Lahat tayo'y dumaan sa pagiging bata
matanong, makulit at maraming gustong malaman. Naaalala ko pa nung bata pa ako kapag mayroon akong isang bagay na di maintindihan lagi akong nagtatanong "nanay bakit may ulap? Ano po ang tawag doon? Sino po yung kausap niyo? Saan po tayo pupunta?" At bawat tanong ko ay mayroong sagot. Ipanapaliwanag niya sa akin sa mga simpleng salita na tumatanim sa mura kong isipanNoong apat na taon na ako. Matiyaga akong tinuturuan ng aking ina na sumulat at magbasa ng ABAKADA. Umiiyak pa nga ako noon dahil nahihirapan ako. Pero di sumusuko si nanay sabi pa nga niya "kaya mo yan anak" marami akong natutunan akala ko nga sapat na pero mas mahirap pala pag nasa paaralan na. Wala na si nanay at natatakot ako na baka hindi ko maintindihan ang aking mga guro.
Siguro marami ang sasangayon sa akin na ang pinakapaboritong asignatura ng karamihan ay Filipino. Madaling unawain, masarap pakinggan marahil ay dahil sa ito ang ating sariling wika na nagbubuklod sa atin. Nagging daan upang ang bawat tanong sa ating puso at isip ay mabigyan ng kasagutan. Sa bawat baitang ng aking edukasyon nililinang ng wikang filipino ang aking pagkatao maunawaaan ang pinagmulan ng bansang pilipinas at kasayasayan nito. Makilala ang mga matatapang na Bayani
Ang humanga kay Rizal at Bonifacio maging makabayan habang umaawit ng Lupang Hinirang at nanunumpa sa Inang Bayan natutunan ko rin na maging makata ayon kay Balagtas at sa mga tula mamangha sa mga kwento at alamat na bunga ng panitikan at sining. Maintindihan ang mundo sa pamamagitan ng agham at minsan ay mapakunot ang noo sa matematika at bilang
Ang lahat ng ito ay unti unting naiintindihan sa pamamagitan ng wikang Filipino sa paliwanag ng mga guro at personal na pananaliksik