmura ko, tumakbo ako patungo sa banyo.
"Iha, ayos kalang?" tanong ni manang, habang si ate Mirna naman ay hagod hagod ang aking likod.
"Ate may sakit kaba? Palagi kitang naririnig nasusuka tuwing aakyat ako sa taas para maglinis." ani Apple na parang nagtataka.
Hindi ako makakibo sa kabila ng panlalata ng aking katawan, pero mas nakapanlalata ang naging tanong ni manang Baby.
"Vernaile, buntis kaba?" walang bahid ng lambing na tanong ni manang na ikinagulat ni ate Mirna at ni Apple na ikinakaba ng aking sistema.
Hindi ko alam ang issasagot ko basta ang alam ko ay kailangan kong gumawa nf dahilan.
"A-ano kaba m-manang wala nga akong nobyo paano ako mabubuntis." pagdadahilan ko.
"Plano ko nga sanang mag pa check-up ngayon, baka kasi mag ulcer ako." dagdag ko pa sa sagot ko.
Pagtapos kong kumain, nag ayos na ako dahil naiisipan ko nang ngayon pumunta sa ob-gyne na nakita ko sa google, naging mahaba ang byahe dahil sa traffic nililibang ko nalang ang sarili ko buong byahe dahil bitomg mga nakaraang araw palaging mainitin ang ulo ko o kaya mainipin.
Pag dating ko sa clinic naupo na ako sa registration table dahil wala pa akong record at ngayon palang ako magpa-pacheck up sa ganitong uri ng clinic na para sa mga buntis lamang kadalasan.
Medyo may katagalan dahil marami din ang mga nag papakonsulta sa doctor, mga buntis na babae na may kasamang asawa ang nakikita ko dito at mukhang masaya naman sila pero ako parang walang sayang nararamdaman.
"Vernaile Cristy Marie come in. " dinig kong sabi ng doctor, pumasok ako sa loob kung saan gaganapin ang check-up session.
Tapos na... Tapos na ang check up session, binigyan na ako nang reseta para mga gamot at vitamins ko. Pero lahat ng sinabi ng doctor ay hindi ko naiintindihan pero isang bagay lang talaga ang rumehistro sa isipan ko, ang mga salitang hindi ko pinangarap marinig, mga salitang ikasisira ng buhay at ng imahe ko.
"Congratulations Miss! You are eight weeks pregnant!" nakangiting sabi nang babaeng doctor na nag check-up sa akin.
Lahat na mga salitang narinig ko mula sa kanyang bibig ay siyang nag bigay takot sa isang Vernaile Cristy Marie na dating walang kinatatakutan kung hindi lang aking mga pamilya at ang dios.
BINABASA MO ANG
I AM THE BACHELOR'S WIFE
RomanceSi Vernaile ay isang babae na edad 27 anyos, ngunit sa edad nyang 27 ni minsan walang nag tangka na manligaw sa kanya NBSB ika nga nila. Ang kanyang dalawang kaibigan ay may kanya-kanya ng pamilya, kaya minsan kahit na naiisip niya na masama ang ma...