Mahal? Patawad
Patawad dahil hindi ko na kaya.
Hindi ko na kayang unawain ka,
Hindi ko na kayang masaktan pa
Kase mahal, pagod na ako naintindihin ka.
Pagod na ako kakahingi ng oras sayo.
Oras mahal? Oras lang naman at atensiyon mo't pagmamahal ang gusto ko pero bakit parang pati yun hindi mo pa maibigay sakin?
Nakakapagod lang kase mahal nasa tuwing gusto kitang makausap lagi mong sinasabing busy ka.
Kaya minsan tuloy na iisip ko na parang wala lang ako sayo.
Patawad kung ako na ang susuko.
Patawad kung ako na ang lalayo.
Kase ayoko ng masaktan pa,
Dahil alam kong kapag lumaban pa ako,
Ako lang din ang masasaktan.
Pinaglalaanan ko ng oras yung taong wala na namang pakialam sakin.
Hanggang dito na lang.
Pero mahal tandaan mo,
Iniwan kita hindi dahil sa hindi na kita mahal.
Kundi dahil alam kong mas doon ka sasaya.