Agad nanlaki ang mga mata ni Jimin nanag makita na hawak-hawak ni Jennie ang kanyang phone, agad nya 'to hinablot sa pagkakahawak ni Jennie upang tignan ang ginagawa nito.
Nanlaki ang mata niya dahil nabasa nya ang ni-reply ni Jennie kay Roseanne.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" nagpipigil sa galit na tanong ni Jimin kay Jennie, ngunit sinamaan lamang ng tingin ni Jennie si Jimin at agad itong binigyan ng malutong na sampal.
"So after all this time niloloko mo lang pala ako?! May iba ka kaya ka makikipaghiwalay ka sa'kin?! And worst! Mukhang isa sa mga kaibigan ko pa!" Puno ng pang-aakusa na sigaw ni Jennie. Natigilan naman si Jimin dahil do'n ngunit gusto nya gawin ang tama. Ayaw nya ng lokohin pa ang sarili nya.
"Hindi kita niloloko Jennie, kaya nga ako nakikipaghiwalay sayo dahil ayaw ko nang magloko pa, kaya lang naman ulit ako nakipagbalikan sayo dahil kay Roseanne...a-ayaw kong ma-dissapoint sya..." halos pabulong ang huling sinabi ni Jimin. Lumungkot ang ekspresyon ni Jennie mababakas ang sakit sa mata nito.
"Sinasaktan ka lang nya..." yun na lang ang naisagot ni Jennie. Ngumiti na lang nang malungkot si Jimin naalala nya naman ang pag-indyan ni Roseanne sa kanya, ngunit agad nya ito inalis sa isip nya.
Hindi na importante yo'n...
"Handa akong masaktan... " yun na lamang ang tangi nyang sinabi habang malungkot na naka-ngiti...
---
HI LOVEEESSS!! Ito na muli ang update, humabol talaga ako bago matapos ang b-day ng nag-iisang Taehyung ng ARMY...
#HappySingularityTAEDay
Haha. Anyone here already heard Jimin's "Promise", kaka-release nya lang kanina, nakaka-kilig yung boses ni Jimin guys!!
