2.13.2

191 21 2
                                        

Taimtim na sumimsim ng kape si Jimin, habang pasulyap-sulyap sa bintana o di kaya pinto ng isang kilalang coffee shop.

Halos di na mabilang kung ilang beses na syang napa-buntong hininga, ilang beses nya na rin pinag-iisipan kung ano ang sasabihin nya kay Jennie.

At sa wakas, dumating na si Jennie na kangiti-ngiti sa mukha, at medyo paga rin ang mga nito, at alam na alam ni Jimin kung bakit.

Mabagal ang kilos ni Jennie, maging sya ay kinakabahan, nang natanggap niya ang tawag kay Jimin, alam nya na kung sa'n hahantong ang magiging usapan nila...kaya iniyak nya na lahat bago makipag-kita kay Jimin, kahit makakasama sa puso nya ang emosyon.

Dahan-dahan umupo si Jennie, habang nakamasid lamang si Jimin sa kanya.

Katahimikan.

Walang nagtangka mag-salita sa dalawa, ni hindi rin magkatinginan.

Dahil hindi na kinakaya ni Jimin ang katahimikan, sya na ang bumasag nito.

"J-jennie..." parang may bumabara sa kanyang lalamunan habang sinasabi nya ang pangalan nito.

"Sabihin mo na lang yung sasabihin mo! Wag mo nang patagalin pa!" Marahas na bulong ni Jennie na hindi sinasalubong ang tingin ni Jimin, ayaw nyang titigan ito sa mata dahil nahihirapan sya.

"I don't want to hurt you--"

"Well you already did, kahit hindi mo sabihin, ramdam ko! Ang gusto ko lang tanungin...Bakit?..." 

"Jennie..." hindi nya alam kung ano ang itutugon, ano ang sasabihin nya? 'Pasensya na Jennie, nahulog ako sa iba, na ni anino ay di ko pa nakikita.  That sound so ridiculous!

"Pinaglaruan mo lang ba ako?"

"Of course not!"

"Then why?! Bakit ka nga makikipaghiwalay?! May iba ba?" Dahil sa tanong ni Jennie, natutop ang bibig ni Jimin.

Mukhang nahulaan na ni Jennie ang pagkatahimik ni Jimin. Meron nga, may iba pa.

Napahawak si Jennie sa dibdib, bigla itong nanikip, napapikit sya,dahil mas dumoble ang sakit na naramdaman, parang mapuputol ang kanyang paghinga, pilit syang sumisinghap ng hangin ngunit parang wala pa rin.

"Argh!!" Daing ni Jennie na kinabahala ni Jimin.

"Jennie, what's happening?..." napatayo naman si Jimin ng upuan at dinaluhan si Jennie na ngayon ay nahihirapan sa paghinga.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ni Jimin, kinakabahan sya, walang ano-ano ay binuhat nya si Jennie palabas ng coffee shop at sinakay sa kotse, maraming tao ang nakikiusosyo, ngunit ni isa walang tumulong.

Pinaharurot nya ang sasakyan sa pinakamalapit na ospital, habang sinusulyapan si Jennie na ngayon ay halos nakapikit na ang mata.

Please, Lord. Sana okay lang si Jennie, please...di ko kakayanin kung may mangyayari sa kanyang masama

Paulit-ulit na isinasambit ni Jimin ang pakiusap na iyon, habang sinusugod sa emergency room si Jennie.

Gusto nya pang sumunod  ngunit pinigilan sya ng nurse sa pagpasok sa emrgency room.

Ang tanggi na lang nagawa ni Jimin ay panoorin si Jennie na lumalayo sa kanya...

Ibabalik ko po sa dati ang lahat...wag lang may masamang mangyari sa kanya...

---

LONG TIME NO UPDATE!! But don't worry ito na sya!

Dedicated ito sa lahat ng sumusubabay sa munti kong kwento kahit mabagal akong mag-update😊, at gusto kong magpasalamat dahil malapit na ito mag-1k read! Kaya kung shine-share nyo ito sa iba, maraming-maraming salamat sa suporta! 😚

Ito lang naman ang munti kong mensahe sa inyo:

Don't stop loving yourself! 😙💜

H I , J I M I N (HIATUS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon