Mahalaga ba ako sayo?
O mas magandang sabihin na,
Naging mahalaga ba ako sayo?
Kasi feeling ko hindi
Feeling ko napipilitan ka lang sakin
Napipilitan na makipag usap
Napipilitan na magreply sa mga message ko sayo!
Bakit ba kasi ayaw mo na lang akong diretsuhin?!
Sabihin mo lang na ayaw mo sakin
Lalayuan naman kita eh!sabihin mo lang!!
Mahal mo ba ako?
Kasi ako,oo eh,mahal kita!
Pero habang maaga pa ititigil ko na itong nararamdaman kong ito sayo
Ay mali,huli na pala
Huli na dahil nasasaktan na ako
Huli na dahil nahulog na ako sayo
Gusto kitang iwasan na,
Kaso hindi ko magawa
Hindi ko kayang hindi ka kausapin
Hindi ko kayang hindi ka nakikita
Kasi sa bawat oras
Bawat minuto
Ikaw ang naaalala ko
Ikaw ang lumalabas sa isip ko.
Akala ko madali lang
Madali lang na iwasan ka!
Na layuan ka,pero hindi pala
Mali ako,dahil ikaw parin talaga
Ikaw parin ang mahal ko
Minu-minuto,oras-oras
Naghihintay ako nareplyan mo ang mga message ko sayo.
Minsan nga naisip ko na iblock na lang kita,
Para kapag nagreply ka hindi na ulit ako mahuhulog sayo
Hindi na ako magpapadala sa mga sweet messages mo sakin
Ayoko na!tama na!
Hanggang dito na lang
Sawa na akong maghintay!
Pagod na ako na umasa
Sobrang nasasaktan na ako
Kaya mahal,paalam na
Kakalimutan na kita
Kakalimutan ko na ang ating pinagsamahan
Kakalimutan kona na naging parte ka ng buhay ko
Magsisimula ulit ako ng bagong buhay
Magsisimula ulit ako dahil sa pagkasira at pagkawasak ng puso ko
PAALAM NA MAHAL.